You are on page 1of 25

KAHULUGAN AT

KABULUHAN NG
ABSTRAK
PASIMULA
Ang pagsulat ay isa sa mga mabisang
pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon.
Bahagi na ito ng ating kultura akademya.
Ito ay ginagamitan ng iba't-ibang
lenggwahe o wika, at pamamaraan o istilo
ng isang manunulat.
ANO ANG ABSTRAK?
Ang abstrak ay mula sa salitang
Latin na abstractus na
nangangahulugang drawn away o
extract from.
ANO ANG ABSTRAK?
Ang abstrak ay isang buod batay sa
pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng
komperensya. Nagpapakita ito ng resulta
at konklusyon na batayan sa pagpili ng
proposal para sa presentasyon ng papel.

Kung minsan ay tinatawag ding sinopsis o


presi ng ibang publikasyon ang abstrak
ANO ANG ABSTRAK?
Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng
manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi
ng ano mang akademikong papel. Ginagawa
itong lagusan ng isang papel sa isang
copyright, patent o trademark application.
MGA URI AT
NILALAMAN NG
ABSTRAK
Sa kabuuan, nilalayon ng isang mahusay na
abstrak ang "maibenta" o maipakitang
maganda ang kabuuan ng pananaliksik at
mahikayat ang mga mambabasa na ituloy
buong kopya nito. pa ang pagbabasa ng
buong artikulo sa pamamagitan ng
paghahanap o pagbili ng buong kopya nito.
MGA TATLONG URI NG
ABSTRAK
IMPORMATIBO DESKRIPTIBO
KRITIKAL
IMPORMATIBO
Pinakakaraniwan ang isang Impormatibong
Abstrak. Hindi ito kasing-haba ng kritikal na abstrak
ngunit hindi rin naman kasing- ikli ng deskriptibong
abstrak.
IMPORMATIBO
Abstrak ni Angelica ABSTRAK (Impormatibo)
PAMAGAT: Epekto ng Paglalaro ng Computer
Games MANANALIKSIK: Abrasaldo, et.al PAARALAN:
Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes
TAGAPAYO: Ma. Sofia M. Socito PETSA: Marso,
2014
EHEMPLO NG ABSTRAK

I. MOTIBASYON

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang matugunan ang mga


katanungan hindi lamang ng mga mag-aaral, kundi pati na ng
tahanan, paaralan, at pamahalaan ang mga naidudulot, uri at
epekto ng paglalaro ng Computer Games.
EHEMPLO NG ABSTRAK
II. SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matugunan ang mga
sumusunod na katanungan: Hanggang saan ang kaalaman ng
mga magulang, sa mga naidudulot ng paglalaro ng mga video at
computer games? Ano ang mga uri ng laro at saan nakahanay
ang mga laro na laganap sa kasalukuyan sa loob at labas ng
bansa. Hanggang saan umaabot ang epekto ng mga video at
computer games? Ano ang magandang gawin upang ang
nakikitang mga problema ay gamitin upang mas mapaunlad ang
kalagayan ng edukasyon sa kasalukuyan?
EHEMPLO NG ABSTRAK
III. PAGDULOG AT PAMAMARAAN

Ang pananaliksik na ito ay kwantitatibo. Ito ay ginamitan ng


sarbey at naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman
ang pananaw ng mga mag-aaral ng Pampamahalaang
Unibersidad ng Catanduanes hinggil sa Epekto ng Computer
Games.
EHEMPLO NG ABSTRAK
IV. RESULTA
Batay sa talahanayan labintatlo(13) o 4.94% ang sumagot ng OO at HINDI
sa katanungan na alam ba ng mga magulang na naglalaro ang kanilang
anak ng computer games. At isa(1) o 0.38% ang sumagot ng EWAN. Labin-
isa(11) o 4.18% naman ang sumagot ng NBA at Flappy Bird ang
pinakapatok na kinahuhumalingan ng mga naglalaro ng computer games.
Sa Epekto naman ng paglalaro ng computer games, dalawampu’t
dalawa(22) o 8.36% ang sumagot ng paglabo ng mga mata, labing isa(11) o
4.18% sa hindi makagawa ng takdang aralin, sampu(10) o 3.8% sa pag
sakit ng ulot at nagpupuyat, pito(7) o 2.66% sa nahuhuli sa pagpasok,
apat(4) o 1.52% ang nagsabing libangan lang at anim(6) o 2.28% sa
natututong mangupit ng pera.
EHEMPLO NG ABSTRAK

V. KONKLUSYON
Sa pamamagitan ng isinagawang pananaliksik na ito nalaman
ang mga epekto ng paglalaro ng computer games. Ilan sa mga
epekto nito ay ang pagkalabo ng mga mata, hindi makagawa ng
mga takdang aralin, pagsakit ng ulo at pagpupuyat.

Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/212571948/Research-
Paper-filipino-2-Epekto-Ng-Paglalaro-Ng-Computer-Games
TAGLAY NG ISANG IMPORMATIBONG ABSTRAK
ANG SUMUSUNOD NA NILALAMAN:

Motibasyon
Suliranin
Pagdulog at pamamaraan
Resulta
Kongklusyon
DESKRIPTIBO
Ang deskriptibong abstrak naman ay mas maikli
(kadalasang nasa 100 salita lamang) kaysa sa
impormatibong abstrak (naglalaman ng malapit sa 200
salita). Naglalaman lamang ito ng suliranin at layunin ng
pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw ng
pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta, konklusyon
at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral. Sapagkat
hindi buo ang impormasyong ibinibigay tungkol sa
pananaliksik, mas lalong kailangang basahin ang buong
artikulo.
EHEMPLO NG ABSTRAK

Pamagat:
Mga Epekto ng Pagkakawatak watak ng Pamilya sa Pag-aaral
ng mga Estudyante sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ng
University of Perpetual Help – DJGTMU

Awtor: Belizon, Justine et. al

Petsa: Pebrero 2012


EHEMPLO NG ABSTRAK
I. Suliranin

Nais malaman ng papel na ito ang mga epekto ng


pagkakawatak watak ng pamilya sa pag-aaral ng estudyante.
Dito mauunawaan, masasagutan, at matutugunan ang mga
katanungan ng nakararami ukol sa problemang kinakaharap ng
mga apektadong kabataan at ang mga dahilan ng mga
pagkakawatak watak ng isang pamilya.
EHEMPLO NG ABSTRAK
II. Layunin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga
sumusunod:
Malaman ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak
watak ng pamilya ng mga mag-aaral.
Matukoy ang mga epekto ng pagkakawatak watak ng
pamilya sa sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral.
Mailahad ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral
kung paano nila nalalampasan ang mga epektong dulot ng
pagkakawatak watak ng pamilya.
EHEMPLO NG ABSTRAK
III. Metodolohiya
Naisagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng paghango
sa mga primary, sekondarya, at elektronikong hanguan.
Nangalap sila ng mga impormasyon, artikulo, akda na nagmula
sa pampublikong pahayagan , mga pag-aaral at literature na
nagmula sa internet.
Ang Purposive Sampling ang kanilang ginamit sa pagkuha ng
kanilang sampol na magrerepresenta sa kanilang pag-aaral, at
ang sarbey kwestyoner naman ang kanilang ginamit na
kaangkapan upang makakuha ng mga datos.
EHEMPLO NG ABSTRAK
IV. Saklaw

Ang 31 na respondete sa kanilang pag-aaral ay nagmula sa


University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo Medical
University, sa lahat ng lebel ng kolehiyo sa kursong
Teknolohiyang Medisina, babae at lalaki na nag kawatak watak
ang pamilya.
KRITIKAL
Ang kritikal na abstrak naman ang pinakamahabang
uri ng abstrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng
isang rebyu. Bukod sa mga nilalaman ng isang
Impormatibong abstrak, binibigyang-ebalwasyon din
nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng
isang pananaliksik.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG ABSTRAK
Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig
sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.
Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
Dapat ito ay naka dobleng espasyo
Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito.
Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang
THANK YOU

You might also like