You are on page 1of 6

Epekto ng Online Gaming sa Akademikong Performans ng mga estudyante ng

BSED-1 English sa UA- Tario Lim Memorial Campus

Isang Pananaliksik na Quantitative na ipinasa kay

Gng. Shenry Jun A. Esparagoza

Guro sa Filipino, UA-TLMC Poblacion, Tibiao Antique

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng Aralin sa Pananaliksik sa Asignaturang Filipino

Sa

GEC 11- Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Ikalawang Semestre 2022-2023

Isinumite nina:

Jessa Mae M. Cabangon

Jeson N. Samillano

Jesha Lou V. Patricio

Kirstie Ashley Gindap

Nicole F. Sorilla

Kurt Owen M. Baleña


Hunyo 2023

KAHALAGAHAN

Magkaiba ang larawan ng kabataan noon kung ikukumpara sa mga kabataan sa ngayong

panahon ay henerasyon. Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pag-unlad ng

teknolohiya at ito ang naging dahilan upang magbago rin ang hilig at interes ng mga

kabataan pagdating sa paglalaro. Hindi naman maipagkakaila na tunay ngang may

malaking naitutulong sa atin ang teknolohiya. Ng dahil sa makabagong teknolohiya,

naging madali na lamang ang pakikipag-usap at pakikipag konekta sa mga tao, nasa ibang

lokasyon man ito o bansa. At kung ikukumpara ang noon sa ngayon sa antas ng

paglalaro, noon ay nangangailangan pang lumabas ng mga kabataan sa kanilang mga

tahini upang Macapagal sa ibang mga Bata. Ang henerasyon ng mga kabataan ngayon,

unti-unti nang nilalamon ng teknolohiya lalo na sa aspekto ng paglalaro. Mas pinipili nila

ang paglalaro ng online games kaysa sa mga larong pisikal na ating nakasanayan. At

kung mapapansin ay malalakas at malulusog ang mga kabataan noon pagdating sa pisikal

na kakayahan kung ikukumpara sa mga kabataan ngayon. Aktibo rin ang kanilang mga

katawan subalit makikitang madali lamang mapagod ang mga kabataan sa ngayong

henerasyon. Katulad din ng ibang aspekto, ang online gaming ay mayroon ding negatibo

at positibong dulot sa mga gumagamit nito, lalong-lako na sa mga kabataan sa

henerasyong ito na kung tawagin ay “Gen Z.”

Ayon sa World Health Organization o WHO, ang epekto ng online games sa isang bata

ay madalas na makikita sa pagbabago sa pag-uugali niya sa araw-araw. Tulad na lang ng

kakulangan ng focus sa mga bagay na kaniyang ginagawa.


1

Pati na kawalan ng gana sa pag-aaral at palaging paglalaro lang ng online game ang

iniiisip. Ito ay matatawag ng online game addiction na maituturing na umanong isang

mental disorder. Nabatid ng mga

mananaliksik ang patuloy na pagdami ng mga kabataang nahuhumaling sa paglalaro ng

online games na nakakaapekto na sa iba’t-ibang antas ng kanilang buhay, hindi lamang

maging sa kanilang pisikal, mental at emosyonal na kalusugan kundi lalong-lalo na sa

kanilang mga pag-aaral katulad na lamang ng mga mag-aaral sa BSED 1 ENGLISH kung

saan karamihan sa mga ito’y naglalaro ng online games tulad ng “mobile legends” at

“clash of clans.” At pinag-uusapan na ngayon ng American Medical Association (AMA)

kung ituturing na bang isang mental illness ang Video Gaming Addiction. At mas

tumitindi ang masamang epektong mga mararahas na video games sa buhay ng isang

kabataan kung nararanasan at nakikita niya rin ang mga bagay na ito sa kaniyang buhay

at paligid.(Francis, Jaimie, 2011).

Ang pagtutuunan ng pansin ng konseptong papel na ito ay alamin ang epekto ng online

gaming sa aspeto ng pag-aaral ng mga estudyante. Hangarin din ng mga mananaliksik na

mapaalam sa lahat ng kabataan, magulang, atbp.

LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay may layuning masagot ang mga sumusunod:


1. Malaman ang mga dahilan ng mga estudyanteng kabataan lalo na ng mga nasa

Bachelor of Secondary Education Major in English kung ano ang epekto sa

kanilang mga pag-aaral at akademikong performans ang paglalaro online.

2. Maipaalam sa mga mag-aaral ang posibleng maging sanhi at bunga ng labis na

paglalaro online hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi maging sa kanilang

pisikal at emosyonal na kalusugan.

3. Maipaliwanag ang dahilan kung bakit nahuhumaling o naaadik ang mga kabataan
sa paglalaro ng online games.

METODOLOHIYA

Ang mananaliksik ay gumamit ng panglarawang uri (descriptive) ng pananaliksik.

Ginamitan ito ng survey questionnaire kung saan nagbigay ng sampung (10) katanungan

ang mga mananaliksik sa bawat respondante para sa isinasagawang pananaliksik. Ang

unang tanong ay kung gaano kadalas ang paglalaro ng online games ng mga estudyanteng

kabataan at bakit mas pinagtutuunan nila ng oras ang paglalaro ng online games kaysa sa

kanilang pag-aaral. Gumamit din ang mga mananaliksik ng iba’t-ibang paraan sa

paghahanap ng mga impormasyon sa internet upang maghanap ng mga akda na

susuporta sa kanilang pananaliksik.

Isang sarbey kung saan pinagsama-sama ng mga mananaliksik ang mga katanungang nais

nilang masagot sa pag-aaral na ito.


3

INAASAHANG BUNGA

Ang papel na ito ay nagpapakita ng inaasahang bunga o resulta ng kinalabasan ng aming

pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Online Gaming sa Akademikong Performans ng mga

estudyante ng BSED-1 English sa UA- Tario Lim Memorial Campus.”

Sa aming pananaliksik, nalaman namin ang mga dahilan ng mga estudyanteng kabataan

na naglalaro ng online games kung bakit sila nahuhumaling sa paglalaro at mas

pinagtutuunan ito ng oras at pansin kaysa sa kanilang pag-aaral. Gayundin, nalaman din

namin na ang madalas na dahilan kung bakit nahuhumaling o ‘di kaya’y maadik ang mga

kabataan sa paglalaro ng online games ay dahil sa paglalaro ng online games lamang sila

nagkakaroon ng pagkakataong masolusyunan ang kanilang mga problema at maibaling

niya sa paglalaro ang atensyon niya at pansamantalang makalimutan ang kaniyang

dinadalang problema. At nalaman din namin na tunay ngang may magkaparehong

positibo at negatibong epekto ang paglalaro ng online games sa akademikong performans

ng mga estudyanteng kabataan lalo na sa BSED-1 ENGLISH kung saan nagdudulot ito

ng pagkawala ng pokus nila sa klase at pag-aaral.

SANGGUNIAN

https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-paglalaro-ng-online-games/amp (Paano maiiwas

ang iyong anak sa online game addiction at iba pang negatibong epekto nito sa kaniya?)
https://www.academia.edu/31576711/

_Ang_Epekto_ng_Larong_Online_sa_Performance_ng_mga_Estudyante_sa_Senior_Hig

hschool, p. 1.

You might also like