You are on page 1of 12

Himig ng ating kultura

Awiting-Bayan

Pop, rock, jazz, at kahit ano pa mang genre ng awitin, sadyang likas na kinagigiliwan ito ng mga
Pilipino.

Sa paglipas ng maraming taon, iba't ibang uri na ng awitin ang lubos na niyakap at tinangkilik ng mga
Pilipino. Gayunman, may mga pagkakataong ating sariling awitin o mas kilala sa Orihinal na Pilipino
Music (OPM) ay hindi lamang natin napagbabalingan ng pansin o kita. Kung ang mga susunod na usong
mga awiting OPM ay hindi napapansin, lalo na't higit sa mga katutubong awiting nangyayari tanghali sa
unang panahon. Ang mga awiting ito ay tinatawag na mga awiting-bayan. Bago pa man dumating ang
mga mananakop sa ating bansa, bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang mga awit na nagsimula sa
pagsamba at pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon.

Awit mula sa sariling bayan, iyan ang awiting-bayan. Ito ay mga awiting batay sa pamumuhay,
tradisyon, at nakasulat sa wika ng isang partikular na lugar sa Pilipinas. Sadyang mahirap nang
makahanap ng mga taong nakaalam ng mga ganitong uri ng awitin lalo na sa patuloy na popularisasyon
ng mga dayuhang awitin. Sa kabila nito, ang mga awiting bayan ay marapat bigyan ng pansin at
pagpapahalaga. Kung mayroon mang genre ng musika sa kasalukuyang panahon, ang mga awiting bayan
naman ay may mga uri din.

Ilan sa mga uri ng awiting-bayan ang sumusunod:

a. Uyayi o Hele - awit itosa pagpapatulog ng bata. Ang “Uyayi” ay tumutukoy sa liriko ng awit at
ang “hele” ay ang paraan ng pag-ugoy sa duyan
b. Soliranin/Talindaw – awit ito sa paggaod o pamamangka.
c. Kalusan – awit ito sa sama-samang paggawa. Maaring awitin ito bago o pagkatapos ng paggawa.
Maari din namang awitin ito habang gumagwa.
d. Diona – awit ito sa kasal na inaawit habang isinasagawa ang seremonya.
e. Kundiman – awit ito ng pag-ibig o pagmamaha. Maaring ang tema nito ay malungot kung nabigo
ang binatang umaawit at masaya naman kapag may pag-asa ang naliligaw. Inaawit ang
kundiman hindi lamang sa nililigawan, bagkus maari din itong ialay sa magulang, kapatid, anak at
kaibigan.
f. Kumintang – awit ito ng pakikidigma na inaawit bago o pagkatapos ng pakikipagdimaan.
g. Sambotani – awit ito ng pagtatagumpay.
h. Dalit – awit ito sa mga anito na nagpapakita ng pagsamba at paggalang, o imno sa ma diyos-
diyosan ng mga Bisaya.
i. Dung-aw – awit ito ng pagdadalamhati ng mga ilokano sa patay.
j. Umbay – awit ito ng nangungulila dahil sa kawalan ng nagmamahal na magulang
k. Ditso – awit ito mula sa mga batang naglalaro sa lansangan.
Sa iba’t ibang lugar sa Bisaya, maraming mga awiting-bayan ang nagging tampok. Mula
sa wika ng mga taga Bisaya, nagkaroon ang ilang awiting-bayang ng pagsasalin sa Tagalog ay
Ingles. Isang halimbawa nito ang “Dandansoy”

Dandansoy
(Ilonggo) (Ingles) (Tagalog)
Dandansoy, baya-an ta ikaw Dandansoy, I must leave you Dandansoy, iiwan na kita
Pauli ako sa payaw, I am going home to payaw, Uuwi na ako sa payaw Pero
Ugaling kong ikaw hidlawon If by chance you long for me, kung mangungulila la sa akin.
Ang payaw imo lang lantawon. just look towards payaw. Tanawin mo na lang ang
payaw
Dandansoy, kon imo apason Dandansoy, if you come after Dandansoy, kung iyong
Bisan tubig di magbalon me sunduin
Ugaling kon ikaw uhawon Don't even bring water with Kahit tubig huwag magbaon
Sa dalan magbubon-bobon. you, Pero kung ikaw ay uhawin
If by chance you become Manghukay ka ng tubig sa
thirsty, daan.
You can dig well on the way.

Bulong
Ang bulong ay pinaniniwalaang panlaban sa masasamang espiritu kung ito ay itinuturing na
pangkulam o pang-engkanto ng mga Bagobo ng Mindanao. Ginagawa rin ito magpahanggang ngayon sa
Katagalugan at sa Kabisayaan. Halimbawa nito ay kung napaparaan sa mga daang may punso. Ayon sa
matandang paniniwala, ang puso ay bahay ng mga nuno na kapag natapakan ay magagalit sa nakatapak
na siyang sanhi ng pagkakasakit niya. Upang makaiwas sa ganitong pangyayari, kailangan bumigkas ng
bulong tulad ng "tabi- tabi po" o "bari-bari" sa mga Ilokano. Ginagamit din itong panlunas sa sakit tulad
ng usog, pilay, o kagat ng mga hayop.

Ilan pa sa mga halimbawa ng bulong ang sumusunod:

 “Tabi-tabi po apo, makikiraan lang po baka po kayo mabunggo”


 “Makikihingi lamang po ng kaunting bunga”
 “Dagang Malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit bigyan mo ng
bagong kapalit”.
 “Ulan, ulan tumigil ka ulan”.

Bilang pagbabago, ang bulong ay ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga


bagay o pook tulad ng punong balete, sapa at ilog, punso at iba pang pinaniniwalaang tirahan ng mga
lamang-lupa, maligno at iba pang mga nakakaalam ng espiritu nang hindi sila magalit at manakit. Ang
uring ito ay bulong at bukambibig ng matatanda lalo na sa mga probinsiya at itinuturo ng mga anak nila
nang hindi samain o bigyan ng sakit o paglaruan ng mga maligno. (Arrogante, 1983)

Halimbawa ng bulong sa paglalagay ng pataba sa tanim na palay:

"Ngayon tinatalian kita, ang tali ko ay may gamot, nang kahit sinuman ang umani, at kahit na hindi
malawak ang daanan ng may-ani ay malaki ang ani nito; at kahit na hindi malawak itong kaingin ko, kung
talagang mabisa, palakihin ang aanihing palay ko. "
Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Umaayon ang wikang ginamit sa panahon, kultura, at sitwasyon. Pinipili ang angkop na salitang
gagamitin upang higit na maging maayos ang pakikipagtulungan sa iba at maiwasan ang hindi
pagkakaintindihan.

Nahahati sa dalawang uri ang antas ng wika batay sa pormalidad. Ito ang pormal at di-pormal na
salita.

1. Pormal – mga salitang itinuturing na pamatayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at


ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika.

a. Pambansa – ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing nailathala sa iba’t ibang
kapuluan at sa lahat ng paaralan na may intensiyong maakses ng bawat Pilipino saan
mang probinsiya ito nagmula. Ginagamit din ito sa bilang wikang panturo sa mga
paaralan at opisyal na wika ng pamahalaan.
b. Pampanitikan – mga salitang matalinghaga at madalas gamitin sa masining na
pagpapahayag o retorika. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at
dalubwika sa pagsulat ng mga malikhaing akda gaya ng tula, nobela, maikling kuwento,
dula, at iba pa.

2. Di-pormal o Impormal – mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-


araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsapalaran sa malalapit na kakilala at kaibigan.

a. Lalawiganin - ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. Hindi
ito ginagamit sa labas ng kinamulatang lalawigan maliban kung magkakatagpo-tagpo sila sa
labas dahil sa kinagisnan na ito at natural na naibubukambibig kaagad. Kapansin pansin ang mga
lalawiganing mga salita dahil bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba rin itong tono.
b. Balbal- ito ang antas ng wika na maririnig sa ilang grupo ng tao na istilo ng gay lingo na may
sariling kodigo (code) ng wika na lamang nila ang nakauunawa dahil sila rin ay nabuo ng wikang
ginagamit nila. Hindi permanente ang paggamit ng wikang ito dahil nagbabago-bago at
nakasalalay ito sa mga popular na salita. May ilang grupo rin ng kabataan na gumagamit ng
balbal na salitang subalit namamatay rin ang mga ganitong salita. Sa ngayon, nagiging bahagi ng
balbal na salita ang paggamit ng mga pabaligtad na salita na nagkakaroon ng wika ng mga
kabataan.
Halimbawa:
Pemalu – malupit
Lodi – Idol
Werpa – power `

c. Kolokyal (Colloquial) – Tumutukoy ito sa wikang ginagamit sa pangkaraniwang mga usapan at


hindi nangangailangan ng wikang pormal sa anyo at estruktura. Kakikitaan ang kolokyal na wika
ng pagpapaikli ng mga salita mula sag a pormal na salita.
Halimbawa:

Pormal Kolokyal
Nasaan Nasan/asan
Naroon. Naroroon Andoon
Kaniya, kani-kaniya Kanya,kanya-kanya
Aywan Ewan
Piyesta Pista
Hintay ka Tayka/teka

Halimbawa Talahanayan ng kaantasan ng mga salita.

Pormal Impormal
Pampanitikan Pambansa Balbal Lalawigan
Kapusod Kapatid Utol Tugang (Bikol)
Salapi Pera Anda Kwarta (Bicol)
Nagtapat umamin Alat Tumuga (Bicol)

Bohol
Noong unang panahon, ang mga tao ay nakatira sa papawirin. Sa papawiring ito
makikita ang isang kaharian, Ang haring namumuno sa lugar na ito ay may nag-iisang anak na
babae.
Isang araw, ang anak ng hari ay nagkasakit. Ang gamot sa sakit ng prinsesa ay ang ugat
ng isang punongkahoy na tinatawag na balete.

Kailangang humukay ng isang butas na malapit na sa ugat ng punong balete at


hinawakan ang prinsesa ng mga naturang ugat. Isinagawa kaagad ng mga tao ang dapat gawin
upang mapagkalinga ang anak ng hari. Ngunit sa kasamaang palad, nang hawakan na ng batang
prinsesa ang ugat ng kahoy, nahulog siya sa butas.

Habang naliligo ang dalawang pato, nakita nila ang prinsesang bumubulusok pababa.
Sinaklolohan nila ito. Nakakita ang dalawang pato ng isang malaking pagong (bao) at humingi
sila roon ng tulong. Ipinatawag ng bao o pagong lahat ng mga hayop na marunong lumangoy.

Habang sinasaklolohan nila ang bata, bumuga naman mula sa kailaliman ng dagat ang
isang hangin na may dalang sarisaring damo na pumaligid sa malaking pagong o bao. Tumubo at
lumaki ang bao at naging Isla.
Sa islang iyon, sa Isla Bao, tumira ang batang prinsesa.

Sa islang iyon din nagkita ang batang babae at si Lo at doon sila nagkasama at
nagkaibigan. Sa kanilang pagtanda, biniyayaan sila ng kambal na anak: sina Bo at Hol na kapuwa
lalaki. Nang lumaki ang kambal, pinaganda nila ang Isla Bao.

Si Bo ang gumagamit ng mga burol, ilog, gubat, at mga hayop, pati na ang pinakabagong
na unggoy. Si Hol naman ang ginamit ng mga isda, hipon, pati na ang naglalakihang alimango.
Nasaksihan ng mga tao ang mga pagbabago. Dahil sa mga pagbabagong ginawa. nina Bo at Hol,
nagpasiya ang mga taong palitan ang pangalang Isla Bao. Pinalitan ito ng pangalang Bohol dahil
sa alaala ng mga nagawa nina Bo at Hol.

Elemento ng Alamat
1. Tauhan – ang mga gumaganap sa isang alamat; Ang nagbibigay ng buhay sa temang nais na
iparating ng alamt.
2. Tagpuan - ang bumubuo ng imahinasyon ng mga mambabasa; ipinapakita ito hindi lamang ng
lugar at panahon kung kailan at saan naganap ang alamat kundi naglalarawan din ng paraan ng
pamumuhay o estado ng mga tauhan sa lipunan.
3. Banghay – ang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa isang alamt na nahahati sa tatlong bahagi.
a. Simula – Inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamt.
b. Katawan – Inilahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisp ay kaugalian ng bawat
tauhan at ang suliranin at paraan ng pagharap ng tauhan sa suliranin.
c. Wakas – ang kinahinatnan ng kuwento o nagging resolusyon.

Mga Pahayag sa Paghahambing


Higit na magiging mainam ang pagsusuri ng isang bagay kung mayroon itong batayan o
pamantayan. Ang pamantayan ay magiging instrumento upang maging sistematiko ang paghahatid ng
isang bagay na ginagalawan ng mga pahayag sa paghahatid.

l. Pahambing o Komparatibo – Mga pahayag na ginagamit na gimagamit sa pagtutulad ng


dalawang tao, bagay, lunan, o pangyayari. May dalawanag uri ito: magkatulad at di magkatulad
A. Magkatulad: Paghahambing na pantay ang katangian ng pinagtutulad.
1. Ka-: Nangangahulugan ng kaisa o katulad
Halimbawa: Kapangalan ko ang nanay niya.
2. Magka-: nangangahulugan din ng kaisahan at pagpakakatulad
Halimbawa: Magkapangkat ba kayo?
3. Sing- (sin-/sim-): gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagpapatutulad
Halimbawa: Sinlakas ni Bernando Carpio ang taong iyon.
4. Kasing- (kasin-/kasim-): ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing – (sin-/sim-)
Halimbawa: Kasingganda ni Myrna si Angel Locsin.
5. Magsing- (magkasin-/magkasim-) o Magkasing (magkasin-/magkasim-): ang
pinagtutulad ay magkapareho ng katangian.
6. Ga-/Gangga-: Nangangahulugan ng Gaya, tullad, para, paris.
Halimbawa: Gumunggo ang nakuhang bubog sa kaniyang paa.
B. Di-magkatulad: paghahambing na nagpapakita ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o
pagsalungat. Nauuri ito sa dalawa.
1. Hambingang Pasahol: Sa ganitong uri, may higit na katangian ang pinaghahambing sa
bagay na inihahambing.

a. Lalo: nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa "kulang" na katangian.


Sinusundan ito ng katuwang na pahambing kaysa kay kung pangalan ng tao ang
pinaghahambing o higit pa kaysa sa kung sino ang bagay o pangyayari.
b. Di – gasino – tulad ni….: ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.
Sinusundan ito ng mga katagang naghahambing kabilang ang gaya, tulad, para o
paris na sinusundan ng panandang ni.
Hakimbawa: Di gasinong naglakbay si Corazon tulad ni Emma.
c. Di-gaano – tulad ng…: tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay
lamang ginagamit
Halimbawa: Di gaanong masarap ang papaya tulad ng manga.
d. Di- tototo/Di lubha: nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang-
uri. Naggamit itong pamalit sa di gasino at di gaano.
Halimbawa: Ang mag-aaral ay di totoong mahirap paris ng magturo.
2. Hambingang Palamang: may higit a katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan.
Ang halimbawa sa itaas ay maari na ring gamitin, palitan lamang ng Di-lubha ang Di-
totoo.
a. Lalo: ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di-kasahulan kung ang
sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o
kahigitan. Katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.
Halimbawa: Lalong mahaba ang gabi kaysa araw kung disyembre.
b. Higit/Mas….Kaysa/Kaysa sa/ Kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung
ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na matapang siya kaysa sa akin.
c. Labis: tulad din ng higit/mas
Halimbawa: Labis na masipag ang ina kaysa anak.
d. Di-hamak: kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri.
Halimbawa: Malupit na di-hamak ang Hapon kaysa Kastila.

ll. Moderasyon/Katamtaman – paghahambing na ginagamitan ng panlaping ma-, sa paggamit ng


salitang medyo na sinusundan ng pang-uri nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaan ka-/-han.

Mga Halimbawa:

Mabuti-buti na ngayon ang kaniyang kalagayan.

Medyo masama ang aking pakiramdam.

lll. Pasukdol – pinakamataas na antas ng paghahambing.

A. Panlapi
1. Ka-an/-han: ikinakabit sa salitang ugat na pangngalan o pang-uri payak at saka inuulit. May
diing mariin sa ka.
Halimbawa: kabait-baitan, katas-taasan
2. Napaka-: Kapag ikinabit sa salitang-ugat na pangangalan o pang-uring payak , ito ay may
diwang pasisi, padaing, o pahanga.
Halimbawa: Napakasakit, napakalungot
3. Pagka-: Inuunlapi sa mga payak na pang uri at ilan sa mga maylapi, lalo na sa may panlapi
ma-. Nagbibigay ito ng katuturang pangingibabaw ng uri sa mga kasamahan.
Halimbawa: Pinakamasipag, pinakatamad
B. Salita o Parirala
1. Anong: Ang gamit nito ay hindi patanong kundi paghanga, pahinagpis, o pasisi.
Halimbawa: Anong buti!, Anong swerte!
2. Lubha: sa panukdulan, ito’y hindi na kailangan pangunahan pa ng panalungat na di.
Halimbawa: Lubhang magaling ang batang iyan.
3. Totoo: Katulad din ng lubha.
Halimbawa: Totoong masipag si Camille sa klase.
4. Ang lalong: kailangan gamitan ng panandangg ang upang maiba sa pahambing na lalo. Mas
mabuti kung iuuna sa pang-uring sinasamahan.
Halimbawa: Sinasabing ang mga mapagkawanggawa ang lalong panakamayaman.
5. Ubod, Sakdal, Labis, Hari: Dapat sundan ng panandang ng ang mga ito bago sundan ng
salitang-ugat ng pangngalan o pang-uri.
Mga Halimbawa:
Ubod ng daldal ni Ryza Mae.
Sakdal ng bait si Macky.
Labis ng sipag ang kapatid mo.
Hari ng prinsipyo ang ama mo.
6. Wala: bumubuo ng mga pariralang nasa antas panukdulan kapag inuuna sa panlaping
makahambing na kasing o mga salitang panghambing tulad ng katulad, kapara, kaparis,
kahambing, kahulilip, kapantay, pangalawa.
Mga Halimbawa:
Walang kasindamot na negosyante. A
Walang katulad sa linis ang bahay ni Maribeth.
Walang kaparis ang ganda ng iyong damit.
Walang kapantay ang kabaitan ni Gng. Aniversario.
Kasipagan na walang pumangalawa.

Wika at Gramatika
Pang-ugnay sa Panghihikayat/Editoryal Ayon kay C. J. Cruz, ang editoryal ay:

- isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang


magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala, o makatulong sa mambabasa.
- isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa isang tunay na pangyayari.
- isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri, o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng
pangyayari.
Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na nanghihikayat tulad ng sa totoo lang, sa
katunayan, tunay, talaga, totoo, at iba pa.

Mga Halimbawa:
- Totoong ninakaw ni Martin ang alahas, napatunayan na iyan sa CCTV footage.
- Hindi pinahintulutan ng pangulo ang pagtaas ng singil sa pamasahe, sa katunayan nagpalabas na
siya ng kautusan tungkol dito.
Pagsasalita
Magsagawa ng pakikipanayam o interbyu ang pangkat sa mga taong makapagbibigay ng
impormasyon sa paksang itinalaga sa unahang bahagi upang magamit sa panghihikayat na paniwalaan
ng mambabasa ang panig ng pangkat sa isyung tinatalakay sa editoryal.

Isaalang-alang ang ibinigay na paalala sa pagsasagawa ng pakikipanayam.

Ang pakikipanayam o interbyu ay isang paraan na ginagawa upang makakuha ng sapat na


impormasyon o datos sa napiling paksa. Ginagamit din itong batayan sa mga talakayan, pagbabalita,
pag-uulat, at pananaliksik.

1. Mga Dapat Tandaan sa pakikipanayam/Interbyu


 Lumikha ng tiyak na layunin sa isasagawang pakikipanayam upang maging
kontrolado ang gagawing interbyu.

 Maghanap kung sino sa mga kasapi o miyembro ng pangkat ang may kakilalang tao
na may sapat na kaalaman sa paksang tatalakayin sa editoryal.

 Makipagkilala sa taong nais kapanayamin at sabihin kung ano ang kailangan at


magtakda ng araw at oras kung kailan gagawin ang interbyu.

 Ihanda ang iba't ibang tanong na gagamitin sa pagkuha ng impormasyon.


Nakatutulong ang mga nakahandang tanong sa pagkakaroon ng direksiyon sa
isasagawang interbyu.

 Kailangang maging magalang sa pakikipag-usap sa taong kinakapanayam at


magpasalamat pagkatapos ng interbyu.

 Itala agad ang nakuhang mahahalagang impormasyon na magagamit sa pagsulat ng


editoryal.

2. Pagkatapos ng Pakikipanayam/Interbyu

 Ayusin ang mga datos na nakuha at piliin ang mga impormasyong magagamit sa
pagsulat ng editoryal.

 Ibahagi rin sa kapangkat ang naging karanasan sa isinagawang interbyu at ang


natutuhan sa gawaing ito.

 3. Ebalwasyon sa Isinagawang Pakikipanayam


Pang-ugnay sa Paglalahad
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa
pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng
pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kaniya ng kasiyahan at
kalinawan sa paksang pinag-uusapan.

Ilan sa katangian ng isang mahusay na paglalahad ay ang kalinawan, katiyakan, diin, at


kaugnayan. Sa aspekto ng kaugnayan sa paglalahad, ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na una,
ikalawa, habang, pagkaraan, pagkatapos, sa magkahiwalay na insidente, sumunod na pangyayari,
pinakahuli, bilang kongklusyon

Kaligiran ng Maiksing Kuwento


Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikan na nagsasalaysay at nag-iiwan ng
kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa. Ang pagsasalaysay ng isang maikling kuwento ay
maaaring hango sa tunay na buhay, may isa o ilang tauhan lamang, at sumasaklaw ng maikling panahon.

Higit na nagbibigay-sining sa isang maikling kuwento ang mga element nito. Ito ang sumusunod:

1. Tagpuan - tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Inilalarawan nito ang
kapaligiran ng lunan na maaaring humubog sa katangian ng mga tauhan.

2. Tauhan - gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento. May angking katangian sa kanilang pisikal na


kaanyuan, pananamit, at pagkilos na naglalarawan ng kanilang pag-uugali at pagkatao.

3. Banghay - ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa akda. Nahahati ito sa iba't ibang bahagi:

a. Panimula - introduksyon ng akda sa mga tauhan at tagpuan ng maikling kuwento. Ito ang bahagi ng
banghay na pupukaw sa interes ng mambabasa.

b. Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa


suliranin.

c. Suliranin/Tunggalian - problemang haharapin ng tauhan. Mayroon itong apat na uri: tao laban sa tao,
tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

d. Kasukdulan - makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang


ipinaglalaban.

e. Kakalasan - tulay patungo sa wakas

f. Wakas- ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.

4. Tema - ito ang pangunahing ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang kaisipan ng akda.
Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
Isa sa katangian ng isang magandang pagsasalaysay ang pagiging organisado at kalinawan nito. Higit na
magiging maayos ang paglalahad ng detalye o impormasyon ng isang pagsasalaysay kung ito ay maayos
at sunod sunod na nailahad. Kaagapay ng isang magandang pagsasalaysay ang mga pang-ugnay sa
pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng pangyayari gaya ng: isang araw, samantala, habang, sumunod,
matapos nito, at iba pa.

Musika sa Pilipinas
Malikhain, puno ng damdamin, at mayaman sa iba't ibang kulturang Pilipino ang taglay na
katangian ng isang musikang Pilipino.

Masasabing bawat mamamayang Pilipino ay may taglay na natural na pagkahilig sa awit maging
ito ay sariling atin o mula sa mga banyagang bansa.. Ginamit na lunsaran ang awitin ng mga Pilipino sa
pagbibigay-impormasyon, paglalahad ng mga katotohanan, pagbibigay ng sariling opinyon,
panghihikayat, at pag-eendorso ng produkto o mga tao, pagpapaunlad ng ekonomiya, at agrikultura.

Isang napakaepektibong kasangkapan ang awit sa pagpapahayag. Ang ritmo, himig, at


mensaheng nais nitong iparating ay maaaring maging susi ng pagbabago kung ito ay magagamit nang
wasto.

Kombensiyon sa Pagsulat ng awitin


Sa pagsulat ng awit, maraming kailangang bigyang-pansin upang higit na maging maayos ang
nilalaman at kariktan ng liriko nito.

Nahahati ito sa sumusunod na mga elemento:

1. Sukat - ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod.

Halimbawa: pagsisikap = 4 na pantig

2. Tugma - ang nagpapaganda ng diwa ng tula. Ang mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay


nagtutugma sa dulong pantig at ang mga nagtatapos naman sa l, m, n, ng, w, r, y ang
magkakatugma.
Halimbawa: "Piliin Mo ang Pilipinas" - Angeline Quinto

Kayamanan niyang likas


Piliin mo ang Pilipinas.
3. Tayutay - ang paggamit ng pagtutulad (simile), pagwawangis (metaphor), pagsasatao
(personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula.

Halimbawa: "Magbalik" - Callalily

Pagtutulad simile
Tulad ng mundong hindi Tumitigil sa pag-ikot Pagtutulad/simile
Pag-ibig 'di mapapagod
4. Paksa – Isang particular na nilalaman na pinag-uusapan sa isang awit.
5. Persona – tinutukoy nito ang nagsasalita sa awit. Maarii itong nasa, una, ikalawa, o ikatlong
panauhan.

You might also like