You are on page 1of 4

1.

Abstrak ni Angelica

ABSTRAK (Impormatibo)

PAMAGAT: Epekto ng Paglalaro ng Computer Games

MANANALIKSIK: Abrasaldo, et.al

PAARALAN: Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes

TAGAPAYO: Ma. Sofia M. Socito

PETSA: Marso, 2014

I. MOTIBASYON

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang matugunan ang mga katanungan hindi lamang ng mga mag-
aaral, kundi pati na ng tahanan, paaralan, at pamahalaan ang mga naidudulot, uri at epekto ng paglalaro
ng Computer Games.

II. SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

Hanggang saan ang kaalaman ng mga magulang, sa mga naidudulot ng paglalaro ng mga video at
computer games?

Ano ang mga uri ng laro at saan nakahanay ang mga laro na laganap sa kasalukuyan sa loob at labas ng
bansa.
Hanggang saan umaabot ang epekto ng mga video at computer games?

Ano ang magandang gawin upang ang nakikitang mga problema ay gamitin upang mas mapaunlad ang
kalagayan ng edukasyon sa kasalukuyan?

III. PAGDULOG AT PAMAMARAAN

Ang pananaliksik na ito ay kwantitatibo. Ito ay ginamitan ng sarbey at naghanda ng sarbey-kwestyoner


upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes
hinggil sa Epekto ng Computer Games.

IV. RESULTA

Batay sa talahanayan labintatlo(13) o 4.94% ang sumagot ng OO at HINDI sa katanungan na alam ba ng


mga magulang na naglalaro ang kanilang anak ng computer games. At isa(1) o 0.38% ang sumagot ng
EWAN. Labin-isa(11) o 4.18% naman ang sumagot ng NBA at Flappy Bird ang pinakapatok na
kinahuhumalingan ng mga naglalaro ng computer games. Sa Epekto naman ng paglalaro ng computer
games, dalawampu’t dalawa(22) o 8.36% ang sumagot ng paglabo ng mga mata, labing isa(11) o 4.18%
sa hindi makagawa ng takdang aralin, sampu(10) o 3.8% sa pag sakit ng ulot at nagpupuyat, pito(7) o
2.66% sa nahuhuli sa pagpasok, apat(4) o 1.52% ang nagsabing libangan lang at anim(6) o 2.28% sa
natututong mangupit ng pera.

V. KONKLUSYON

Sa pamamagitan ng isinagawang pananaliksik na ito nalaman ang mga epekto ng paglalaro ng computer
games. Ilan sa mga epekto nito ay ang pagkalabo ng mga mata, hindi makagawa ng mga takdang aralin,
pagsakit ng ulo at pagpupuyat.

2. Epekto ng paggamit ng droga sa pamilya

-Panimula

Ang droga ay isa sa mga dahilan ng pagkasira ng mga pamilyang pilipino. Hindi lamang isang miyembro
na gumagamit ng droga ang siyang naaapektuhan pero ang buong pamilya. Pera at buhay ang nagiging
kapalit dahil sa paggamit ng droga.
-Layunin ng pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang epekto ng droga sa mga pamilyang pilipino.

-Suliranin ng pag-aaral

Ang suliranin ng pag-aaral na ito ay ang kakulangan ng mga taong sasagot sa mga katanungan upang
makahanap ng detalye sa pag-aaral.

3.Pamagat: Kasalukuyang Kalagayan ng mga Senior High School sa Loob ng Sampung Buwan

Awtor: Densing, Johnamae et. al

Petsa: Marso 2017

I. Suliranin

Nais malaman ng pananaliksik na ito kung ano ang pangunahing problema sa

Senior High School.

Sa pag-aaral na ito masasagot ang mga katanungan na may kinalaman sa

kalagayan ng mga mag-aaral sa Senior High School sa loob ng sampung buwan.

II. Layunin
Sa pananaliksik na ito nais sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay sa

pag-aaral na ito:

1.Maipahayag ang kasalukuyang kalagayan ng mga Senior High School sa loob ng sampung buwan.

2.Malaman ang pangunahing mga problema ng mga mag-aaral sa loob ng sampung buwan.

3.Matukoy ang mga epekto nito sa kanilang akademikong pagganap.

III. Metodolohiya

Naisagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pag interbyu sa mga dalubhasang guro at
pangangalap ng mga impormasyon mula sa libro,magasin,at dyaryo

Gumamit ng random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat grupo.At
gumamit ng sarbey-kwestyuner upang makakuha ng datos para sa pag-aral na ito.

IV. Saklaw

Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga estudyante sa ika-labing isa at ika-labing dalawang baiting ng
Senior High School.

You might also like