You are on page 1of 25

ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG

IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

TAONG PANURUAN 2017-2018

Isang Sulating Pananaliksik na iniharap sa Klase ng Filipino,

Senior High School

Maimpis Integrated School

Bilang Kahingian sa Filipino 11,

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nila
Erika S. Estrada
Kathleen Joy G. Ravile
11-ABM

Marso 2018
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG ii
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay

pinamagatang “Ang Kaugnayan ng Paglalaro ng Online Games sa Pag-aaral ng Ika-siyam na

Baitang ng Maimpis Integrated School Taong Panuruan 2017-2018” ay buong pusong inihanda

ng mga mananaliksik mula sa isang grupo na binubuo nina:

Erika S. Estrada

Kathleen Joy G. Ravile

Tinanggap sa ngalan ng departamento ng Senior High School, Maimpis Integrated

School, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 11, Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Kristel Gail S. Basilio


Guro sa Filipino 11
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG iii
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

PAGHAHANDOG AT PASASALAMAT

Buong pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga taong naging bahagi ng pag-

aaral at sa mga taong tumulong, gumabay at naging inspirasyon para mabuo at maisagawa ng

maayos ang pananaliksik.

Sa magulang na walang sawang sumusuporta at umuunawa na naging dahilan upang

maibigay ang pinansyal na pangangailangan at magbigay lakas loob para sa mga gagawin.

Sa mga kaibigan at kamag-aral na naging dahilan upang magkaroon ng karagdagang

ideya ng sa gayon mapalawak ng kaalaman sa pag-aaral.

Sa mga taga-tugon na naging instrumento para mabigyan ng kasagutan ang mga

katanungan ng mga mananaliksik.

Sa mga guro na walang sawang tumulong para maisaayos ang daloy ng pag-aaral at sa

kanilang pagpapamalas ng mahabang pasensya upang maituro at magabayan ang bawat

hakbang na gagawin ng mga mananaliksik.

Sa punong guro na si G. Guillermo S. Fabillar na nagbigay ng pahintulot upang

magpatuloy sa gagawing pananaliksik.

Sa miyembro ng pag-aaral na ito na nagpamalas ng kasipagan at katatagan sa paggawa

ng pananaliksik.

At higit sa lahat sa Panginoon na nagbigay ng buhay at maliwanag na pag-iisip upang

maisagawa ang pananliksik ng maayos na naging dahilan para makarating sa puntong ito.

Mga Mananaliksik
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG iv
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

Talaan ng Nilalaman

Pamagat……………………………………………………………….………………i

Dahon ng Pagpapatibay………………………………………………………………ii

Pasasalamat at Paghahandog…………………………………………………………iii

Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………….……iv

Talaan ng mga Talahanayan………………………………….…………………….…v

Talaan ng mga Pigura………………………………………………………………...vi

Talaan ng mga Apendiks…………………………………………………….………vii

Abstrak…………………………………………………………………………….…1

Panimula………………………………………………………………………….….2

Kaugnay na Pag-aaral…………………………………………………………….….3

Konseptuwal na Balangkas………………………………………………………..…4

Paglalahad ng mga Suliranin…………………………………………….……….….4

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………...5

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral………………………………….………….….5

Metodo ng Pananaliksik……………………………………………………….….…6

Mga Tagatugon…………………………………………………………….…….….6
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG v
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Instrumento ng Pananaliksik………………………………………………….….….6

Pamamaraan ng Pagkuha ng mga Datos at Konsiderasyong Etikal…...…………....6

Pag-aanalisa ng mga Datos………………………………………………….……....6

Mga Resulta at Diskusyon………………………………………………...………...7

Konklusyon………………………………………………………………….…..…..9

Rekomendasyon……………………………………………………………....…..…9

Mga Sanggunian…………………………………………………..……………..10
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG vi
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


TALAAN NG MGA TALAHANAYAN

Talahanayan

1: Kaugnayan ng mga mag-aaral sa bunga ng paglalaro ng online games …………7

2: Pagsang-ayon ng mag-aaral sa paglalaro ng online games sa sarili……………...8

3: Pagsang-ayon ng mag-aaral sa paglalaro ng online games sa pag-aaral..………..8


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG vii
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


TALAAN NG MGA PIGURA

Pigura 1: Balangkas ng Pag-aaral……………………………………………………………4


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG viii
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


TALAAN NG MGA APENDIKS

Apendiks

A. Liham Pahintulot…………………………………………………………………11

B. Talatanungan………….………………………………………………………….12

C. Curriculum Vitae…………………………………………………………....……14

D. Curriculum Vitae…………………………………………………………………15
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG ix
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 1
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay may pangunaning layunin na matukoy ang kaugnayan ng

paglalaro ng online games sa pag-aaral ng ika-siyam na baitang ng Maimpis Integrated. Ang

layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang kaugnayan ng online games sa pag-aaral

at maipaalam ang mabuti at masamang dulot ng paglalaro ng online games. Layunin din nitong

makatulong sa paglutas sa pagkalulong ng mga mag-aaral sa paglalaro ng online games.

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa mga mag-aaral na naglalaro ng online

games. Ang mga tagatugon ay dalawangput-lima (25) mag-aaral ng Baitang 9 sa Maimpis

Integrated School sa taong panuruan 2017 – 2018.

Ang ginamit na uri ng pananaliksik sa pag-aaral na ito ay palarawang metodo.

Gumagamit rin ito ng talatanungan. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey na

talatanungan sa pagkalap ng mga datos na gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang sarbey na

talatanungan ay naglalaman ng sampung (10) katanungan patungkol sa paglalaro ng online

games. Aanalisahin ang mga datos sa pamamagitan ng mga sumusunod: Frequency Counts

and Percentage, Weighted Mean at Likert Scale.

Base sa resulta, ang kaugnayan ng paglalaro ng online games sa sarili ay

nangangahulugan lamang na lubos na hindi sumasang-ayon ang mga mag-aaral. Sa kaugnayan

naman ng paglalaro ng online games sa pag-aaral ay nakakuha ng resultang lubos na sumasang-

ayon ang mga mag-aaral. Ang kabuuang resulta ng pag-aaral na ito ay sang-ayon ang mga

mag-aaral sa kaugnayan ng paglalaro ng online games sa pag-aaral at sa sarili.

Keywords: Online Games, Computer, Mobile Phone


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 2
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Panimula

Sa pagpasok ng ika-20 siglo naimbento at nauso ang mga electronic devices. Ang

electronic devices ay ginagamit sa pakikipag komyunikasyon. Ito rin ay naimbento upang

mapaganda, mapabilis, mapaayos at mapadali ng ilang siglong pag-aaral ang mekanismo ng

kompyuter. Naituring ang bagay na ito na isa sa pinakamagandang nalikha ng tao sapagkat isa

itong makapangyarihang aparato na nagpapatakbo sa halos lahat ng bahagi ng mundo upang

maging mas maayos at mapadali ang pamumuhay. (Abrasaldo, J. et al Marso, 2014). Ngunit

sa katagalan ng panahon, naimbento na rin sa kompyuter ang mga bagay na maaaring

makatulong sa mga tao at makapag-bigay aliw. Isa na rito ang mga laro na online games na

naging libangan ng kahit na sino.

Sa mga nangyayari ngayon maraming kabataan ang nalululong sa paglalaro ng mga

Online Games na nagiging dahilan ng pagbabago ng ugali ng mga kabataan. Ang Online

Games ay isang laro na maaaring laruin sa kompyuter at sa mobile phone na kinakailangan ng

internet. Halimbawa na lamang nito ay ang mga sumusunod: Mobile Legends/ League of

Legends, COC, at Dota 2, ilan lamang ito sa mga sikat na online games ngayon. Ito ay may

dalawang dulot sa mga manlalaro, maaring makabuti o makasama sa kanila.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang kaugnayan ng online

games sa pag-aaral at maipaalam ang mabuti at masamang dulot ng paglalaro ng online

games. Layunin din nitong makatulong sa paglutas sa pagkalulong ng mga mag-aaral sa

paglalaro ng online games.


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 3
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Kaugnay na Pag-aaral

Base sa pag-aaral ni De Castro (2012), ang kaniyang pag-aaral ay pinamagatang

“Computer Games:Nakakatulong ba o Nakakasira?”, sinabi na ang computer games ay

nagdudulot ng pagka-adiksyon sa mga batang mag-aaral. Dahil sa pagkahumaling ng mga bata,

kinakalimutan na nila ang mga bagay na kailangan gawin tulad na lamang ng pag-aaral. Mas

binibigyan pa ng pansin ang paglalaro ng computer games.

Base sa kaugnay na pag-aaral ni De Castro masasabing nakakasira sa pag-aaral ang

paglalaro ng online games.

Ayon naman kay Yee (1999), isang Ph.D. ng Communications Department ng Stanford

University. Ang kaniyang pag-aaral ay nagsimula noong 1999 at ipinakita ang kaniyang

nakalap na pag-aaral na pinamagatang “The Daedalus Project” na ang paglalaro ng kompyuter

games ay nahahati sa limang dahilan, ito ay ang mga sumusunod: achievement, socialization,

immersion, vent/escape at competition. Lumabas din sa kaniyang pag-aaral na ang madalas na

naglalaro ng kompyuter games ay mga edad na (13-17) at sa oras naman ay nagkokonsumo ng

(10-20) sa paglalaro ng kompyuter games sa loob ng isang lingo.

Base sa kaugnay na pag-aral ni Yee masasabi na may dahilan kung bakit naglalaro ang

mga kabataan ng online games ay para makipagkumpetensya, makisalamuha, at magtagumpay

sa paglalaro at ang madalas na naglalaro nito ay puro mga kabataan.


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 4
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Konseptuwal na Balangkas

SANHI PAMAMARAAN BUNGA


MABUTI AT ANG KAUGNAYAN
MASAMANG NG PAGLALARO NG
DULOT NG TALATANUNGAN ONLINE GAMES SA
PAG-AARAL NG IKA-
PAGLALARO NG (STATISTICAL SIYAM NA BAITANG
ONLINE GAMES TOOL) NG MAIMPIS
SA SARILI AT INTEGRATED
PAG-AARAL SCHOOL TAONG
PANURUAN 2017-2018

Pigura Blg. 1. Balangkas ng Pag-aaral

Ipinapakita ng Pigura 1 ang konseptuwal na balangkas ng pag-aaral. Sa sanhi ng

balangkas makikita rito ang mabuti at masamang dulot ng paglalaro ng online games sa pag-

aaral at sa sarili ng mga mag-aaral. Kasunod nito ang pamamaraan sa pagkuha ng mga datos

sa pamamagitan ng talatanungan. At sa huling bahagi inilalarawan nito ang pag-aaral ng mga

mananaliksik patungkol sa bunga ng kaugnayan ng paglalaro ng online games sa pag-aaral at

sa sarili ng ika-siyam na baitang ng Maimpis Integrated School.

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay kailangan magbigay kaalaman sa mga estudyante kung ano nga

ba ang kaugnayan ng paglalaro ng online games sa pag-aaral ng ika-siyam na baitang ng

Maimpis Integrated School taong panuruan 2017-2018.

Layunin din na sagutin ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:

1. Paano mailalarawan ang kaugnayan ng paglalaro ng online games sa sarili?

2. Paano mailalarawan ang kaugnayan sa paglalaro ng online games sa pag-aaral?

3. Ano ang bunga ng paglalaro ng online games sa:

3.1 Sarili; at
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 5
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


3.2 Pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Upang malaman ang dulot ng paglalaro ng online games at ang bunga nito

sa kanilang pag-aaral

Magulang. Upang makatulong na malaman ang kaugnayan ng paglalaro ng online

games sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga guro para

malaman ang paglalaro ng online games sa mga mag-aaral.

Ibang Mananaliksik. Upang makatutulong sa iba pang mga mananaliksik na mag-

aaral ng kaugnay sa pag-aaral na ito.

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa mga mag-aaral na naglalaro ng online

games. Ang mga tagatugon ay dalawangput-lima (25) mag-aaral ng Baitang 9 sa Maimpis

Integrated School sa taong panuruan 2017 – 2018.


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 6
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Metodo ng Pananaliksik

Uri ng Pananaliksik

Ang ginamit na uri ng pananaliksik sa pag-aaral na ito ay palarawang metodo.

Gumagamit rin ito ng talatanungan.

Mga Tagatugon

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay dalawangput-lima (25) mag-aaral ng Baitang 9 ng

Maimpis Integrated School.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey na talatanungan sa pagkalap ng mga

datos na gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang sarbey na talatanungan ay naglalaman ng sampung

(10) katanungan patungkol sa paglalaro ng online games.

Pamamaraan ng Pagkuha ng mga Datos at Konsiderasyong Etikal

Ipinasagot ng mga mananaliksik ang sarbey na talatanungan sa dalawangput-lima (25)

na mag-aaral ng Baitang 9 sa Maimpis Integrated School.

Ang pagkuha ng sarbey na talatanungan ay isinagawa matapos masagutan ng mga mag-

aaral.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Aanalisahin ang mga datos sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Frequency Counts and Percentage

2. Weighted Mean

3. Likert Scale
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 7
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Ginagamit ito upang iinterpret ang mga average ng mga rating ng mga katanungan,

3.25 – 4.00 = Lubos na sumasang-ayon

2.50 – 3.24 = Sumasang-ayon

1.75 –2.49 = Hindi sumasang-ayon

1.00 – 1.74 = Lubos na hindi sumasang-ayon


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 8
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Mga Resulta at Diskusyon

Talahanayan 1
Kaugnayan ng mga mag-aaral sa paglalaro ng online games sa sarili at pag-aaral

Mean Interpretasyon
Sarili 2.47 Hindi Sumasang-ayon
Pag-aaral 3.08 Sang-ayon

Average Mean 2.77 Sang-ayon


Ipinakikita ng talahanayang ito ang interpretasyon ng mga mag-aaral sa kaugnayan ng

paglalaro ng online games sa pag-aaral at sarili. Makikita na may mean na 2.47 ang may hindi

sumasang-ayon ng mga mag-aaral sa kaugnayan ng paglalaro ng online games sa sarili.

Samantalang may mean na 3.08 ang may pagsang-ayon na may kauganayan ang paglalaro ng

online games sa pag-aaral.

Nangangahulugan lamang na sumasang-ayon ang mag-aaral na mayroong bunga ang

paglalaro ng online games sa pag-aaral.

Talahanayan 2
Pagsang-ayon ng mag-aaral sa paglalaro ng online games sa sarili

Bilang ng Populasyon Percentage

Lubos na Sumasang-ayon 7 30
Sumasang-ayon 6 23
Hindi Sumasan-ayon 3 12
Lubos na Hindi Sumasang-ayon 9 35
Kabuuan 25 100
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 9
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Ipinakikita ng talahanayang ito ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat lebel ng

pagsang-ayon sa paglalaro ng online games. Makikita na may pito (7) o tatlumpung porsyento

(30%) ng mga mag-aaral ang lubos na sumasang-ayon, anim (6) o dalawangput tatlo na

porsyento (23%) ang may sumasang-ayon na mag-aaral, tatlo (3) o labingdalawang porsyento

(12%) naman ang hindi sumasang-ayon na mag-aaral at siyam (9) o tatlongpu’t limang

porsyento (35%) ng mga mag-aaral ang lubos na hindi sumasang-ayon.

Talahanayan 3
Pagsang-ayon ng mag-aaral sa paglalaro ng online games sa pag-aaral

Bilang ng Populasyon Percentage

Lubos na Sumasang-ayon 13 52
Sumasang-ayon 5 18
Hindi Sumasan-ayon 3 14
Lubos na Hindi Sumasang- 4 16
ayon
Kabuuan 25 100

Ipinakikita ng talahanayang ito ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat lebel ng

pagsang-ayon sa paglalaro ng online games. Makikita na may labing tatlo (13) o limangpung

porsyento (52%) ang lubos na sumasang-ayon, lima (5) o labing walong porsyento (18%), tatlo

(3) o labingapat na porsyento (14%) ang may hindi sumasang-ayon, at apat (4) o labing anim

na porsyento (16%) ng mag-aaral ang lubos na hindi sumasang-ayon.


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 10
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Kongklusyon at Rekomendasyon

Kongklusyon

1. Base sa resulta ng sarbey sa kaugnayan ng paglalaro ng online games sa sarili ay may

nakuhang resulta sa mga mag-aaral na lubos na hindi sumasang-ayon.

2. Mailalarawan na ang paglalaro ng online games ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga

mag-aaral. Ang bunga sa sarili ng paglalaro ng online games ay nakakuha ng lubos na

hindi sumasang-ayon.

3. At ang kaugnayan naman ng paglalaro ng online games sa pag-aaral nakakuha ng

resulta na sang-ayon ang mga mag-aaral, na may kabuuang sumasang ayon ang mga

mag-aaral.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod na rekomendasyon ay halaw mula sa resulta at kongklusyon ng

pag-aaral:

1. Sa mga mag-aaral, higit na bigyang pansin ang pag-aaral at huwag gawing bisyo ang

paglalaro ng online games upang hindi maepektuhan ang grado.

2. Sa mga guro,gumamit ng makabagong teknolohiya upang maipaalam ang maaaring

maging epekto ng paglalaro ng online games sa sarili at pag-aaral.

3. Sa mga magulang, higit na gabayan ang mga anak sa paggamit ng kompyter upang

maiwasan ang paglahumaling nila ditto at upang hindi maapektuhan ang sarili at pag-

aaral.

4. Sa mga susunod na mananaliksik, maaari silang gumawa ng mas malalim na

pananaliksik tungkol sa epekto ng paglalaro ng online games.


ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 11
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Mga Sanggunian

Abrasaldo, M. et al (Marso, 2014). Epekto ng Paglalaro ng Computer Games. Enero 24,

2018, https://www.scribd.com/doc/212571948/Research-Paper-filipino-2-Epekto-Ng-

Paglalaro-Ng-Computer-Games.

De Castro, C. (2012). Computer Games: Nakakatulong ba o nakakasira sa pag-aaral. Enero

31, 2018,

http://www.academia.edu/25008640/Ang_Naidudulot_ng_Paglalaro_ng_Online_Gam

es_sa_mga_Mag-aaral_ng_Unibersidad.

Yee, N. (1999). The Daedalus Project. Pebrero 2, 2018,

https://www.coursehero.com/file/p6pgin3/Isa-sa-pinakamalalaking-pananaliksik-na-

ginawa-ay-ang-pag-aaral-ni-Nicolas-Yee/.
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 12
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Apendiks A

Liham Pahintulot

Pebrero 15, 2018

G. Guillermo S. Fabillar
Panunumparang Pinuno ng Paaralan,
Maimpis Integrated School
Maimpis, Siyudad ng San Fernando

Ginoong Fabillar:

Maganadang araw.

Kami po ay mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang ng ABM/STEM na nagsasagawa ng isang


pananaliksik sa asignaturang Filipino. Ito po ay paksang Ang Kaugnayan ng Paglalaro ng
Online Games sa Pag-aaral ng ika-9 Baitang ng Maimpis Integrated School Taong Panuruan
2017-2018. Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng pahintulot na makapasarbey sa mga
piling mag-aaral mula sa Junior High School. Ang oras po ng aming pagsasarbey ay itatapat
sa aming oras sa Filipino 11 sa ganap na 8:30-9:30 ng umaga.

Kalakip po ng liham na ito ang kopya ng talatanungan, talaan ng napiling mga klase at bilang
ng mga tagatugong mag-aaral. Umaasa po kami sa inyong pagpayag para sa ikatatagumpay
ng aming pananaliksik.

Lubos na gumagalang,

Erika S. Estrada

Kathleen Joy G. Ravile

Pinagtuunan ng pansin ni:

Bb. Kristel Gail S. Basilio


Guro sa Filipino 11

Ipinagtibay ni:

G. Guillermo S. Fabillar
Panunumparang Pinuno
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 13
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

Apendiks B

Talatanungan

Mahal na Kamag-aral,

Kami ay mga mag-aaral sa ika-11 baitang, klase ng ABM na nagsasagawa ng isang pag-aaral
sa asignaturang Filipino. Ang aming pag-aaral ay Ang Kaugnayan ng Paglalaro ng Online
Games sa Pag-aaral ng Ika-siyam na Baitang ng Maimpis Integrated School Taong
Panuruan 2017-2018. Hinihiling naming na basahing mabuti ang mga panuto at matapat na
sagutin ang mga tanong na nakatala. Ang sagot na makukuha naming sa iyo ay lubos na
kapaki-pakinabang sa aming pag-aaral. Asahan na naming iingatan ang iyong kooperasyon.

Lubos na gumagalang,
MGA PANANALIKSIK

ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG

IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL TAONG

PANURUAN 2017-2018

TALATANUNGAN

1. Paano mailalarawan ang kaugnayan ng paglalaro ng online games sa pag-


aaral?
2. Gaano kalawak ang kanilang kaugnayan sa larangan ng iba’t ibang laro na
online games sa pag-aaral?
Panuto:Sa pamamagitan ng mga sumusunod na rating scale ay lagyan ng tsek ang kolum
ng iyong kasagutan sa bawat aytem.

4-Lubos na may kaugnayan

3-May kaugnayan

2-Walang kaugnayan
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 14
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


1-Lubos na walang kaugnayan

Bunga ng paglalaro ng online games sa sarili 4 3 2 1


1.Nagiging adik sa paglalaro
2.Nagiging malabo ang mata
3.Pag sakit ng ulo
4.Nagkakaroon ng sakit na ulcer
5.Nauubos ang pera

Bunga ng paglalaro ng online games sa pag-aaral 4 3 2 1


1.Nagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng kompyuter o
mobile phone
2.Nakakalimutan gawin ang mga takdang-aralin, proyekto
at aktibidad
3.Natututong makipagkomunikasyon gamit ang internet
4.Nahahasa ang paggamit ng wikang ingles
5.Nawawalan ng pokus sa pag-aaral
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 15
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Apendiks C
Curriculum Vitae
PERSONAL INFORMATION

Name: Erika S. Estrada


Sex: Female
Nationality: Filipino

Date of Birth: November 18, 1998


Place of Birth: Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Residential Address: Maimpis Purok (8),City of San Fernando

Cellphone Number: 0910-519-3774


E-mail Address: erika_serafin@yahoo.com

EDUCATIONAL BACKGROUND

Secondary School Maimpis Integrated School


Brgy. Maimpis CSFP
2017

Elementary School Maimpis Integrated School


Brgy. Maimpis CSFP
2013

Special Skills
Dancing
Award and Recognition
Grade 11 1st Semester “Rank 2”
2nd Semester “Rank 3”

Grade 10 “With Honor”


“1st Place in Essay”
ANG KAUGNAYAN NG PAGLALARO NG ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG 16
IKA-SIYAM NA BAITANG NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL


Apendiks D
Curriculum Vitae
PERSONAL INFORMATION

Name: Kathleen Joy G. Ravile


Sex: Female
Nationality: Filipino

Date of Birth: September 17, 1999


Place of Birth: Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Residential Address: Maimpis Purok (8), City San Fernando, Pampanga

Cellphone Number: 0975-418-8908


E-mail Address: 09359620339

EDUCATIONAL BACKGROUND

Secondary School Maimpis Integrated School


Brgy. Maimpis CSFP
2017

Elementary School Maimpis Integrated School


Brgy. Maimpis CSFP
2013

Special Skills
Dancing
Award and Recognition

Grade 11 1st and 2nd Semester “Rank 4”


Grade 10 “Silver Medalist Combative”
“Bronze Medalist Anyo”
“3rd Place 1500 meter”
“2nd Place 400 Hurdles”

You might also like