You are on page 1of 8

PANANALIKSIK

MIYEMBRO:
MAMATON, JOMMAR
CLARO, AL-MONAIM
KIRAM, AMERKHAN
ONLINE GAMES
A. PAUNANG KAALAMAN TUNGKOL SA MOBILE GAMES
Ang larong online (Ingles: online game) ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng computer
network.Ito ay halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong
teknolohiya ang mayroon: modem bago ang Internet, at hard wired terminalbago ang modem. Ang
paglawak ng online gaming ay sumasalamin din sa pangkalahatang pagbabago ng mga network na
kompyuter mula sa maliit na lokal na network sa Internet at ang paglago ng Internet mismo. Ang
online games ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng texto na laro hangang sa mga larong may
kumplikadong grapiko at virtual na mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga online
games ay kadalasang mayroong online na komunidad, na nagpapakita na may malawak na
pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pangisahang laro.

Ang tumataas na katanyagan ng Flash at Java ay humantong sa rebolusyon sa Internet kung saan
ang mga website ay maaari ng gumamit ng mga video, audio, at iba pang bagay na nakakatulong sa
gumagamit. Ang Microsoft ay nagsimulang isama ang Flash bilang bahagi ng IE, ang Internet ay
nagsimulang magbago mula sa simpleng bahaginan ng data hangang sa pagkuhaan ng aliw. Ang
rebolusyong ito ang nagbigay ng daan para sa mga site na nag-aalok ng mga laro sa mga surfers sa
web. Ilan sa mga online multiplayer na laro tulad ng World ng Warcraft, Final Fantasy XI at Lineage
II ay naniningil ng buwanang bayad upang makatanggap ng kanilang mga serbisyo, habang ang
mga laro tulad ng Guild Wars ay nag-aalok ng alternatibong paraan kung saan hindi sila
nagpapabayad. Maraming ibang mga site ang umaasa sa kita sa paglalagay ng mga advertisement
mula sa on-site isponsor, habang ang iba, tulad ng RuneScape, at Tibia ay nagpapalaro sa mga tao
ng libre habang kung ikaw ay magbabayad ay makakatanggap ng ilang dagdag na serbisyo.

Matapos ang dot-com bubble noong 2001, maraming mga site na umaasa sa advertising ay
humarap sa matinding kahirapan. Sa kabila ng pababa nga kakayahang kumita ng mga website ng
online gaming, may mga ilang mga site ang nakapagpatuloy sa pabago-bagong merkado ng
advertisments sa pamamagitan ng paggamit ng cross-promote para sa paghimok ng mga bisita sa
web upang bisitahin pa ang ibang website ng kompanya upang mapababa ang pagkalugi ng mga
tagapamahala ng mga online games. Ang katagang online gaming para sa maraming mga grupo
ay mahigpit na tumutukoy sa mga laro na hindi kasangkot ang pustahan, bagaman maraming pa
ring gumagamit ng termino na online gaming bilang kahalintulad sa online na pagsusugal gaya
ng online casino Ang artikulong ito ay tumutuon sa mga online games na hindi kasangkot ang mga
pustahan, online na pagsusugal ay tinatalakay sa isang hiwalay na artikulo.
II
A. DEPINASYON

Ang online gaming ay isang teknolohiya kaysa sa isang genre; isa


itong mekanismo para sa pagkonekta ng mga manlalaro para
magkasama kaysa sa isang partikular na uri ng paglalaro." Ang mga
online games ay nilalaro sa ilang uri ng computer network, na sa
ngayon ay karaniwang sa Internet. Isang bentahe ng mga online
games ay ang kakayahan nitong kumonekta sa mga multiplayer
game, bagaman ang single-player online na laro ay lubos na
karaniwan pa rin.
Ang katagang online gaming para sa maraming mga grupo ay
mahigpit na tumutukoy sa mga laro na hindi kasangkot
ang pustahan, bagaman maraming pa ring gumagamit ng termino
na online gaming bilang kahalintulad sa online na pagsusugal gaya
ng online casino Ang artikulong ito ay tumutuon sa mga online
games na hindi kasangkot ang mga pustahan, online na
pagsusugal ay tinatalakay sa isang hiwalay na artikulo.
B. KASAYSAYAN
May 7, 2014 –

Malapit nanaman ang pasukan! May baon nanaman ang mga estudyante at may dahilan
nanaman para umuwi ng gabi. Napatunayan na sa pag-aaral ang epekto ng Computer games at
Internet sa grades ng mga estudyante. Gusto mo bang malaman ang mga dahilan at paano
makokontrol ang inyong anak? Basahin ang pag-aaral sa ibaba at ang rekomendasyon. Sa
patuloy na pag-unlad ng teknolohiya sa buong daigdig, kapansin-pansin rin ang paglago ng mga
taong nahuhumaling sa paggamit ng kanilang Computer at Smartphones. Hindi maipagkakaila
ang tulong na nagagawa ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral, pagkuha ng mahalaga
at libreng impormasyon, komunikasyon, pakikipagkapwa, pagkukwenta at paglilibang. Ngunit ano
na nga ba ang negatibong epekto sa labis na paggamit ng Internet at Computer? Alamin muna
natin ang sinasabi ng mga numero. Ayon sa Internet World Stat, noong 2012 ay umabot na
sa 33,600,000 ang Internet users mula sa Pilipinas at 29,890,900 sa mga ito ay mayroong
Facebook account. Halos 33% ng populasyon sa Pilipinas ang nakikinabang sa mga sari-saring
impormasyon mula sa Net. Sa taong ito 2012, ang 100% ng populasyon ng Monaco ay
gumagamit ng Internet.

Ang bansang Iceland,Norway, Netherlands, Sweden at Denmark naman ay umabot ng 90% ng


kanilang population ang nag-oonline. Sa China naman nagmula ang pinaka maraming user na
umabot ng 568,192,066 na halos 42.3% ng kanilang populasyon. Alam mo ba na sa Pilipinas
lang talamak ang Computer Shops na may maraming games? Sa ibang bansa ay Internet Cafe
lang talaga at browse lang at paggawa ng documents ang pwede mong gawin. Noong
2005, 16% lang ng tao sa buong mundo ang kumokonekta sa internet at noong 2013 ay umabot
na sa 39% ng kabuuang populasyon. Mapapansin din na mas marami ang gumagamit ng Internet
sa mas mauunlad na bansa. Masasabi ba na ang pagdami ng Internet users sa Pilipinas ay
indikasyon ng pagunlad ng ating bansa? O sadyang madali lang talagang umagos sa uso ang
mga Pinoy? Ayon sa Gethooked360.com, 40% ng Facebook users sa Pinas ay mula sa 18-24
years old, 26% mula sa 25 to 34 years old at 15% mula sa 13 to 17 years old noong taong 2013.
Sinasabi rin sa kanilang datos na 46% sa mga user ay babae at 43% naman ang mga lalake.
Ayon sa Quintly.com, pangalawa ang Pilipinas sa lahat ng bansa sa pinakamaraming nadagdag
sa Facebook kasunod lamang sa Brazil noong 2013. Ayon naman sa Wearesocial.net, ang
average hours per day ng mga Internet users sa Pilipinas na gumagamit ng laptop at desktop
ay 6.2 hours at ang nag-oonline naman sa net ay 2.8 hours. 4 hours naman ang average na
ginugugol ng Pinoy sa Social Networking sites kada araw.
C. PAUANG KAALAMAMAN
Paraan kung paano maiiwasan ang pagkaadik sa online games? Sa
panahon ngayon halos lahat na ng kabataan ay naadik sa mga online
games, pati narin ang ibang matatanda. Masaya mag laro ng mga online
games, nakakaaliw, nakakapagpalipas ng ating oras pag wala tayong
ginagawa, bonding sa mga kaibigan. Pero pag nagustuhan mo nang
maglaro ng maglaro nito mahihirapan kanang tumigil maadik kana sa
pag lalaro, araw araw nalang gusto mong mag laro ng online games
hindi kana nakain para lang mag laro, hindi na napagtutuunan ang
pagaaral dahil sa paglalaro, pati baon pinang lalaro nalang ng online
games. Naranasan rin ang mga gantong pangyayari sa buhayng ilang
kabataan, kaya mabibigyan na payo para maiwasan nyo na maging adik
sa mga online games. para maging maayos ang buhay nyo, para hindi
masira ng mga larong ito. Simple lang ang paraan para maiwasan ang
pagiging adik sa online games. Dapat mas maging focus ka sa pagaaral
mo, isipin mo ang mga magulang mo na nagpapaaral sayo at
nagpapakahirap para lang mapagaral ka kahit hirap na hirap na sila
ginagawa nila ang lahat para sayo makatapos ka lang. Maghanap ng
ibang mapaglilibangan na bagay tulad ng pagbabasa ng libro mas may
matututunan kapa dun pag nagbasa ka. kung hindi talaga kayang pigilan
ang sarili sa paglalaro ayos lang basta limitahan mo ang pagalalro mo.
Wag mag papatukso sa mga tropa na nagyayayang maglaro o
maghanap kanalang ng lovelife para hindi ka maadik sa online games sa
lovelife nalang may inspiration kapa dun.

You might also like