You are on page 1of 7

“PAY-TO-WIN SA PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS NG

MAG-AARAL SA OUR LADY OF FATIMA UNIVESITY”

SUBMITTED BY:

Borja, Renz

Cleofe, Aron Lei

Delos Reyes, Christel

Loon, Wivelyn

Merza, Andrea

Olinda, John Carlo

Peñol, Sander

Rola, Lester

Sison, Crisalyn

Pangkat Blg.3

ABM 11Y2-10
KABANATA І

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA:

Magkaiba na ang larawan ng kabataan noon at ngayon. Sa pag-unlad ng teknolohiya

ay ang mga hilig ng mga kabataan ay nag-iiba. Kung noon kailangan pang maghanap ng kalaro

sa daan upang magkaroon ng kasiyahan, sa makabagong panahon ngayonang kailangan lang

gawin ay pindutinang mga buton sa computer o kaya naman ay magpipindot sa selpon at ikaw ay

maaari ng makakita ng makakalaro sa kahit saang panig ng daigdig. Ang mga kabataan ngayon

ay masyado ng nakapokus sa sariling kasiyahan, kung kaya naman sila ay nagkakaroon ng

adiksyon sa paglalaro ng online games tulad na lamang ng Mobile Legends. Ginagawa nila itong

libangan na kung minsan sila ay nakikipagpustahan para lamang sa pera o balat/skin ng mga

bayani/heroes sa Mobile Legends. Sa pamamagitan din ng pakikipagpustahan na ito ay

nagkakaroon ng pera ang mga manlalaro, bukod pa dito may mga iilang baranggay na

nagpapalaro ng online games ang mga mananalo ay may premyong makukuha. Bukod sa

pagiging libangan ang iba naming manlalaro ay ginagawa itong trabaho, sa pamamagitan ng pag-

oonline stream sa facebook o kaya naman ang pagpopost ng video sa youtube.

Marami ang mga kabataang lulong sa online games katulad ng Mobile Legends. Sa

panahon ngayon, karamihan sa kanila ay gumagastos para makakuha ng mas magandang gamit

sa paglalaro kabilang dito ang load na tinatawag. Ang load na tinatawag ay ang nakaktulong sa

pag papalakas ng bayani o hero dahil kapag ito ay lumakas mas malaki ang tsansang manalo sa

bawat laro.
Ang tinatawag nilang Pay-to-win ay isang sitwasyon kung saan ang player ay

maaaring bumili ng in-game na nilalaman o mga in-game na pagbabago, na may tunay na pera,

na nagbibigay sa player ng isang bentahe ng gameplay o isulong ang player na manlalaro. Ito ay

kasalukuyang kinakaadikan ng maraming tao at kailangan nating masolusyonan ito dahil kung

magpa-patuloy ang itong suliranin ay mahihirapan na magawan ng solusyon dahil nga naadik na

sila dito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN:

1. Magkano ang nagagastos ng mga manlalaro sa isang buwan?

2. Bakit malaki ang nagagastos na pera ng mga kabataan sa paglalaro lamang ng

Mobile Legends?

3. Nakakabuti ba ang pagpe-pay to win ng kabataan sa kanilang paglalaro?

4. Nakokontrol ba ng isang manlalaro ang pag gastos sa kanilang paglalaro

LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Malaman kung gaano kadami ang magaaral na gumagastos sa paglalaro ng

Mobile Legends.

2. Bigyan ng kaalaman ang mga kabataan kung nakakabuti ba ito o nakakasama ang

pagpe-pay to win.

3. Malaman ang adbentahe at disadbentahe ng pay to win sa paglalaro ng Mobile

Legends ng magaaral sa Our Lady of Fatima University.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang bilang ng mga magaaral na

mahilig gumastos sa pag lalaro ng online games at kung sa papaanong paraan nila ito na

nagagawang kontrolin at kung saan nila nakukuha ang kanilang ginagastos sa paglalaro ng online

games.

Mamamayan – Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa mga mamamayan dahil sila

ay magkakaroon ng kaalaman kung ano ang adbentahe at disadbentahe ng naturang pananaliksik

sa komunidad o lipunan.

Mag-aaral - Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing paraan para sa pag-unlad sa kanilang

kritikal na pag-iisip o stratehiya sa pag-gamit ng naturang laro, at nagsisilbi rin itong gabay kung

paano nila hahawakan ng maayos ang kanilang pera.

Mga Guro – Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay sa pagturo ng maayos at paggamit

ng pay to win sa kabataan.

Kapwa – Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing aral kung paano


BATAYANG KONSEPTWAL O PARADYM:

INPUT PROSESO OUTPUT

Nais ng mga Magsasagawa ng survey Pagkatapos makuha ang

mananaliksik na alamin ang mga mananaliksik para mga survey ay siyang

kung gaano kalaki ang sa kanilang paksang pinag- pagbibigyang pansin ng

nagagastos ng mga aaralan sa our lady of mga mananaliksik at

manlalaro sa naturang fatima university, nang gagamitin itong pambase

laro at kung maaari itong maisagawa ang mga para sa paksang kanilang

ipalaganap o maipakilala nakuhang sagot mula sa kinuha

pa sa ibang mga mga repondente.

mamamayan. Kaya

magsasagawa ang mga

mananaliksik ng survey

sa pananaliksik na

kanilang tinatalakayan.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL:

Saklaw at Limitasyon ng Pagaaral Ang mga mananaliksik ay binigyang tuon ang

pagsasagawa ng pananaliksik sa Our Lady of Fatima University (OLFU) Antipolo Campus. Ang

partikular na mga respondente ay ang mga studyanteng nagpe-pay to win sa Our Lady of Fatima

University (OLFU) Antipolo Campus sa kadahilanang ang aming paksa ay tungkol sa "Pay to

win sa paglalaro ng Mobile Legends ng magaaral sa Our Lady Of Fatima University".

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYANG GINAMIT:

1. Hero - ito ang tawag sa mga karakter na ginagamit paglalaro ng mobile legends.

2. Skin - ito ang kasuutan na ginagamit ng mga karakter sa mobile legend.

3. Dias - ito ang mga dyamante na binibili mg mga tao upang maka bili ng mga kasuutan o

skin, mga hero at iba pa na pwedeng bilhin sa mobile legend.

4. Top up - ito ang ginagamit o ginagawa ng mga manlalaro upang makabili ng dyamante sa

mobile legend.

5. Starlight - magkakaroon ka ng ilang mga pribelehiyo kung ikaw ay isang ganap na

member nito. Maaari ka makatanggap ng mga libreng skin, hero, at ilang mga package

kung ikaw ay nakatapos ng task. Ito ay hindi libre at maraming mga manlalaro na handang

gastusan ito.

6. Online Games - ay isang video game na bahagyang o pangunahing nilalaro sa

pamamagitan ng Internet o anumang magagamit na computer network.

7. Pay-to-win - isang sitwasyon kung saan ang player ay maaaring bumili ng in-game na

nilalaman o mga in-game na pagbabago, na may tunay na pera, na nagbibigay sa player ng

isang bentahe ng gameplay o isulong ang player na manlalaro.


8. Internet – ay ang mga ginagamit sa cellphone o computer maaring gamitin ng mga tao sa

buong mundo.

9. Paaralan – isang pook kung saan nagaaral ang isang magaaral.

You might also like