RRL For Video Games

You might also like

You are on page 1of 3

Ayon kay Jane McGonigal, ang sumulat sa librong "Reality is Broken:

"Kung bakit ang laro ay pinakamabisang paraan upang maipakita ang


pinakamaayos na bersyon ng ating mga sarili at kung paano binago ng paglalaro
ang ating mundo" sinabi niya sa isang interbyu na ang paglalaro ng video games ay
(National Public Radio 2011) "
nakakatulong sa ating sikolohikal na antas at nagdudulot ng positibong stress.
Alam mo naman diba, sa kasalukuyang panahon lahat ng stress sa tingin ng mga
tao ay negatibo kaya nagiging mahirap at takot tayo rito. Pero sa tingin ko ay kung
pipili tayo ng layunin para sa ating mga sarili at nasa kontrol tayo at
pinapahalagahan ito ng mabuti sa kung anuman ang ating ginagawa sa ating
buhay, yung stress na iyon ay magiging positibo". sinabi niya rin na "Ang mga laro
ay ginagampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin na mapuksa ang mga
negatibong emosyon at labanan ito tungo sa positibong emosyon, at higit sa lahat
nakatutulong ito sa pagbuo ng sosyal na relasyon at pakikitungo na maaari lamang
natin mapagbuti sa totoong buhay at hindi lamang ito dahil nakatutulong din ito sa
pagbago tungo sa bagong mundo. gayunpaman si McGonigal ay patuloy na
hinihikayat ang lahat na maglaro ng Online games dahil sa dala nitong benepisyo
pero may payo rin si McGonigal sa mga naglalaro na limitahan ang oras ng
paglalaro dahil nakakasama rin ang masyadong pagbababad sa radiation.

May mga pahiwatig din na ang paglalaro ng video games ay nakatutulong sa mga
bata upang maging lunas sa kanilang pag-aaral. Ayon sa (Entertainment Software
Association) Games: Improving Education (ESA, 2012) "Ang mga mananaliksik
ay nakita na ang video games ay may potensyal na kakayahan upang magamit sa
pag-aaral sa susunod na henerasyon. Ang mga laro ay gumagamit ng mga bagong
teknolohiya upang isama ang mga prinsipyong mahalaga sa pag-aaral ng tao". kaya
ang Department of Education (United States) ay nagbigay ng pundo para sa mga
institusyon na tumutulong sa pagdevelop ng mga laro na may kinalaman sa pag-
aaral, simulation, video games, at virtual na mundo at avatars na magsisilbing tools
sa pag-aaral. sa katunayan ang game app na nagtataglay ng kakayahan na
mapababa ang timbang ng isang bata ay naisali na sa mga ginagawa at ang
adaptasyon sa CSI TV series kung saan ang mga manlalaro ay malalaman ang mga
bagay na kailangan sa pagsusuri ng mga crime scenes at ebidensiya, ang laro na
nagnanais na ipakilala sa sa mga bata na nasa middle school.
Pero may ibang tao na sinasabi na ang paglalaro ay walang magandang maidudulot
sa mga naglalaro nito at nakikita itong pagiging adiksyon ng mga naglalaro
gayunpaman hindi maiaalis sa isipan ng mga tao ang benepisyong dala nito sa mga
"gamers". "Gaming improves creativity, decision making and perciption. the
specific benefits are wide ranging, from improved hand-eye coordination in
surgeons to vision changes that boost night driving ability" yan ang gustong
ipahatid sa artikulo ni Robert Lee Hotz at ang nais niyang imungkahi sa Gaming
(Hotz 2012).

Sa artikulo na isinulat ni Lea Lebrilla ang limang bentahe ng paglalaro ng video


games (Lebrilla, 2010) suggest:
 Ang video game ay maaaring gamitin sa makabagong paraan ng pagturo at
ito ang nakikita ng mga guro na makakatulong sa pag enhance ng kanilang
akademikong kakayahan at pagkamalikhain.
 Nakakatulong din ito sa pagiimprove ng hand to eye coordination.
 Ang video games din ay kilala sa dahil sa dulot nitong sikolohikal na
therapy na gumagamot sa mga pasyente na may depresyon, ito ay upang ma
distract ang kanilang mga sarili sa sakit na kanilang nadarama at mga di
inaasahang emosyon na kanilang dinadala sa pamamagitan ng pagdivert sa
kanilang pokus at pagbibigay sakanila ng libangan sa paglalaro ng video
games.
 Dahil halos lahat ng video games ay goal oriented lalo na yung mga laro na
ang player ay may mga misyon na gagawin sa loob ng laro, ito ay
pinaniniwalaan na makakapgimprove sa pagkamalikhain at pagiging mautak
ng isang tao.
 ang video games din ay makatutulong sa pagimprove ng problem solving
skills ng isang tao. may mga video games na lohikal at nangangailangan ng
stratehiya kagaya ng mga larong puzzle games at strategy games,
nakatutulong ito sa manlalaro para ma debelop ang kanyang kritikal na pag-
iisip at sense of logic na siya namang magbibigay sa manlalaro ng
kakayahan upang makatuklas at makagawa ng bagong metodo sa
pagreresolba ng anumang problema sa madaling paraan.

You might also like