You are on page 1of 3

Lektyur: PAGSASALING TEKNIKAL

A. Pagbabalik tanaw sa nakaraang ilang Siglo sa Pagsasaling teknikal sa Pilipinas

Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Castilla (1610)-Tomas Pinpin

Kahalagahan ng Librong ito

1. Unang librong sinulat ng isan g indio “Tauo sa Bataan” (Katutubo sa bataan) nilimbag ng
isang kapwa indio na si Diego Talagbay
2. Ito ang unang libro sa pagtuturo ng wika sa Filipinas
-ang paraang ginamit ay: introduksyon sa pag-aaral ng wika tungo sa pagmememorya ng
batayang bokabularyo sa wikang Espanyol

3. Maituturing na unang libro hinggil sa batayang pagsasalin sa Filipinas.

B. 1. Pagsasaling Teknikal

Tulad ng pagsasaling pampanitikan, hindi ito isang biro-birong trabaho, sa kabila ng dominasyon
ng wikang Ingles bilang wikang pandaigdig, maituturing ang pagsasaling teknikal bilang tunay at
aktibong wika ng globalisasyon. Isang dagdag na Gawain sa globalisasyon ang tinatawag na
“lokalisasyon” , sang –ayon kina Minako O’Hagan (2002) ang lokalisasyon ay “ a process to facilitate
globalization by addressing linguistic and cultural barriers” kailangang mahawi ang mga hadlang
pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa ang isang Gawain o proyektong
global.

Tingnan ang isang bahagi ng polyetong Rose Culture ni tomas D. Cadatal

Roses, generically known as Rosa, belongs to a large group of shrubs, herbs and trees of the
family Rosaceae. This family includes strawberries, peach, almond, apple, apricot and others.One
feature that links them together is the production of a flower bud with varying numbers of petals from
five to sixty. All of them bear fruit, including the rose. The immature fruit called hip. The rose hip is
said to be a good source of Vitamin C, next to Citrus fruits.

Isina-filipino at ipinalimbag ito ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) .Ganito ang salin

Ang Rosas ay kilalangf Rosa na kasama sa malaking grupo ng palumpong, damong-gamot at


puno ng pamilya Rosaceae. Sa pamilyang ito kasama ang strawberries, peach, almond,mansanas, apricot
at iba pa.Ang katangiang nag-uugnay sa kanila ay pagsusupling ng buko ng bulaklak na may iba’t ibang
bilang ng talulot na nagmumula sa lima hanggang animnapu. Lahat sila’y nagbubunga kahit na ang rosas.
Ang di magulang na bunga ay tinatawag na hip sa Ingles. Ang hip ng rosas ay sinasabing mainam na
pagkukunan ng Bitamina C, na pumapangalawa sa prutas na sitrus.”

2. Saling Siyentipiko
Hal:
Scientific name: Ocimum basilicum, L.
Common names: Balanoy (tagalog); Sweet Basil (English); Bazilik (Russian); basilica Commun
(French); Tulasi (Indonesian);Lo-le (Chinese)
Siyentipikong Pangalan: Ocimum basilicum, L.
Karaniwang pangalan: Sweet basil ( Inles); Bazilik (Ruso);basilica Commun (Pranses);Tulasi
(Indonesian );lo-le (chino)

3. Salin ng Batas-

Hal:

Local Government Ang Kodigo ng Pamahalaang


Code 1991 Lokal ng 1991
(Republic Act no. 7160) (Batas Republika Blg. 7160)

Book I, Title One Unang Aklat, Unang Titulo


Chapter 1, Section 2 Kabanta 1, seksyon 2

C. Mga Uri ng Tekstong Teknikal

1. Siyentipiko- Ang tekstong siyentipiko na nauukol sa mga saliksik na isinagawa ng isang


siyentista o pangkat ng siyentista.sistematikong pag-aaral sa estruktura at kilos ng
daigdig na pisikal sa pamamagitan ng pagmamasid, pagsukat at pag-eeksperimento.

Hal:
1. Point of view- paningin, pakay, layon, ibig sabihin, punto de bista
2. Global warming-Pangmundong paiba-iba at pagbabago ng klima o panahon
3. Pagbibigay ng siyentipikong ngalan o taguri sa isang bagay na natutuklasan, kadalasan
ay ikinakapit ang pagpapangalan sa taong nakatuklas.

2. Teknolohiya- pag-aaral at kaalaman sa mga gamit na praktikal at industriyal ng mga


tuklas ng siyensya o aplikasyon sa buhay ng mga btuklas at teorya.

Halimbawa: design/Engineering term


1. Isometric Views
2. Orthographic Views
3. Perspective

D. Patnubay sa pagsulat ng Tekstong Teknikal


1. Magsulat para sa iyong mambabasa at magsulat ng malinaw
2. Alisin ang di-kailangang pag-uulit
3. Iwasan ang di-kailangang pang-uri at panuring
4. Gumamit ng payak na salita at payak na pahayag
5. Gumammit ng ng tinig na aktibo at himig na apirmatibo
6. Sumipi ng mga sanggunian, pangungusap ng mga eksperto at totoong ulat at resulta
7. Tiyaking malinis ang ispeling at gamit ng bantas

Ipinapayo na :
1. Akitin ang madla
2. Umisip ng naiiba at bagong pang-uri
3. Sikaping mamagha ang bumabasa tungkol sa paksa
4. Kumbinsihin ang bumabasa sa layunin ng teksto.
Roses, generically known as Rosa, belongs to a large group of shrubs, herbs and trees of the
family Rosaceae. This family includes strawberries, peach, almond, apple, apricot and others.
One feature that links them together is the production of a flower bud with varying numbers
of petals from five to sixty. All of them bear fruit, including the rose. The immature fruit
called hip. The rose hip is said to be a good source of Vitamin C, next to Citrus fruits.

Ang Rosas ay kilalang Rosa na kasama sa malaking grupo ng palumpong, damong-gamot at


puno ng pamilya Rosaceae. Sa pamilyang ito kasama ang strawberries, peach, almond,
mansanas, apricot at iba pa. Ang katangiang nag-uugnay sa kanila ay pagsusupling ng buko ng
bulaklak na may iba’t ibang bilang ng talulot na nagmumula sa lima hanggang animnapu.
Lahat sila’y nagbubunga kahit na ang rosas. Ang di magulang na bunga ay tinatawag na hip sa
Ingles. Ang hip ng rosas ay sinasabing mainam na pagkukunan ng Bitamina C, na
pumapangalawa sa prutas na sitrus.”

You might also like