Welcome to Mobile Legends!!! Your grades has been destroyed. Sa pag-usbong
ng teknolohiya sa buhay ng tao umusbong din ang iba’t ibang ng computer at mobile games. Hindi maipagkakaila na pati na ang mga kabataan ay naiimpluwinsyahan na din nito. Isa din ito sa mga isyung kinakaharap ng mga kabataan sa ngayon. Mas pinapahalagahan ng karamihan ang larong ito kaysa sa kanilang kinabukasan.
Nararapat ang gabay ng magulang sa ganitong uri ng situasyon lalo na kung
nakikita nila ang masamang dulot nito sa kanilang mga anak. Bilang isang estudyante ano nga ba ang mas mahalaga? Marka? o Mobile Legends? Totoo naman na nagbibigay libang ang larong ito, at ginagamit din ito ng ibang tao bilang pampalipas oras. Ngunit di rin maiiwasan na dahil sa sayang naidudulot nito nagiging tutok ang atensyon natin dito na nagiging dahilan kung bakit nakakalimutan din nating mag aral. Ang resulta nito ay mababang marka. Kung iisipin mahalaga na tayo ay mag-aral ng mabuti para makakuha ng mataas na marka kaysa magsayang ng pera kakalaro ng Mobile Legends. Sa kabilang banda naaapktuhan din nito ang kalusugan ng mga estudyanteng naglalaro nito dahil sa kulang sila sa tulog dahil tutok sila sa paglalaro. Minsan ay nakakalimutan na din nilang kumain. Nagiging dahilan ito kung bakit maraming estudyante ang tulog sa klase. Sa salitang “ tripple kill” mababa na nga ang marka mo, pinagalitan kapa ng magulang mo,at ang pinakamasama pati kalusugan mo apektado. Bagamat marami ang nagsasabing dito nila naibubuhus ang kanilang saloobin at problema sa pamamagitan ng paglalaro hindi talaga maiiwasanang masamang epekto nito. Ang suliraning ito ay maaari nating masulusyonan sa pamamagitan ng pagkontrol natin sa ating sarili. Imbes na maging rank 1 sa ML bakit hindi natin ito gawing Rank 1 sa Klase? Imbes na maging Master sa ML pwede tayong mag aral ng mabuti para maging master tayo sa leksyon. Imbes na tayo’y magbibigay ng problema sa magulang bakit hindi tayo mag sikap sa pag- aaral para sumaya din sila. Sa salitang “ Legendary” hindi dapat legendary sa ML kundi sa klase.