Professional Documents
Culture Documents
Narito ang ilang anyo ng Pagsasaling –Wika at Pagbabago ng kahulugan ng salita ayon sa
pagkakagamit nito.
A. Morpolohiya
Halimbawa:
Gobernador-Gobernadora
Konsehal-Konsehala
Kapitan-Kapitana
Abogado-Abogada
Doktor-Doktora
B. Diptongo
Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang
pantig ng salita.
Halimbawa: Aw Sigaw, Galaw, Sayaw, Agaw, Bangaw Ay Bahay, Tulay, Himlay, Katay,
Liwayway.
Mahalagang banggitin na nagkakaroon lamang ng diptonggo kung ang isang pantig at isang
malapatinig ay magkasunod sa isang pantig. Hindi maituturing na diptonggo kung ang tunog
ay magkakasunodlamang ngunit hindi nabibilang sa isang pantig. Halimbawa ang salitang
bayan kahit na kakikitaan ito ngmagkasunod na grapemang a at y dahil kung ang
papantigan ng salita ay ba.yan. maghihiwalay ngayon ang titik a at y.
Ang DIGRAPO ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isang
tunog.Sa Filipino, kadalasang maririnig ang mga digrapo sa mga salitang hiram, ngunit
maging sa mga taal na salita ay maririnig na rin ito dahil sa proseso ng simplipikasyon. a.
Digrapong “ch” -Panatilihin ang digrapong ”ch” kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na
anyo.
Halimbawa: Chopsuey Chips Chavez Charter Cheese -Palitan ang digrapong “ch” ng “ts”
kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita.
Halimbawa: chalk – tsok cochero – kutsero checklist – tseklist chocolate – tsokolate channel
– tsanel
D. Salitang balbal
Ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang
partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang
mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa
mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.
Samakatuwid, ang salitang balbal ay ang salitang Tagalog na nangangahulugang isang
parirala /salita na hiniram mula sa isang banyagang wika na ginamit ng mga karaniwang tao
na ang anyo nito ay binago upang umangkop sa ilang paggamit.
Ang mga salitang balbal ay madalas na nagmula sa mga salitang Tagalog, gamit ang una at
huling pantig at ang kanilang pagkakasunud-sunod ay nabaligtaran.
Ang iba pang mga salitang balbal ay simpleng nagmula sa huling dalawang pantig ng isang
salitang Tagalog.
Halimbawa: ang UTOL ay ang slang para sa kapatid (kapatid na lalaki o babae), na
nagmula sa salitang KAPUTOL (pinutol mula sa parehong sangay o pinagmulan).
Ang KANO ay ang salitang balbal para sa Amerikano, na mula sa salitang AMERIKANO
(Amerikano).
Ang ilang mga salitang balbal ay binabaligtad ang pagkakasunod-sunod na mga pantig ng
mga salita.
Halimbawa:
Ang ASTIG ay mula sa TIGAS, na nangangahulugang isang matigas ang ulo o mapang-api.
Isang kaugnay na salita, ang GASMATI ay mula sa MATIGAS, na nangangahulugang
matigas, matigas ang ulo. Ang TSEKOT ay kotse, mula sa Tagalog KOTSE, habang ang
GOLI ay mula sa LIGO, na nangangahulugang paliguan o naliligo. Kapansin-pansin, ang
parehong porma na ito ay sinusunod sa ilang mga salitang balbal na nagmula sa mga
pariralang Ingles. Halimbawa, ang GOLETS ay mula sa Ingles na pariralang "tara na", na
nangangahulugang magkatulad na bagay sa slang Tagalog.
Mayroon rin naman mga salitang balbal na nasa ayong Ingles ngunit nabibigyan ng ibang
kahulugan dipende sa paano ito gagamitin bilang salita ng kalye. Halimbawa ang XEROX
na ngangahulugan magkamukha. Ang NO REPLY karaniwang akronim ang gamit naman
bilang NR. Ang salitang TOXIC ay nangangahulugang masyadong maraming trabaho
o abala kung gagamitin bilang salitang slang o balbal.
Halimbawa ng pagkakagamit ng salitang balbal na ang mga saitang ginamit ay siyang may
tunay o ibang kahulugan. Basahin ang tula.
TULA: Sandalangin
ni Joey A. Arrogante
Wow! Pare
dyahi talaga.
Ang bigat!
ng atraso ko Sayo.
Alaws kasing bread
pang-score ng damo
kaya nadodobol-kros Kita.
Nagdurog ako,
Nang dumaan Ka, kasama ng mga sikyo,
bumahag ang buntot ko
baka kasi mahalata nila
na magkakosa tayo
pati ako isalvage nila
kaya inisnab Kita.
Sori Boss!
Patawad!
Sori Among!
Patawad!
Isang pakiusap
pakinggan Mo sana:
pabawiin Mo naman ako,
minsang tsansa na lang ba?
itong-ito na lang!
kailangang-kailangan ko kasi
at wala na akong matatakbuhang iba
na makikinig,
na makakaintindi.
Ikaw lamang.
Sige na naman!
pagbigyan Mo na ako
para naman mahulug-hulugan ko
ang mga atraso ko Sayo
at sa kanilang lahat.
Gaylingo
Ang Swardspeak o Gay Lingo o mga wikang Bekimon ay isang patagong wika o salitang
balbal na nagmula sa Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles) na ginagamit ng ilang
mga homoseksuwal sa Pilipinas. Ang lingo na ito ay gumagamit ng ilang salita mula sa
Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalang tao
at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto.
Ang Gay lingo ay maaaring maging isang maginhawang daluyan para ipahayag ng
tagapagsalita ang kanilang saloobin at damdaming hindi madaling maiparating sa
pamamagitan ng mainstream na wika Gayundin, maraming mga salita na naangkop ng
pangunahing wika ay nagmula sa gay lexis, kung saan nagpapatunay na ang malawak na
gamit ng leksikon nito ay ginawang nakakaakit ng isang mas malawak na madla.
Halimbawa: shontis – buntis Jennilyn – cheap, chaka Joana Paras – asawa daki – dako
chopopo – gwapo
F. Mix-mix
Halimbawa: Kadiri- pag-ayaw, pagtanggi kilig to the bone- paghanga in na in- uso bow
lang ng bow- masunurin go lang ng go- determinado
G. Cońo
Halimbawa:
OMG Yaya, my iPod got sira. Can you make pakanta Adele?” “I make ibig Pilipinas, the
lupa where I was made silang…” Pilipino nga ba, talaga? “OMG, do you know how to
make tusok the fishball?” “Yaya, how can you slice this fruit, can you call the fruit ninja
nalang?” I cannot like, uhm you know, gamit gamit my own wikakasi its so baduy.
Mga Salita:
Mga Kulay:
Mga Numero:
Impulse Rendezvous
Iron Reservoir
Kinetic Ricochet
Lava Robe
Magma Sachet
Magnesium Sauce
Mathematics Sausage
Sa Tagalog, ang Ingles na “back and forth” ay hindi isinasalin ng parito’t paroon kung
hindi paroo’t parito. Gayundin naman ang “sooner or later” na hindi madali’t malaon kung hindi
malao’t madali. Ngunit hindi ito totoo sa “more or less” sapagkat isinalin ito na humigit-kumulang
at hindi kumulang-humigit.
May mga pagkakataon na ang salitang Ingles kapag nasasamahan ng ibang salita o
parirala ay nagkakaroon ng ibang kahulugan na karaniwa’y nagiging idyomatiko na.
Ang salitang “give” at “run”. Ang literal na kahulugan ng “give” ay ibigay, maghandog o
ipagkaloob kaya. Ngunit hindi na ganito ang kahulugan kapag:
Ang mga salitang ito ay hindi maaaring isalin sa literal nitong kahulugan. Ang mga sumusunod
ay halimbawa ng mga salitang hindi literal ang salin.
bungang araw = prickly heat
bungang tulog = dreams
maitim ang dugo = evil person
makati ang dila = chatterbox
Dahil sa kahirapan ng pagkilala sa tunay na diwa ng pariralang idyomatiko, marami ang naligaw
sa tamang salin ng mga ito. Kung minsan naman ay nagiging katawa-tawa ang salin. Tingnan
ang mga halimbawang ito.
2. Kung ang pangungusap ay may isang di-tiyak na tuwirang layon (direct object) at isang
di-tuwirang layon (indirect object) sa isang pariralang pang-abay:
Orihinal: I bought a ball for him.
Isinalin na tukuyan ang pandiwa: Binili ko ang bola para sa kaniya.
Huwag: Ibinili ko siya ng bola.
3. Kung ang pangugusap ay may isang makatuwirang di-tuwirang layon at isang di-tiyak na
tuwirang layon.
Orihinal: I bought him a ball.
Isinalin na tukuyan ang pandiwa: Ibinili ko siya ng isang bola.
Huwag: Bumili ako ng isang bola para sa kaniya.
4. Kung ang pangungusap ay may isang makatuwirang di-tuwirang layon at tiyak na
tuwirang layon.
Isalin ng Balintiyak:
1. Tunay na may salitang Ingles na mahirap tapatan ang katumbas sa Filipino, lalo na ang
mga katawagang tekniko at pang-agham. Gayunpaman, ang mga ito’y matatapatan sa
pamamagitan ng panghihiram sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, sa Kastila o sa Ingles.
2. Ang pagsasalin ay kailangang maging pinakamalapit sa diwa, isipan at damdaming
taglay ng orihinal. Maaaring hindi makuhang buong-buo ang isipan o diwa sa pagsasalin
ngunit pakapiliting huwag malayo, at masama na, kung maiba pa.
3. Kung may mga bahagi na maaaring isalin nang literal, gawin ang ganito. Ang mga salita,
pariral o pangungusap na may isa lamang diwa o kahulugan ay naisasalin ng literal.
Piliting kunin o gamitin ang salitang kasingkahulugan o pinakamalapit ang kahulugan sa
wikang pinagsasalinan.
4. Hangga’t magagawa, ang ginamit na mga pang-uri, pang-abay, pandiwa at pangngalan
ay mapasama sa pagsasalin bagaman at maaaring mapalipat ng kinalalagyan sa
pangungusap.
5. Sundin sa pagsasalin ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag sa wikang
pinagsasalinan alang-alang sa makatotohan nito at sa kadudulas at ikagaganda ng
pagbasa g mga salita at pangungusap. Sa Filipino, ang ayos ng pangungusap ay
nauuna ang panaguri kaysa sa simuno na di gaya ng Ingles na laging nauuna ang
simuno sa panaguri.
6. Maari namang mula sa masa patungo sa mga taong may mataas na tungkulin sa
pamahalaan.
7. Dapat na isagawa sa pamamagitan ng batas, ng sapilitang pagpapagamit ng Filipino sa
lahat ng lawak at antas ng karunungan sapagkat ito ay matatamo lamang sa
pamamagitan ng aktwal na paggamit ng wika.