You are on page 1of 3

Kaugnay na Literatura

Ang laki ng naitutulong ng teknolohiya sa buhay nating mga tao. Dahil sa teknolohiya,
napapabilis ang transaksyon, comunikasyon at iba pa. Mas naging napapabilis pa ang takbo ng
buhay ng dahil sa teknolohiya, hindi na dumadaan pa sa sulat o telegrama ang mga mesahe
dahil sa modernong pamaraan tulad ng texting ang chat sa internet. Masasabing ang layo na
nga ng narating ng ating sibilisasyon. Ngayon, nagbabad tayo ng malaking oras sa pag iinternet
dahil sa Inpormasyon libangan introduksyon mas nagiging libangan na rin ang paggamit ng
internet nang isinilang ang mga Online games.(Edward Marison, 2011)

Sa Panahon ngayon maraming tao ang ginugugol ang kanilang oras sa birtwal na mundo, kung
saan sila ay nalululong at sa kasamang palad ito ay nagibibgay ng negatibong resulta sa kanila.
Karamihan sa mga gumagamit at naglalaro ng computer games ay ang mga kabataan.
nakakalimutan na nilang gawin ang kanikanilang mga gawaing pampaaralan. Mas mahabang
oras pa ang kanilang ginugugol sa paglalaro ng mga computer games kaysa sa kanilang pag-
aaral.(Shiela Tibon, 2011)

Sa panahon ngayon, madaming kabataan ang sadyang naadik sa paglalaro ng computer


games. Sa paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya
ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang madalas na nagbibigay ng
epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga larong may temang
sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay.(Patrick Alquiros, 2012)

May mga kaso sa ibang bansa tungkol sa mga negatibong epekto ng paglalaro ng computer
games, kinokopya ng mga manlalaro ang mga aksyon at isinasabuhay ito, dahil sa sobrang
paglalaro ng computer games naaangkop na nila at ginagaya ang kanilang nakikita na lalong
nagiging adik sila dahil sa kaharasan. Ang iba naman ay nagbibigay ng positibong epekto sa
pamamagitan ng pagbibigay ng lesson na magaganda at ginagawang mas malawak ang
imahinasyon ng isang manlalaro. Ito yung mga ginagamit nila sa pag aaral o mga talentong na
nahahasa na kanilang nakikita sa pagiging malikhain at sa mga sosyal na akitibidades ng
laro.(Jeric Soriano, 2012)

Ang adiksyon ay ang sobrang pag-lalaro, at hindi na ito napipigilan. Ngunit bakit hindi ito
napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga gawain,
lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang pag-lalaro nang kompyuter ang nagbibigay sa kanila
nang kasiyahan at ng mapaglilibangan. (Edmund Kam 2011)

Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang “Computer Games: Nakakatulong ba o


nakakasira sa pag-aaral?”, tinutukoy na ang computer games ay nagdudulot ng pagkasugapa o
adiksyon sa mga bata.

Ang madalas nanagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na
kasama. Mga larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang
nakakamatay.Hindi masama ang paggamit ng industriyang ito, ngunit ang kalabisan ng
paggamit dittoay nakakaapekto ng lubos sa pag-aaral ng estudyante.(Joseph Mahinay, 2013)

May tatlo nang naitalang namatay dahil sa sobrang paglalaro ng video games: Si Lee Seung
Seop ng South Korea na namatay habang naglalaro ng Starcraft sa loob ng 50 oras, si Xu Yan
ng Jinzhou, China na naglalaro ng online games sa loob ng 15 araw at isang hindi ipinakilalang
30-taon na lalaki na namatay sa Guangzhou, China matapos maglaro sa loob ng tatlong araw.
(Mark Tremy, 2013)

Sa akda ni McGraw, 2009 na pinamagatang “Exploiting Online Games: Cheating massively


distributed systems” tinutukoy na milyun-milyong katao ang gumagamit ng online games sa iba’t
ibang panig at dako ng mundo kada araw. Isang napakagandang negosyo ang online games
dahil nga sa milyung-milyong tao nga ang gumamit nito, siguradong milyun-milyon ang kita lalo
na kung sikat ang nagawang laro. Tinutukoy din dito ang mga malawakang pandaraya sa
mundo ng online games.
Sa artikulo ni Silin,2004 na pinamagatang “Online Gaming
Addictions” itinala ngawtor dito ang iba’t ibang sintomas ng adiksyon sa online games
pati na rin ang mismongepekto nito sa mga kabataan. Halimbawa na lamang ng sintomas ay
paggastos ng oras sa pag-play ng laro sap unto kung saan sila makagambala sa mga kaibigan,
asawa, pamilya,relasyon at trabaho.

Kaugnay Na Pag-aaral

LOKAL NA PAG-AARAL
Kung grabe na ang pagkahumaling ng mg-aaral sa online games nagkakaroon na
ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pati narin sa kanilang pag-isip at
ugal. Ang palaging pagtutok sa computer ay makakasira sa mata kung walang
proteksiyon. Nakakasira din ito sa pag-aaral dahil ang konsentrasyon
mulang ay sa paglalaro at walan ng oras para mag-aral ng leksyon. At kung walang
sariling computer at nagrerenta lamang, dito madalas maubos ang kanilang pera imbes na
pambili ng baon o pagkain. At dahil sa naaadik ang mga mag-aaral sa Online games hindi na
nila nagagawa ang mga gawaing bahay.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa nina Justine Visda, Heinson Tan at Bryan Yaranon
mula sa Universidad ng Santo Tomas noong pangalwang semestre ng taong 2008-2009,
Ayon sa kanilang pananaliksik, isa sa mga masamang epekto ng sobrahang paglalaro
ng computer games ay pagiging anti-social ng manlalaro o ang pagiging layo ng indibidwal
sa ibang tao dahil sa pinu-pukos nila ang kanilang mga sarili sa paglalaro kaysa
mikisama mula sa iba. Kadalisan sa mga manlalaro ng computer games ay di alam kung
pano pakikitunguhan ang ibang tao.

Batay naman sa pag-aaral ni Carasco (1998) hinihikayat niya ang mga bata o
kabataan na maglaro ng Puzzle Max o kaya mga Adventure games kaysa maglaro ng
Games may halong ka-brutalann tulad ng counter strike. Halimbawa ng larong
kapupuhtan ng aral ay ang larong Book Worm at tulad nin ng mga games nabanggit sa
taas, dahil sa mga karong ito muaari muy mupulut sihing magandang aral at bagong
kaaban Dahil sa mga ganitong klase ng laro maaring tumaas ang antas ng kaalaman
at mas malinang at mapahusay pa nito ang kanilang pag-isip.

Sa pananaliksik na ginawa ni Ferrer, 2012 na pinamagatang”” natuklasan na ang sobrang


pag-lalaro ng “online games” ay nakakalikha ng hindi magandang resulta sa atin katulad na
lamang sa ating kalusugan. Ang labis na paglalaro ng online games ng mgakabataan ay dahilan
ng pag-labo ng kanilang mha mata dahil sa radiation na inilalabas sa monitor ng kompyuter at
isa ito sa pinakamalaking sanhi kung bakit napapabayaan ng mga estudyante ang kanilang
pag-aaral.
Sa pananaliksik ni Cover,2004 na pinamagatang “Gaming Addiction: Discourse,
Identity, Time and Play in the Production of the Gamer Addiction Myth”, tinutukoy na ang mga
taong adik sa online games ay pwedeng maihalintulad sa taong nakadrugs dahil nakikita rito
ang kapabayaan ng tao sa sarili.

Sa pananaliksik ni Kima,2012 na pinamagatang “Online Games- Advantages and


Disadvantages” tinutukoy ditto ang ibat’ibang epekto sa atin ng online games lalo na
kung nakasasama ba sa atin ito may dala rin naming magandang naidudulot para sa
atin.Kagaya na para sa kabutihan ay nalilibang tayo at napasasaya ng
online games lalo na kung pagod na pagod galing sa trabaho. Nakasasalamuha ng ibat’ibang
tao araw-araw atnatutulinagn tayo nahasain an gating pagiisip. Pero kung abusado ang gagamit
nito aymaaaring maapektuhan ng masama ang kanilang kalusugan.

Banyagang Pag-aaral

You might also like