You are on page 1of 3

Jonathan F.

Robreagdo Leksikograpiya
ABF 3-2 Prop. Emelinda C. Layos
Pagtatasa sa mga Inilahad na Salita

Pagtatasa sa presentasyoin ni Bb. Pineda

Isa sa unang mapapansin sa ginawang presentasyon ni Pineda ay ang paraan ng

kanyang pagbibigya katawagan sa termino ng Medical Technology. Kung susuriin ang

ganitong katawagan ay ginagamit na ng mga Pilipino, at maganda na napagisipan niya

na ganito rin ang itawag. Subalit, kung titingnan hindi siya bumuo ng bagong katawagan,

bagkus hiniram niya lamang ang ginagamit na ng mga Pilipino. Maganda sana kung

nakapagisip pa siya iba pang katawagan dito. Pangalwa, mairerekomenda ko naman ang

kanyang mga salitang nabuo na nabigyan niya ng bagong bihis. Katulad ng salitang

Pulyugo. Ngunit ang kanyang ibang nabuong terminolohiya ay kanya lamang isinalin sa

baybay ng wikang Filipino. Isang halimbawa ay ang Leukocytes na kanyang binihisan

bilang Lyukosit. Kung babalikan, ang larangan ng Leksikograpiya ay hindi nakapokus sa

pagsasalin ng mga salita na nasa Ingles patungong Filipino. Ang mithiin ay makagawa

ng mga salitang nasa wikang Filipino. Kaya naman para sa akin dapat na kanyang muli

itong bisitahin at pagtuunan ng pansin. Isa pa sa mga dapat niyang ayusin ay ang paraan

ng kanyang pagsasalin. Dapat maging malinaw ito para sa lahat ng antas ng

mambabasa. Sa huli makikita naman na kanyang sinikap na bumuo ng mga bagong

katawagan na nasa wikang Filipino.

Pagtatasa sa presentasyon ni Bb. Geslani

Unang masusuri sa presentasyon ni Geslani ay ang mga kahulugan ng kanyang

mga napiling salita. Mapapansin na ito ay hindi nakasalin sa wikang Filipino. Maganda
Jonathan F. Robreagdo Leksikograpiya
ABF 3-2 Prop. Emelinda C. Layos
na nasa wikang Filipino ito para maging bukas para sa mamamayang Pilipino. Sa usapin

naman ng kanyang pinagbatayan ng wika bilang tulong sa paggawa ng mga makabagong

katawagan ay masasabi na nagamit naman niya ng tuloy tuloy ang wikang Tagalog.

Subalit sa usapin ng paglalapi mapapansin na mga piling panalpi na kanaya lamang

isinalin. Kung titingnan ang ating wika ay mayaman sa mga panlapi at marapat na siya

muna ay tumingin dito bago ginamit ang pagsasalin ngmgma panblapi na nasa wikang

Ingles. Isa pang mapapansin sa wikang kanyang mga nabuo ay nasobrahan ang

kanyhang pagpuputol ng mga salita. Dapat niyang alalahanin na hindi lamng pagpuputol

ng salita ang basehan upang gumawa ng mga panibago, maaari naman niya panatilihin

ang salita at gawin itong tambalang salita. Sa kabilang banda mabibigyang pansin naman

na mahusay na ginamit niya ang paraan ng paglalabi para sa pagbuo niya ng mga

makabagong terminolohiya. Sa huli, masasabi pa rin na naging matagumpay siya sa

paggawa ng mga bagong terminolohiya, mayroong lamang siya mga salik na dapat

pagtuunan ng pansin gaya ng mga nailahad.

Pagtatasa sa presentasyon ni Bb. Tugade

Isa sa mga unang makikitang dapat pagtuunan ng pansin sa presentasyon ni

Tugade ay hindi niya paggamit ng tuluyan ng rehiyunal na wika na kanyang

pinagbatayan. Mapapansin na gumamit siya ng rehiyunal na wika ng Sebwano at sa

ibang salita ay gumamit siya ng rehiyunal na wika na Waray. Dapat ay nanatili siya sa

paggamit ng nauna sa dalawang wika bilang kanyang batayan upang magkaroon siya ng

sistema sa pagbuo ng mga bagong katawagan. Pangalawa, dapat ay hindi na siya

gumamit ng terminolohiyang nanggaling sa wikang Ingles dahil ang mithiin naman ng


Jonathan F. Robreagdo Leksikograpiya
ABF 3-2 Prop. Emelinda C. Layos
paggawa ng mga terminolohiyang ito ay mapaunald ang bokabularyo ng wikang Filipiono

sa larangan ng Medesina. Isang halimbawa ay ang salitang nabuo nikya na Clear-Salata.

Pangatlo, dapat isa-aalng aalang niya ang magiging mukha ng slaitang kanyang

mabubuo. Dapat tingnan niya ng mabuti kung magigigng maayos baa ng bayabay nit sa

wika at paano ito mabibigkas. Isang halimbawa nito ay ang nabuo niyang salita na

Optabaketa-Makata at Scratcha. Sa pagpuri naman sa iba niyang gawa, makikita naman

na gumamit siya ng paraan ng paglalapi at pagtatambal ng ilang salitang kanyang nabuo.

Maganda na mayroon siya ng ganitong sistema sa pagbuo niya ng terminolohiya para sa

larangang medikal.

You might also like