You are on page 1of 3

Isabela National High School

Senior High

Konseptong Papel

Epekto ng Paglalaro ng Online Games

sa

Akademikong Pagganap ng mga magaaral

ng INHS-SHS

Isinumite nina:

Balao, JohnLloyd A.

Pancho, Justine R.

Isinumite kay:

G. Nicson S. Candelaria

Hulyo 2021
Paano nakakaapekto ang paglalaro ng online games sa mga

magaaral ng senior high student

I. Rasyunal

Ayon kay Bryan Mags (2011) Ang computer games ay mahirap tanggihan lalo na

kung ito ay nasa paligid lamang. Masayaat nakalilibang ang pag-lalaro nito at

nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunit itodin ay may

mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon.

Ang online game ay isang laro na gumagamit ng iba’t ibang uri ng computer

network. Madalas na ginagamit dito ang

internet o kahit anong pang katumbas na teknolohiya, subalit nagagamit naman

ng mga laro ang kahit anong teknolohiya meron: modem bago ang internet, at

hardwired terminal bago ang modem. Ang pagpapalawak ng online gaming ay su

masalamin sa pangkalahatang pagunlad ng mga network na computer mula

sa maliit na lokal na network sa internet hanggang sa paglago sa pagkunekta sa

internet mismo. Ang mga online games ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng

mga salita lamang hanggang sa mga laro na may kumplikadong grapika at virtual

namundo na maraming mga manlalaro. Maraming mga online games ang may

online na komunidad, nanagiging paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao na

kabligtaran kung solong naglalaro. 

Ayon kay Francis Jamie (2011) Sa Pilipinas isa ang mga online na laro sa mga

nilalaro ng mga kabataan ngayon at dahil sasobra nilang paglalaro dumadami na


sa kanila ang lumiliban sa clase at ito ay nakakabahala sa mgamagulang at sa

paaralan.

II. Layunin

Ang pagaaral na ito ay may naglalayon na:

 Hikayatin ang mga magaaral na limitahan ang paggamit o paglalaro ng

online games.

 Para sa mga kabataan na hindi na maalis ang kamay sa keyboard at ang

grado ng salamin ay umaabot ng libo libo sa dahilan na isa siyang adik o

manlalaro ng computer games.

 Ito ay para sa mga interesado malaman o matukoy kung ano ang

mga posibleng negatibong epekto ng paglalaro ng computer games.

III. Metodolohiya

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng survey o

pakikipanayam sa ilan sa mga magaaral ng gumagamit o naglalaro ng online

games sa kanilang tahanan bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa

layunin.

IV. Inaasahang Output o Resulta

Inaasahang makabubuo ng 50 na pahinang output ang pananaliksik na

isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito. At inaasahan ding

makakapagpahayag sa output na ito ang mga kabataang nais magbahagi ng

kanilang opinion o karanasan na naging epekto ng paglalaro ng online games

base sa pananaliksik na ito.

You might also like