You are on page 1of 2

Freeza Yuuki G.

Castro
STEM 11 – 1
“ABSTRAK”
Paksa: "Epekto ng labis na paglalaro ng Internet Games sa kabataang nasa 10-15 taong
gulang"
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang mga epekto sa pag-aaral at pang araw-araw
na pamumuhay ng mga kabataang nalulong sa paglalaro ng mga Internet Games. Ang
pamamaraan ng pagkalap ng mga datos ay ang mga impormasyon mula sa pag-aaral ng isang
eksperto na nagsaliksik para matukoy ang pag-uugaling pagkalulong sa paglalaro sa internet.
Saklaw ng pagaaral na ito ang mga kabataang nasa 10-15 taong gulang na naninirahan sa United
Kingdom at nasuri ng National Health Service tungkol sa kanilang pagkalulong sa internet
games. Ang naging resulta ng pananaliksik na ito na ang siyam na porsyento sa tatlong libong
mga bata sa elementarya at sekondaryang paaralan ang nalulong sa paglalaro sa internet at ang
labis na paggamit ng iba't-ibang gadget ay nakakaapekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga bata
kaya kinakailangan ng gabay ng magulang. Mga bata na may SDD ay kumukuha ng kanilang
aparato sa sandaling nagising sila at kumain sa hapag. Mga mata nakadikit sa screen, naglalaro
ng mga laro, nanonood ng palabas, o pagmamanipula. Maaring naman itong mabigyan solusyon
ng kanilang mga magulang, bigyan lamang ng oras sa paggamit nito ang kanilang anak, bigyan
ng ibang libangan upang ditto matuon ang kaniyang atensiyon at oras.

 Asul na salungguhit: Introduksiyon


 Dilaw na salungguhit: Metodolohiya|
 Pulang salungguhit: kaugnay na literature
 Berderng salungguhit: Resulta
 Itim na salungguhit: Konklusyon
4. Sagutin ang sumusunod na tanong: Bakit mainam ang pagkakaroon ng abstrak sa isang
papel pananaliksik/iba pang akademikong pagsulat? Ang pagkakaroon ng abstrak sa isang
papel pananaliksik o iba pang akademikong pagsulat ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng
maikling pahayag ng kabuuan ng papel. Ito ay nagbibigay ng impresyon sa mga mambabasa
tungkol sa kung ano ang inaasahan nilang matutunan mula sa pagbabasa ng papel. Sa
pamamagitan ng abstrak, maaaring maipakita ang kahalagahan ng papel, ang mga
pangunahing punto ng papel, ang mga pamamaraan ng pananaliksik, at ang mga
kongklusyon ng manunulat. Ito ay nakakatulong sa mga mambabasa na magdesisyon kung
dapat nilang basahin ang buong papel o hindi. Bukod dito, ang pagkakaroon ng abstrak ay
isa sa mga pangunahing kinakailangan para sa pagpapakilala ng papel sa mga kumperensiya
o sa publiko.

You might also like