You are on page 1of 8

EPEKTO NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL

Sa Bahagyang Pagtupad sa mga

Kinakailangan para sa Paksang

Pagbabasa at Pananaliksik

sa Filipino

Bagtasos, Kate Rhanella

Embudo, Jhon Mike

Plaza, Jade Kimberly B.

Tampos, Dave Niño

Hunyo 26, 2023


KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang single-player o multiplayer na mga video game na nilalaro sa mga mobile device online ay

tinutukoy bilang mga mobile na laro. Ang mga larong ito ay mas sumisikat kapag maaari itong ma-

download nang libre. (Su YS, Chiang WL, Lee CTJ, Chang HC, 2016).

Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Castillo at Dumrique (2017), ang mga online games ay

maaaring pampawala ng stress, hamon at kumpetisyon, pagpapahinga, kasiyahan, pakikipag-ugnayan

sa lipunan, at maging mental na pagtakas mula sa totoong mundo.

Pero maaring ang paglalaaro ng online games ay kadalasan nagiging problema sa pag-aaral ng

mga mag-aaral.

Ayon kay Dorol (2009), malaki ang kugnayan ng mga larong elektroniko sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral sa isang paaralan sa Quezon City na may ugnayang 194

makabuluhang .021 na antas. Nangagahulugan ito na ang mga larong online na nilalaro ng mga mag-

aaral ay may malaking kaugnayan sa kanilang pagganap sa paaralan.

Napili ng mananaliksik ang paksang ito dahil nais malaman ng mananaliksik kung meron bang

epekto ang paglalaro ng online games sa pag-aaral ng mga estudyante.

BALANGKAS TEORITIKAL

Ang pag-aaral na ito ay naimpluwensiyahan ng symbolic interaction na nagbibigay diin sa epekto

ng paglalaro ng online games sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa isa sa mga paaralan ng Dibisyon ng

Pagadian City. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa malayang baryabol.

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Paglalaro ng Online Games Mga grado ng mga mag-aaral

Figura: Ang Istematikong balangkas sa paglalaro ng online games at mga grado ng mga mag-aaral
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng paglalaro ng online games sa pag-aaral ng mga

mag-aaral sa isa sa mga paaralan ng Dibisyon ng Pagadian City sa taong 2022-2023.

Ang pag-aaral na ito ay may layuning masagot ang mga katanungan ng sumusunod:

1. Ano ang lebel ng paglalaro ng mga mag-aaral ng online games?

2. Ano ang mga grado ng mga mag-aaral na naglalaro ng online games?

3. May kaugnayan baa ng paglalaro ng online games sa mga grado ng mga mag-aaral?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang epekto ng paglalaro ng online games sa pag-

aaral ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral ding ito ay disenyo upang malaman ang mga iba’t ibang epekto

ng paglalaro ng online games sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa isa sa mga paaralan ng Dibisyon ng

Pagadian. Ang pag-aaral na ito ay upang makapagbigay ng higit na kaalaman sa mga isipan ang mabuti

o masamamg dulot ng paglalaro ng online games sa kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral ding ito ay

puwedeng maging batayan sa isa sa mga barangay ng Pagadian kung saan makikita ang paaralan na

ginawan ng pananaliksik at gawing gabay na papel sa pag monitor sa tama at dapat, at gumawa ng

aksyon para ipulong ang mga magulang sa lugar na ito para sa mag-aaral at para sa mga magulang.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sa panahong papel na ito, sa syudad ng Pagadian City, nakatuon ang pananaliksik at pag-aaral

patungkol sa epekto ng paglalaro ng mobile legends sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Isa sa mga

paaralan ng Dibisyon ng Pagadian City ang pinagbabasehan ng aspetong paglalaro ng online games.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Online Games. Ito ay mga laro na nilalaro sa ilang uri ng computer network o smartphone. Ito ay halos

palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong teknolohiya ang mayroon:

modem bago ang internet, at hard wired terminal bago ang modem.

Grado. Markang nagsasaad ng kalidad ng gawain ng isang mag-aaral.


KABANATA III

METODOLOHIYA

DISENYO AT METODO

Ang pagsusuring pag-aaral na ito ay ginagamitan ng distriptibo na uri ng pag kalap ng mga batas

kaugnay sa masusuring pag-aaral sa pananaliksik.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag survey. Ang mga mananaliksik ay

nag handa ng survey kwestyuner upang malaman ang mga epekto ng paglalaro ng online games sa
pag-aaral ng mga mag-aaral. Para lalong mapabuti ang pag-aaral, minabuti rin ng mga mananaliksik na

mangalap ng impormasyon sa iba’t ibang hanguan tulad ng libro at internet.

PAKSA NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito nakapokus sa mga epekto ng paglalaro ng online games sa pag-aaral ng

mga estudyante. Sinaklaw nito ang isa sa mga paaralan ng Dibisyon ng Pagadian at nilimitahan sa mga

mag-aaral na naglalaro ng online games.

RESPONDENTE

Ang pag-aaral na ito, ay nilahokan ng mga mag-aaral sa isa sa mga paaralan ng Dibisyon ng

Pagadian, ang pag-aaral na ito ay partikular sa mga mag-aaral ng isa sa mga paaralan ng syudad ng

Pagadian.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang ginamit na tritment sa mga datos ay ang pagkuha ng bilang at dami ng mga datos na nakuha

sa pamamagitan ng frequency at basagdan. At para sa pagkuha kung may malaking problema ukol sa

paglalaro ng mobile legends sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

You might also like