You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education

REGION XI

SCHOOLS DIVISION OF DAVAO ORIENTAL

BAGUMBAYAN AGRO INDUSTRIAL HIGH SCHOOL

Prk. Malipayon Barangay Bagumbayan, Lupon, Davao Oriental

Aliw-iw NG KUDLONG :PAGDALUMAT SA KATUTUBONG INSTRUMENTO NG


MGA MANDAYA SA DAVAO ORIENTAL

Inihanda nila:
KRIZZY JANE DULOS
JAN MICHAEL E. MANGMANG
KYLA JOY G. LIVA
LOVELY JOY FERNANDEZ
RAILLY ANTHONY SOLIS
RAUL DURAN
ICIS BILLY GUDES
RONIE SAGANAY

Ipinasa kay:
Mrs. ALONA R. GEONZON
Guro

GRADE 11-1A TVL

June 2022
Rasyunal
Ang mga instrumentong pangmusika, instrumentong musikal, kagamitang pangtugtog,
o kasangkapang panugtog ay mga kagamitan o kasangkapang ginagamit o tinugtog upang makalikha
ng musika o tugtugin. Maaaring ituring bilang kagamitang pangtugtugin o kasangkapang
pangtugtugin ang alinmang bagay na nakagagawa ng tunog, subalit pangkalahatang nangangahulugan
ang parirala na mga bagay na espesipiko, partikular, o tiyakang gumagawa ng musika. Maipepetsa ang
kasaysayan ng mga pangmusikang instrumento mula sa mga simulain ng kalinangan ng tao. Tinatawag
na organolohiya ang akademikong pag-aaral ng mga instrumentong musikal (Waykurat,2015)

Karamihan sa mga instrumento ay maingat na itinayo kasabay ng mga paniniwala at pagpapahalaga


ng komunidad kung saan ito tinutugtog. Ang kanilang mga tunog ay nagreresulta mula sa maingat na
pagpili ng mga gumagawa at tagapalabas ng instrumento ng mga materyales na acoustically resonant
at aesthetically pleasing(Jennifer C. 2013)

Ang Kudlong ay isang “two-stringed lute” na hugis bangka na may kahoy na humihigpit na mga
tungkod at “fret” na gawa sa pagkit (beeswax). Ang isang string (lubid) ay gumaganap ng isang drone
(isang tuluy-tuloy na tala ng musikal na mababa ang tono) at ang iba pang string ay tumutugtog ng
isang himig.

Ang Kudlong ay matatagpuan sa mga katutubong pangkat sa timog – ang Tiboli, Bilaan, Manobo, Ata,
Bagobo, Mansaka, and Mandaya.Ang katawan ay inukit din upang kumatawan sa isang gawa-gawa na
hayop na may dalawang ulo ng alinman sa naga (o ahas) o buwaya o ang sarimanok.

Kabilang sa mga taga Ata sa Timog Mindanao, ang long-neck (mahaba ang leeg) na kudlung ay
karaniwang nilalaro ng isang lalaki na sumasayaw gamit ang instrumento habang sinusunod ang mga
yapak ng paa ng isang babaeng naglalaro at sumasayaw kasama ang isang polycordal zither na
tinatawag na saluray. (Gracemary, 2021)

Ang katutubong Mandaya ay isa sa mga pinakatanyag na grupo ng mga taong matatagpuan sa buong
Davao Oriental at Davao del Norte. Nagmula ang katagang Mandaya sa salitang “man” (tao) at “daya”
(itaas na bahagi ng ilog) kayatinatawag itong Inhabitants of the Uplands singles (Reyes, 2020).

Sa probinsiya ng Davao Oriental, ang Sitio Sangab, Caraga Davao Oriental lamang ang
nagpapanatili at patuloy na napreserba ng katutubong kultura ng Mandaya.Sa katunayan, sila ay
naparangalan ng Certificate of Ancestral Domain Title-01 (CADT-01) bilang pagkilala na isa sa mga
namumukod-tanging mayamang kulturang IP na komunidad sa Southern Mindanao na nagtagumpay
sa pagsubok ng panahon(Deloso, 2018).

Bilang pagtugon sa mandato ng national Commision for Culture and Arts(NCAA) na mapreserba,
mapayabong at mapangalagaan ang mga kultura kaya nabuo ang pananaliksik na ito. Ito rin ay
pinagtibay ng Republic Act No. 10066 o National Cultural heritage Act of 2009 na layon ay mapanatili
at mapangalagaan ang isang kultura.
Bagamat may mga pag -aaral na ukol sa instrumento ng mga Mandaya pero wala pang pag-aaral
tungkol sa simbolismo at kahalagahan ng instrumentong ginagamit ng tribung Mandaya. Ang
pananaliksik ay naglalayon na makakalap ng impormasyon tungkol sa mga simbolismo at
kahalagahan nito.

Mga Layunin ng Pag-aaral:


Layunin ng etnograpikong pag aaral na ito ay masuri ang mga simbolo at kahalagahan sa
pagamit ng instrumentong kudlong sa tribu ng mga Mandaya ng Davao Oriental.

Nais malaman ng mananaliksik ang kahalagahan at pamamaraan ng paggamit ng katutubong


instumentong kudlong ng tribong Mandaya. Kasama na rito ang mga simbolismo at representasyon na
nakapaloob sa disenyo ng mga instrumentong kudlong. Nilalayon din ang pananaliksik na ito na
malaman kung paano napapanatili ang pagamit ng kudlong sa Tribong Mandaya.

Mga tiyak na layunin:


1. Sa paanong pamamaraan ginagamit ang instrumentong kudlong sa tribu ng mga Mandaya?

2. Ano ang kahalagahan ng kudlong sa tribo ng mga Mandaya?

Metotodlohiya
Ginamit sa pananaliksik na ito ang kwalitatibong disenyo na gumagamit ng etnograpiyang sa
dulog sa pagsusuri. Ang kwalitatibong pananaliksik ay ayon sa paglalarawan ng mga obserbasyon. Ito
ay kinapapalooban ng pag-unawa sa katangian ng isang indibidwal o pangkat sa isang panlipunang
suliranin. Ito ay kinabibilangan din ng proseso ng pagtatanong at proseso sa paglilikom ng mga datos
sa konteksto ng mga partisipante (Creswell, 2014). representasyon ng intrumento ng Tribong
Mandaya upang mapanatili at mapreserba ang kanilang kultura.

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mgasumusunod:

Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang kanilang
mga kaalaman tungkol sa simbolismo at kahalagahan sa pagamit ng katutubong instrumento ng
Mandaya. Ito ay nagsisilbing gabay upang magkaroon ng kabatiran sa tamang paggamit ng
instrumentong kudlong ng mga Mandaya.
Sa komunidad ng IP, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mamulat lalong lalo na ang mga
kabataang Mandaya sa hamon ng pagpapanatili ng katutubong instrumento.Ito ay maari ding maging
batayan upang makakuha ng mga ideya at konsepto ukol sa pagpapanatili ng kanilang mga
katutubong instrumento ng mga Mandaya.

Sa mga guro – magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa kultura ng Tribong Mandaya na maaaring
makatulong sa kanilang pagtuturo ng kultura.

Sa kagawaran ng Edukasyon, ang pag -aaral na ito ay magsisilbing lundayan upang makapagsagawa
ng angkop at wastong mga pang-akademikong kaalaman na nagpapanatili ng mga katutubong
kulturan at paigtingin pa ang pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon sa Wika at kulturang Pilipino
maging sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t – ibang teksto Tungo sa Pananaliksik,kontekstuwalisasyon at
lokalisasyon na pagkatuto.Maaaring makahikayat ang pananaliksik na ito sa halip nag awing
pamantayan at lundayan na sakop ng Sangay ng Davao Oriental.

Sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing patnubay sa mga gagawin pang susunod na
mga pag-aaral ukol sa katutubong instrumentong kudlong ng Tribong Mandaya.Ang magiging resulta
rin ng pag-aaral na ito, ang maging batayan ng mga mananaliksik na nais magsagawa pa ng mga pag-
aaral ukol dito.

Mga inaasahang bunga


Pagkatapos ng pananaliksik na ito na makapagbibigay ng malawak na impormasyon tungkol sa
kultura ng Mandaya partikular sa kanilang katutubong instrumento na kudlong. Inaasahan din na
ibahagi ang resulta ng pananliksik na ito sa iba pang komunidad ng IP upang magkaroon ng kabatiran
lalong lalo na ang mga bagong henerasyon ng mga katutubong Mandaya sa pagpapanatili ng kanilang
kultura.Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito mas magkakaroon ng kamalayan ang mga tao tungkol
sa kulturang Mandaya at malaman ng susunod pang mga henerasyon upang mapapanatili at
mapreserba ang kultura nito.

Sanggunian
Aquino, C.J. (2018)

Makepeace,Co. (2019)

Gracemary (2021)

Reyes (2020)
Deloso (2018)

Jennifer C. (2013)

Waykurat (2015)

You might also like