Variety Show Opening Remarks

You might also like

You are on page 1of 2

OPENING REMARKS

- Cultural places
- Cultural dances
- Basic steps of cha-cha-cha and familial Zumba dance
- Hip-hop culture of the Philippines
- Importance of unity and camaraderie in diversity

Para sa ating pinagpipitagang mga guro, mga mag-aaral at kapwa ko Lasalyano, isang maligayang
pagbati!

Sa panahon ng pandemya, ang sining at kulturang Pinoy ay labis na nagbago dulot ng mga
epekto ng Covid-19, kagaya na lamang sa pag-awit at pagsasayaw sa madla. Bukod pa riyan, ang
ating pakikipag-ugnay sa pisikal na aktibidad ay unti-unting naglaho dahil sa ipinapatupad na
mga paghihigpit ng pamahalaan. Gayunpaman, sa dinami dami ng pagbabago, ang
ikalabindalawang baitang ng ABM sa La Salle University Integrated School ay nagkasundo na
magkaroon ng isang variety show na nagpapakita sa kahalagahan, ganda, at kababalaghang
taglay ng sining at kulturang Pinoy sa pamamagitan ng Lakbay-Pilipinas at pakikipag-ugnayan ng
mga pisikal na aktibidad katulad ng Zumba cha-cha-cha.

Syempre, hindi natin makakalimutan ang pagmamalaki sa ating mga bantog na atraksyong
panturista, sapagkat isang itong pagpapaalala na ang turismo ng Pilipinas ay patuloy na
umuusbong. Kaugnay diyan, ipinapakita rito ang isa sa mga kultural na sayaw ng mga Pilipino,
ang cha-cha-cha, upang masilayan ang ganda at makasaysayang halaga ng ating sining at kultura.
Gayunpaman, aming idinugtong ang “familial Zumba dance” para sa pagkakaisa ng pamilya
tungo sa isang malusog na pamumuhay. Maliban sa mga nabanggit, ang Pinoy hip-hop ay naging
bahagi rin ng ating kultura kaya bilang pagbibigay pansin nito, ang palabas ay naghihikayat sa
madla na mapahalagahan ang ambag ng hip-hop sa buhay ng mga tao.

Sa palabas na ito, nais naming ibahagi sa inyo ang kahalagahan ng pagkakaisa tungo sa pagkamit
ng iisang layuning inaasam-asam natin sa gitna ng matinding hamon na hinaharap natin ngayon.
Sa panahon ngayon, marahil ay iisa tayo ng pangarap at iisa tayo ng pag-asang binibit-bit. Sa
pagkakaisa, nagsisilbi itong daan nang saganon ay maging epektibo ang mga paraan na
ipinapatupad upang mapadali at tiyakin na makamit ang iisang layuning ating
hinahawakhawakan. Sa anumang pangkat, mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng
magkakasama. Ito ang nagpapahintulot sa isang koponan na kumilos tungo sa matagumpay na
pagtamo sa iisang layunin. Ang palabas na ito ay nagbibigay-diin sa maraming boses, dala-dala
ang i-isang mensahe na kung wala ang pagkakaisa, ang iisang layuning labis na kinakamtan ng
lahat ay mapupunta sa labis na kabiguan.

Ganon paman ay nais ng ikalabindalawang baiting ng ABM sa La Salle University Integrated


School na magbigay paalala sa kahalagahan ng pagkakaisa at ang malaking papel na
ginagampanan nito upang sabay-sabay nating maiahon ang ating mga sarili at mapanatili ang
kasaganaa, kaligtasan at kaunlaran ng ating bansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo sa
palabas na ito.

Habang tayo ay umaangkop sa isang virtual na mundo, sama-sama tayong kumonekta sa isang
klasi ng plataporma kung saan ay sama-sama nating tinutuklas ang iba't ibang sulok ng Pilipinas.
Bagamat ay sa pagkakaisa at pagsama-sama, isinasailalim nito na sa iisang mundong ating
tinitirhan at ginagalawan, iisa ang ating layunin, iisa ang ating iniisip ukol sa pagtaguyod at
pagpapabuti sa ating hinaharap.

Nawa’y hindi lang kayo masiyahan sa palabas na aming ibabahagi bagkus ay mapulot ninyo ang
mga aral at mensahe na napapaloob dito at nawa’y pahalagahan ninyo ito at dalhin sa
pangaraw-araw na kayo ay nabubuhay.

Sa muli, isang napakagandang araw sa inyong lahat!

You might also like