You are on page 1of 4

Introduksyon

Sa paglipas ng panahon, ang pamumuhay ng tao ay unti-unting nagbabago at ito ay sa

pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya na gimagamit ng mga tao sa araw-araw.

Halimbawa nito ay ang mga computer, tablet, at mga cell phone na siyang kinahuhumalingan ng

mga tao lalo na ang mga kabataan ngayon. Sa pag usbong ng mga napapanahong mga

teknolohiya, isinasabay din nito ang pag laganap ng online games na talaga namang tampok sa

mga mag-aaral. Ngunit ano nga ba ang kaugnayan nito sa pang akademikong kakayahan ng mga

mag-aaral?

Ayon kina Alcantara et.al. (2017), mas madali ang pagkuha ng mga impormasyon ng

kinakailangan ng mga tao sa araw-arw, at ito ay sa pamamagitan ng kompyuter o gadyets at

internet. Ito rin ay nagbibigay ng kasiyahan at aliw sa mga tao dahil sa paglalaro ng mga

nauusong online games. Kaya talaga namang patok na patok ang mga makabagong teknolohiya

lalo na sa mga mag-aaral dahil nagagamit ito sa pagkalap ng mga impormasyon na siyang

kadalasang kinakailangan sa paaralan. Ngunit kasabay nito, hindi maiiwasang maisabay din ang

paglalaro ng online games dahil sa internet sapagkat ito ay nakapagbibigay aliw sa mga mag-

aaral.

Sa pagkahilig ng mga tao sa online games, nagiging kaugnay narin ito sa kalagayan ng pag-aaral

ng mga kabataan maging ang mga mag-aaral sa kolehiyo. Sa pag-aaral na ito, tinatalakay ang

mga salik at aspeto ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa unang taon sa kursong Engineering na

siyang naaapektuhan ng pag usbong ng online games.

Bakit nga ba napaglalaanan ng oras ng mga kabataan ang paglalaro ng online games

kasabay ng pag-aaral? Mahalagang malaman kung ano-ano ang kahalagahan at benepisyo nito

kasabay ng pagbabalanse ng oras sa pag-aaral, at kung hanggang saan ang limitasyon ng


paggamit nito upang maiwasan o masolusyunan ang mga suliranin na kaugnay sa paglalaro ng

online games.

Maaari nga bang magkaron ng mga masasamang epekto ang online games sa kalusugan

at pag-aaral? Tulad na lamang ng pagpapabaya sa pag-aaral at kalusugan. Maaari ba itong

magkaroon ng mabuting epekto sa pag-aaral at kalusugan? Ano nga ba ang dahilan ng

pagkalulong o pagkaadik ng mga kabataan sa online games? Ito ay ilan lamang sa mga

katanungang naiisip ng mga mananaliksik, maaaring dahil sa pagkabagot kaya naghahanap ng

aliw at naglalaro ang mga tao.

Ang adhikain ng pag-aaral na ito ay bigyan ang mga mag-aaral ng impormasyon tulad ng

epekto ng paglalaro ng online games o kompyuter games sa kanilang pag-aaral at pag-iisip. Nais

din ng mga mananaliksik na ipahiwatig ang tamang paraaan upang makaiwas sa sobrang

pagkahumaling sa online games.

Layunin ng Pag-aaral

Sa Pamanahong papel na ito ay nais sikapin na matugunan ang mga layunin:

1.) Maisa-isa ang epekto ng online games sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa unang taon

ng kursong Engineering.

2.) Matukoy kung ano ang mga aspeto at salik ng pag-aaral na naaapektuhan ng online

games.

3.) Malaman ang mga dahilan kung bakit pinaglalaanan ng panahon at atensyon ang

Online Games ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral para sa mga mag-aaral,

magulang, mambabasa at sa mga susunod na mananaliksik.

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay pinakamahalaga para sa mga mag-aaral dahil ito ay

magbibigay impormasyon sa kanila ukol sa maaaring epekto ng online games sa kanilang pag-

aaral.

Magulang. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga magulang na magkaroon ng

kaalaman sa epekto ng online games sa pag-aaral ng kanilang anak.

Mambabasa. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mambabasa na magkaroon ng

pangunawa sa epekto ng online games.

Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaring maging basehan ng mga

susunod na mananaliksik para sa kanilang pag-aaral

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay nakatuon sa ugnayan ng Online Games sa akademikong pagganap

ng mga mag-aaral sa departamento ng Engineering ng ika-1 taon sa Unibersidad of Perpetual

Help System-Laguna na may bilang na dalawampu't lima.

Ang mga mag-aaral na ito ay siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik sapagkat sila

ay makakapagbigay ng opinyon ukol sa pag-aaral na gagawin at dahil sila rin ang kapansin-

pansing labis na naglalaro ng mga nauusong Online Games sa panahon ngayon.


Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga respondente o

mag-aaral sa buong Unibersidad sa loob ng bansa. Ito ay may kinalaman lamang sa mga saloobin

ng mga magaaral sa Unibersidad ng Perpetual Help System-Laguna.

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Tungo sa mas madaling pag-unawa sa pananaliksik na ito, ang mga sumusunod na

terminolohiyang ginamit ay bibigyan kahulugan ayon sa pananaliksik na ginawa;

Epekto- Kinalabasan o resulta ng isang problema.

Gadyets- Ito ay isang instrumentong ginangamit ng mga mag-aaral kung saan maaaring maglaro

ng online games.

Online Games- Tumutukoy sa pinagkakaabalahan at binibigyan oras ng mga kabataan o mga

mag-aaral sa panahon ngayon.

You might also like