You are on page 1of 21

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Alfonso Campus

Yunit 3 - Kahulugan ng Pagsasaling-Wika,Katangian at Uri


Kahulugan ng Pagsasaling-Wika
Ayon sa

ang salitang translate ay nangangahulugang “to change from one language into another; to put into
different words.” Kung isasalin sa Filipino, nangangahulugang ang pagsasaling-wika ay “paglilipat mula
sa isang wika sa isa pang wika; ilagay sa dalawang wikang magkaiba.”

Ayon sa,

ang salitang translate ay “to give sense or meaning of in another language.” Sa Filipino,
nangangahulugan itong “ibigay ang diwa o kahulugan sa ibang wika.”
Ang pagsasalin wika ay ang paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa
panimulang wika papunta sa tunguhang wika. Ito ay isang paraan ng paglalapat ng katumbas na
kahulugan ng isang wika (isinalin) na tinutumbasang kahulugan sa ibang wika (pinagsasalinan).
“Ang pagsasaling wika ay iniayon sa mga salita kapag ito’y mauunawan at ginagawang
Malaya naman kapag iyon ay may kalabuan datapua’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan”-
Paciano Mercado Rizal (1886).
Uri ng wika ayon kay Jakobson 1959:14
1. Intralingwal (rewording) o uli-ulit na Salita- ito ang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng
ibang pangungusap o ibang mga salita.
Hal. In some instances, you may choose simply to paraphrase a text.
Salin: Sa ilang pagkakataon ay maaring mas gusto mong sabihin ang isang teksto sa ibang
pananalita.
Pansinin: May mga panahon nan ais mong ibahin ang teksto, Mapapansin sa uri ng saling ito
na higit na nagging maikli ang paglalahad. Dahil, naisasagawa ang paraprasis o paraphrase.
Naging matipid ang tagapagsalin, ngunit hindi Nawala ang nais ipakahulugan.
2. Interlingwal ( translation proper)-

Tandaaan:
 Ang layunin ng ganitong uri ng pagsasalin ay mag- interpret o sumuri.
 Ito ay uri ng pagsasalin na pinakagamitin, dito hindi lamang sa salita nakapokus ang nagsasalin kundi sa
eksaktong salitang katumbas.
 Iniiwasan din ng tagapagsalin ang pagsasalin gamit ang salita sa salita.
 Sa pagsasaaling ito, mahalagang batid ng tagapagsalin ang kultura ng bansa, kung saan nagmula ang isasaling
akda, gayundin ang kultura ng pagsasaling-wika.
Halimbawa:
Salitang “rice”
Tandan : Ang salitang “Rice” ay iisa lamang ang paraan ng pagkakagamit sa ibat-ibang pangungusap sa
Pilipinas.
Rice- May ibat-ibang kahulugan na nakadepende kung paano ginagamit sa pangungusap.

Ingles : Rice Salin sa FILIPINO : palay, bigas, kanin, Abyas, Nasi,,bahaw, kaning-

lamig, ampaw
Tama: He plants rice
Mali: Siya ay nagtanim ng bigas/ ng kanin.
Tama: Siya ay nagtanim ng palay.
3. Intersemiotiko (transmutation)- Pagsasalin ng mensahe mula sa masistematikong
simbolo. Ang pagsasaling ito ay kadalasang ginagamit sa pagsasalin ng mga akdang
pampanitikan.
Paalala: Ang mga akdang nakasulat ay maaring isalin ng tagapagsalin patungo sa
pelikula , o aklat ay maaring isalin sa komiks o iba pang media platform.
Uri ng Pagsasaling Wika ayon sa pag-uri
1. Hindi mabuting Salin ( bad translation)- nagpapahayag ng kakulangan sa
pag-unawa sa orihinal.
Halimbawa:
Orihinal: You are the apple of my eyes
Salin: Ikaw ang mansanas ng aking mga mata
Orihinal: Pedro wants to be a President with a difference
Salin: Gusto ni Pedro na maging Presidenteng may diperensya
Orihinal: I will be the happiest person on earth if I saw you face.
Salin: Ako ang magiging pinakamasayang tao sa mundo kapag nilagari
ko ang iyong mukha.
2. Mabuting Salin (good translation)-ganap na pagkakaunawa sa ideya ng
nagsasaling alam ang wika ng pagsasalin.
Halimbawa:
Orihinal: Like father, like son
Salin: Kung ano ang puno, siya ang bunga
3. Pinakamahusay na Pagsasalin (excellent translation)-wari ay isinulat sa
kinasangkapang wika ang salin.
Halimbawa:
Orihinal: Her heart is as white as snow.
Salin: Busilak sa kaputian ang kanyang puso.
Orihinal: The plants were watered by Peter.
Salin: Ang halaman ay dinilig ni Peter.
Mga Katangian ng Teksto
Pagpapaliwanag: Ang isang teksto ay maaring may katangiang panglingwistika at
pang-ektralingwistika.
Pang-Ekstralingwistika
Ito ay pagtutuon pansin sa mga anyo ng wika at gramatika at ng pagkakaiba-iba
ng wikang isinasalin (W1) at (W2) wikang pagsasalinan.
Halimbawa:
English Verbal Construction Filipino Nominal Construction
She ate the fruit /Kinain niya ang prutas
It was she who ate the fruit, or she was the one who ate the fruit./ Siya ay kumain ng
prutas.
Praktika sa Pagsasaling-Wika- Ang Aktwal na Pagsasagawa sa Pagsasalin
Mga ilang maaring gawin:
1. Tapat versus maganda
2. Malayang pagsasalin versus literal
3. Intralingual na Pagsasalin-isang wika ang kasangkot, pagsasalin ito mula sa
barayti tungo sa iba.
4. Interlingua na Pagsasalin-Sangkot ang 2 o maraming wika.
5. Katapatan sa orihinal
6. Labis at pagkukulang
7. Pagtatangkang makalikha ng isang tekstong napakalinaw kaya’t parang hindi salin.
8. Subhektibong sining na kaiba sa agham na kung san ay may tiyak na termino sa
mga tiyak na termino sa mga tiyak na konsepto.
Uri ng pagsasaling Wika

PAGSASALING PAMPANITIKAN at
PAGSASALING TEKNIKAL
Katangian ng Pagsasaling pampanitikan (Belhag (1997:20)
1. Ekspresibo
2. Konotibo
3. Pragmatiks
4. Simbolikal
5. Subhektibo
6. Bukas sa iba’t-ibang pagpapakahulugan o interpretasyon
7. Hindi kumukupas at may katangiang unibersal
8. Gumagamit ng mga natatanging pamamaran upang itampok ang bisang
pangkomunikatibo-isang pagkiling sa intensyong humiwalay sa mga
alitan-pangwika/pangramatika.
Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito
Pamantayan sa Pagsasalin

1. Higit na pahalagahan ang ang wikang kasalukuyang ginagamit ng bayan kaysa wikang
nakasulat. Maring ang wikang nakasulat ay bahagi na ng nakaran kya’t hindi na ginagamit sa
kasalukuyan. Pilin ang mga salitang higit na gamitin.
Halimbawa: Nakain ka ba ng manok?
Dapat: Kumakain ka ba ng litson?
Nilandi niya ang tubig sa tapayan
Nilaro niya ang tubig sa tapayan
Isaalang-alang ang kaisahan sa anyo ng mga salitang hiniram sa ibang wika. Halimbawa, kung
isasalin ang mga salitang “agriculture and civilization” sa Filipino, ang anyo ay dapat na: Pagsasaka
at kabihasnan hindi pagsasaka o sibilisasyon o agrikultura at kabihasnan
1. May mga salitang magkasingkahulugan. Alin man sa mga ito ay maaring gamitin subali
kailngang iangkop ang salita sa sinaling teksto.
Halimbawa:
Kulay asul ang baro niya
Kulay bughaw ang baro niya
Ingles: He belongs to the royal blood.
Salin: Siya’y nabibilang sa dugong bughaw
Mali: Siya’y nabibilang sa dugong asul.
Pang-esktalinggingwistika- ito ay naukol sa pangkalikasa at pangkultural tulad ng mga sawikain,
matalinhagang pananalita at iba pa.
Halimbawa:
Ingles- he is stubborn
Filipino: matigas ang ulo niya
Hindi kinakailangang ilipat sa pinagsalinang wika ang kakayahan ng wikang isinasalin.
Halimbawa:
Filipino English
Si Pedro ay nanood ng sine Pedro movie a saw
Nanod ng sine si Pedro Saw Pedro a movie
Nanood si Pedro sa sine Movie pedro a saw
Sine ang pinanuod ni Pedro A movie saw Pedro
Tama: Pedro saw a movie
PAGSASALING TEKNIKAL
Sabi ng mga Eksperto sa pagsasaling teknikal, kailangan itong:
1.Naangkop sa target ng mambabasa
2. May layuning maglingkod sa target ng mambabasa
Mga Uri ng Tekstong Teknikal
Maging malinaw na umpisa na :
Kailangang linawin ang kaibahan ng wikang “siyentipiko” sa wikang “teknikal”

Mahalaga ito mismo sa mga siyentista at teknisyan dahil magkaiba ang kahulugan nito; sa
diskyunaryo, ang depinisyon ng agham o siyensya ay “ang sistematikong pag-aaral sa
estruktura at kilos ng daigdig na pisikal, lalo na sa pamamagitan ng pagmamasid,
pagsukat at pag eekperimento at pagbuo ng mga teorya upang ilarawan ang resulta
ng mga naturang Gawain.

Samantala, ang teknolohiya ay “ang pag-aaral at kaalaman sa mga gamit na praktikal at


industyriyal ng mga tuklas ng siyensya” o ang aplikasyon sa buhay ng mga tuklas at
teorya ng agham. Kung gayon ay maaring pagbukurin ang mga teksto sa agham at
teknolohiya sa dalawang pangkalahatang kategorya.
1. Ang tekstong siyentipiko na nauukol sa mga saliksik na
isinasagawa ng isang siyentista o pangkat ng mga siyentista.
Bago ito mailathala, nagdadaan ang mga teksto sa ribyu ng
mga kapwa siyentista at kailangang sumunod ito sa pormat.
2. Ang tekstong teknikal na isinulat upang magpaliwanag
ukol sa tekstong siyentipiko. Malaking bahagi ng tekstong
teknikal ang mga manwal, tesbuk at sangguniang aklat. Ang
mas popular na anyo nito ay ang magasin, newspaper,
polyeto atbp.
Katangian ng Pagsasaling Teknikal
1. Kaalaman sa paksa
2. Mga kasanayan sa saliksik
3. Mga Kasanayan sa pagtuturo
4. Mga Kasanayan sa pagsulat
Halimbawa ng Aplikasyon
1. Magnitude- The prosposed National Budget for 2016 is P3,1001.8 billion, nearly double the
General Appropriation Act (GAA) for 2010
Salin A
Magnitud. Ang propuwestang Presupuwestong Nasyonal para sa 2016 ay P3,1001.8 bilyon,
halos doble ng General Appropriation Act (GAA) para sa 2010.
Salin B
Saklaw- Ang panukalang pambansang badyet ukol sa 2016 ay P3,1001.8 bilyon, halos dalawang
ulit ang taas kaysa sa Batas sa Pangkalahatang laang-gugulin (GAA) ukol sa 2010.
Salin C
Saklaw- Ang panukalang Pambansang badyet para sa 2016 ay P3,1001.8 bilyon, halos dalawang
ulit ang taas kaysa sa Batas sa Pangkalahatang Laang- gugulin.
Tingnan ang isang bahagi ng polyetong Rose Culture ni Thomas D. Cadatal. Anito

Roses, generically known as Rosa, belong to a large group of shrubs, herbs and trees of the family Rosaceae. This family
includes strawberries, peach, almond, apple, apricot and others. One feature that links them together is the production of a
flower bud with varying numbers of petals from five to sixty. All of them bear fruit, including the rose. The immature fruit is
called hip. The rose hip is said to be a good source of vitamin C, next to Citrus fruits. 

Isina-Filipino at ipinalimbag ito ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) sa polyetong pinamagatang “Pag-aalaga
ng Rosas.” Ganito ang salin ng TLRC.

Ang rosas ay kilalang Rosa na kasama sa malaking grupo ng palumpong, damong-gamot at puno ng pamilya Rosaceae. Sa
pamiyang ito kasama ang strawberries ,peach, almond, mansanas, apricot at iba pa. Ang katangiang nag-uugnay sa kanila
ay pagsusupling ng buko ng bulaklak na may iba’t ibang bilang ng talulot na nagmumula sa lima hanggang animnapu. Lahat
sila’y nagbubunga kahit na ang rosas. Ang di magulang na bunga ay tinatawag na hip sa ingles. Ang hip ng rosas ay
sinasabing mainam na pagkukunan ng BItamina C., na pumapangalawa sa prutas na sitrus.”

Pagsasaling Siyentipiko (ilang bahagi, na isinalin ng TLRC na kung saan ay ikinonsulta sa mismong awtor na siya ring
nagsilbing editor ng salin.

You might also like