You are on page 1of 30

Pagsasaling-Wika

Halaw sa Librong ‘Sining ng Pagsasaling-Wika’ ni G. Alfonso


O. Santiago
Kahulugan ng Pagsasaling-
Wika
Ang pagsasaling-wika ay ang
paglipat sa pinagsasalinang
wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at
estilong nasa wikang
isinasalin.
Mga Pamantayan sa Pagsasaling-
Wika
• 1. Higit na pahalagahan ang wikang
kasalukuyang ginagamit ng bayan kaysa wikang
nakasulat. Maaaring ang wikang nakasulat ay
nahagi na ng nakaraan kaya’t hindi na ginagamit
sa kasalukuyan. Piliin ang mga salitang higit na
gamitin.
Halimbawa:
”Nakain ka ba ng litson?”
Dapat: ”Kumakain ka ba ng litson?”
”Nilandi niya ang tubig sa tapayan.”
Dapat: ”Nilaro niya ang tubig sa tapayan.”
• 2. Isaalang –alang ang kaisahan sa anyo ng
mga saliatng hinihiram sa ibang wika.
Halimbawa, kung isasalin ang mga salitang
’agriculture and civilization’ sa Filipino, ang
anyo ay dapat na:
Pagsasaka at kabihasnan
Hindi Pagsasaka o sibilisasyon o
agrikultura at kabihasnan
3. May mga salitang magkakasingkahulugan. Alin
man sa mga ito ang maaaring gamitin subalit
kailangang iangkop ang salita sa sinasaling
teksto.
Halimbawa:
Kulay asul ang baro niya
Kulay bughaw ang baro niya
Ingles: He belongs to the royal blob.
Salin: Siya’y nabibilang sa dugong
bughaw.
Mali: Siya’y nabibilang sa dugong
asul.
4. Maging matipid sa paggamit ng mga
salita.
Ingles: You make plans for the
school year.
Salin:
1. Gumawa ka ng plano para sa
taong panuruan.
(Matipid) 2. Magplano ka para sa
taong panuruan.
5. Sa pagsasalin, hindi maiiwasan ang
pagpapakahulugan. Kung sakaling magkaroon ng
ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, umisip
ng ibang maaaring ipalit dito.
Halimbawa: They moved to another
place.
Salin: 1. Sila ay gumalaw sa
ibang lugar.
Wasto 2. Sila ay lumipat sa ibang
lugar.
6. Hangga’t maaari, iwasan ang paggamit ng
panumbas na salita na may kaanyo sa ibang wika
sa Pilipinas, subalit hindi kakahulugan.
7. Ang mga daglat at akronim na tinatangap na o
kinikilalang unibersal ay di na kailangan iayon sa
baybay ng katumbas sa Filipino.
Halimbawa: UST, QC, BPI, PTA, DepEd
ng umaga – n.u. ng hapon n.h.
8. Kapag ang ang pamagat ay may
kahirapan isalin, bigyan ito ng
katumbas pagkatapos maisalin
ang buong nilalaman ng
materyales na isasalin.
Narito ang ilan pang mga suliranin
sa pagtutumbas.
Sa panlinggwistika
1. Isa-sa-isang katumbas – (dito ang isang
tagapagsalin ay dapat na gumamit ng
diksyunaryong bilinggwal)
W1 leksikon (salita) W2 – leksikon
Halimbawa:
Instrument – kagamitan
Civilization – kabihasnan
• 2. Isa – sa – maraming latumbas
W2 leksikon (a)
W1 leksikon W2 leksikon (b)
W2 leksikon (c)
Hal.:

young child
bata protegee
mistress
• 3. Marami – sa – iisang katumbas
W1 leksikon (a)
W2 leksikon (b) W2 leksikon
W3 leksikon (c)
Hal.:
Maanghang ang sili
Mainit ang plantsa hot
May lagnat ang bata
Ano ang dapat mong
gawin?
a. Maaaring manghiram, subalit
lalagyan ng panipi
Halimbawa:
Ang pag-aaral ng “discourse” ay
ang pangkomunikatibong
paggamit ng mga pangungusap sa
mga gawaing pansosyal.
b. Panghihiram nang may pagbabago
1. hiramin ang salita subalit baybayin ayon sa ating
palabaybayan
Hal.: consistent – konsistent

2. hiramin ang katumbas na salita sa Kastila


Hal.:
Ingles organism
Kastila organismo
Filipino organismo
academic - academico - akademiko
3. lumikha
Hal.: index – talatuntunan
Vocabulary – talasalitaan
Mga Batayang sangkap ng
Pagsasalingwika:
Ang Teksto – ito ay dapat na nakasulat; ano mang haba ng wika na
may pagkakaugnay-ugnay sa isa’t isa ang bawat sangkap, at
nagkakaroon ng isang kabuuang may pagkakaugnay-ugnay
Teksto
Mga Katangiang Mga Katangiang
Panlinggwistika Ekstralinggwistika

Mga Pamantayan Estilo Mga Katangian


Nilalaman Ng Teksto

Mga Katangiang Bisa sa babasa


Intensyunal
(may-akda)
Mga Katangian ng Teksto
• Pagpapaliwanag:
Ang isang teksto ay maaaring may mga katangiang
panlinggwistika at pang-ekstralinggwistika.
Panglinggwistika – ito’y pagtutuon ng pansin sa mga
anyo ng wika at gramatika, at ng pagkaakiba-iba ng
wikang isinasalin (W1) at ng wikang pagsasalinan (W2)
Halimbawa:
English verbal construction:
She ate the fruit. Kinain niya ang prutas.
Filipino nominal construction:
Siya ay kumain ng prutas.
It was she who ate the fruit, or She was the one who ate
the fruit.
Mga Pamantayan
• Ang mga salita at ideya ng orihinal
ay nararapat na nasa isang salin,
kaya’t kapag ang isang salin ay binasa,
kinakailangang ito’y maging salamin
ng orihinal na sinulat tulad din ng
pagiging salamin ng isang salin.
Ang Estilo

• Ang estilo ng orihinal ay dapat


na naipakikita ng isang salin at
dapat ding aralin ng isang slain
ang estilo ng tagapagsalin.
Pang-esktralinggwistika
Ito’y nauukol sa pangkalikasan at pangkultural
tulad ng mga sawikain, matalinghangang
pananalita atbp.
Halimbawa:
English; He is stubborn.
Filipino: Matigas ang ulo niya.
Tulad ng nabanggit na, ang nilalaman ay
kailangang magkakaugnay sa isa’t isa. Kalakip
dito ang layunin ng may-akda at kung paano ito
magiging epektibo sa mga mambabasa.
Kahusayan ng Tagapagsalin
Tagapagsalin

Orihinal Salin

Kahusayan sa W1 Kahusayan sa Paglipat

Kahusayan sa W2

Kahusayan sa Kahusayan sa Pagbibigay


Pagbibigay-kahulugan ng mensahe

Kahusayan sa Pagsususri Kahusayan sa Pagbuo


PALIWANAG
• Ang pagiging mabisa sa salin ay nakasalalay
sa lkahusayan ng tagapagsalin mula sa orihinal.
Tulad ng nabanggit sa unang pahina, ang
tagapagsalin ay mahusay sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin. Ang mabuting
pagpapakahulugan sa W1 ay nagbubunga ng
kahusayan sa pagbibigay ng ideya o kaisipan sa
W2. At kung mahusay ang kanyang pagkakasuri
sa nilalaman ng W1, ang bawat bahagi sa W1 ay
nagkakaroon ng mabisang kabuuan.
Mga Proseso sa
Pagsasalingwika
Literal Hindi Literal

Panghihiram Pagpapalit Pagpapalit

Transposisyon Modulasyon

(Pagsasalin (Pagsasaling (Pagsasabi (Pagkuha ng


Sa isa-sa-isang Literal) sa sariling
kahulugan)
Salita) pangungusap)
Pagpapaliwanag:

Ayon sa balangkas sa itaas ang pagsasaling


wika ay nagsisimula sa literal na pagsasalin sa
pamamagitan ng panghihiram at pagpapalit. Ang
pagpapalit ay sa paraang isa-sa-isang salita o
kaya’y pagsasaling literal. Pagkaraa’y pag-aaralan
kung paano maaaring gawing hindi literal. Ang
pagsasalin ay maaaring ipahayag sa paggamit ng
sariling pangungusap o pagkuha kaya ng
kahulugan sa teksto ng wikang isinaalin.
Batay sa sinulat ng dalubwika (Einar Haugen),
iminungkahi niya ang sumusunod na hakbang sa
pagsasalingwika.
• Pagsusuri – sa pagsasalin, kailangang basahin muna ang
teksto sa orihinal na wika (W1). Dapat alamin ang mga
sumusunod:
• kahulugan ng bawat salita
• pagkagamit ng bawat salita sa isang pangungusap
• kung ang pagpapakahulugan ng isang salita sa mga salita ay
maaapektuhan ng nilalaman.
• Paglilipat – inililipat ng tagapagsalin ang nilalaman sa
wikang pinagsasalinan.
• Pagbabago – pagsulat muli sa teksto sa sariling
pangungusap.
Pagsasalin ng Matayutay na Pahayag.

Nagkakaroon ng suliranin sa pagsasalin ng


matalinghagang mga pahayag. Hindi dapat
isiping ang bawat salita’y may hustong katapat
sa alin mang ibang wika. Ang matalinghagang
kahulugan ay ibinabatay sa taglay na kahulugan
ng pangunahing diwa.
Hal.:
Only five loyal souls reported for work.
Salin Lima lamang matatapat na
manggagawa ang dumating para magtrabaho.
Paraan sa Pagsasalin ng mga Tayutay
• Dapat isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin (W1) na
matayutay ay magiging payak sa wikang pinagsasalinan (W2).
Hal.:
The Philippines elected national officials inh 1998.
Ang mga mamamayang Pilipino ay naghalal ng pambansang pamunuan noong 1998.

• Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang pasighiin ang
damdamin. Nangyayari ito kadalasan, sa panulaan.
Hal.:
He drank 3 bottles.
Uminom siya ng tatlong boteng serbesa.

• Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinaalin. Ang


matayutay na wikang isinasalin (W1) ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang
pinasasalinan (W2)
Hal.:
Don’t hurt his good name.
Huwag mong sirain ang maganda niyang pangalan.
Hango sa pag-aaral ng ginawa
Ni Teresita Fortunato
Sanggunian:
Retorika Filipino 3:Para sa Antas Tersarya
Reresita S. Buensuceso
Jose Dakila N. Espititu pp. 91-96

Villafuerte, Patocino V. (2001). Introduksyon sa


pagsasaling-wika: teorya, mga
halimbawa at pagsasanay. Pamantasang
Normal ng Pilipinas: Grandwater
Publications and Research Corporation. Makati
City
Pagpapalawak ng
Talasalitaan
Paraan upang mapayaman
ang Talasalitaan
• 1. Magkatumbas
• Hal.
• Katipan, kasintahan; Bukid, linang

2. Magkakaparis na Magkasa
hal.
pinuno- kawal
langit-lupa
3.Magkakapangkat( may punong salita o paksa)
hal.
lasa- mapait, matamis, maanghang
4. Magkakasingkahulugan
hal. Mahirap, dukha, maralita.
• 5. Paggamit ng ibat-ibang panlapi sa isang salitang ugat na
nag-iiba ang bahagi ng pananalita.

• 6. Mga hiram na salitang ginagamit sa Filipino na may


katumbas na kahulugan.
• Hal. A. Mula sa Kastila
• Pamilya- (familia ); sosyedad- (Sociedad)
7. Isan salitang mapagkukunan ng marami pang salita/kataga.
hal.
kapaligiran- paligid, kapa, kapal, ka.
8. Isang salitang ugat na bagaman nilalapian ay hindi nalalayo sa o
nanatili pa rin ang kahulugan.

You might also like