You are on page 1of 1

Sanghiyas Pangkat Mananayaw

Ang Sanghiyas Pangkat Mananayaw ay itinatag noong Pebrero taong 1992 at


simula noon ay kumakatawan sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas para sa Sining (PHSA)
bilang pangkat na nagpakadalubhasa, nagpapanatili, at nagpapayabong ng kulturang
Pilipino sa pamamagitan ng katutubong sayaw.
Magkaganon man, ang pag-aaral ng katutubong sayaw ay isinama na bilang
pangunahing kurikulum para sa sining mga anim na taon na ang nakaraan bago
naitatag ang grupo. Taong 1986 nang nakita ng mga namumuno ng paaralan ang
pangangailangan na ito ay maituro nang mabuti sa mga batang mag-aaral. Sa
pamumuno ni Gng. Josefina Guillen, ang kasulukuyang direktor ng dibisyon para sa
mga sayaw ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ay nagsimulang turuan ang
kauna-unahang grupo ng mga iskolar ng katutubog sayaw.
Unang nakilala ang grupo sa pangalang PHSA Folk Dance Troupe. Sa
matamang pagsisikap ni G. Victor E.L Flor, kasulukuyang artistic direktor , na
mabigyan ng katangi-tanging pagkakakilanlan ang grupo, ito ay pangalang Sanghiyas
Pangkat Mananayaw.
Ang salitang Sanghiyas ay kinuha sa salitang isa at hiyas na ang literal na
kahulugan sa ingles ay one gem. Isa sa pinakamahalagang hiyas na matatawag ay
perlas. Sa matalinhagang kahulugan ang mga mag-aaral na mananayaw ay tinuturing na
mga perlas, mahahalagang hiyas ng PHSA. Ang PHSA bilang Mother pearl ay
nagtataguyod sa mga batang iskolar ng katutubong sayaw na maging magagaling na
guro, koryograper at mananaliksik. Matapos ang apat na taong paghuhubog, ang mga
perlas na ito ay hihiwalay, dala-dala ang kanilang mga natutunan at kasanayan.
Inaasahan na sila ay patuloy na magsisikap na pagbutihin ang kanilang mga kaalaman
sa katutubong sayaw at gawin itong tuntungan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
sa hinaharap.
Ang pangunahing pangarap ng Sanghiyas ay ang makapagbigay ng sapat na
kakayahan, kasanayan, at disiplina sa mga batang artistaupang maihanda sila bilang ga
popesyonal. Kasabay nito, nialayon din ng grupo ang maibahagi ang kanilang angking
talino sa pammagitan ng mga pagtatanghal sa ibat ibang dako ng Pilipinas at ibang
bansa. Simula noong 1991, ang grupo ay nakapagtanghal na sa Mindoro, Palawan,
Maynila, Laguna, La Union, Nueva Ecija, Cotabato, General Santos, Zambales, Bataan,
Baguio, Masbate at Sorsogo. Kabilang din sa mga banyagang bansang narating ay ang
Brunei, Darussalam, Taiwan, Monaco, Belgium, Italy, Korea, China at Japan.

Sa ngayon, ang grupo ay binubuo ng 23 mag-aaral, mayroon na ring 107 na


nagsipagtapos na. Ang Sanghiyas Pangkat Mananayaw ay nasa ilalim ng pamumuno ni
G. Victor E.L. Flor, ang kasalukuyan Programa Coordinator at Artistic Director ng
nasabing pangkat.

You might also like