You are on page 1of 23

WIKA AT KALIKASAN

na Iniharap kay PROP. MARY GRACE VALLE


Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Mindanao State University
Brgy. Fatima, Lungosd ng Heneral Santos

FILIPINO 164 – WIKA AT PANITIKAN NG KALIKASAN AT KAPAYAPAAN

CUÑADO, JELIUS JELL


CATALAN, AHRON
CABARDO, FLOREE BYL
AMOD, DAN HENRIC
ESLERA, ASHLEE
DAVO, EDRIAN
ESTANDA, ELLA
SANCHEZ, JOSIAH ROBIN
CASIDSID, CHARIZ

PEBRERO 2024
WIKA AT KALIKASAN & WIKANG FILIPINO AT ANG
PAKSA KALIKASAN

ANO AKO? ANO ITO!

Bago magsimula talakayin hahatiin ang klase sa


dalawang grupo, simple lamang ang mikaniks ng larong
ito, bibigyan ng tig tatatlong minuto ang bawat grupo upang
PANIMULANG bumuo ng mga salita gamit ang pangkat ng mga titik na
GAWAIN ibibigay ng mga taga-ulat. Kung sakaling nahihirapan sa
paghula o pagbuo ng salita ang mga kalahok ay maari jila
itong iskip at tumungo sa susunod na salita. Tandaan,
paramihan lamang ng mabubuong salita sa loob ng
itinalagang oras, ang grupong may pinakamaraming nabuo
ang syang panalo.

PAGLALAHAD NG WIKA AT KALIKASAN


PAKSA
KAHULUGAN NG WIKA

Ang wika ay ang paraan ng mga tao upang ipahayag


ang kanilang mga ideya, damdamin, at karanasan gamit
ang mga tunog, salita, at simbolo na may kahulugan para
sa kanila. Binigyang kahulugan ito ng isang amerikanong
lingguwista na si Henry Gleason, ayon sa kaniya, ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos Sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ang wika
ay isang masistemang balangkas dahil ang wika ay dapat
na maayos at naaangkop dahil iisang maling lagay lang
lamang ay maaaring mabago ang kahulugan nito. Ang
bawat gramatika ng wika ay may sinusunod na
pagbabalangkas upang malinaw at epektibo nating
maipahayag ang ating saloobin. Ang wika ay sinasalitang
tunog dahil gumagamit tayo ng mekanismong pagsasalita
upang makipagkomunika. Ang wika ay arbitaryo dahil ito ay
napagkasunduan ng isang lugar o pook na gamitin ang
isang salita. Ang mga tao lamang ang may kakayahang
gumamit sa wika dahil sa pamamagitan nito nagkakaroon
tayo ng komunikasyon sa isa't isa.

Sa aklat nina Bernales et al. (2002), mababasa ang


kahulugan ng wika bilang proseso ng pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal.

Sa aklat naman nina Mangahis et al (2005), binanggit


na may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa
maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.

Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino


at Galileo S. Zafra (2000), "ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng
mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang
grupo ng mga tao."

KAHULUGAN NG KALIKASAN

Ang kalikasan ay ang lahat ng bagay na natural at


katutubong mula ito sa mga kababalaghang nagaganap sa
pisikal na mundo, at maging sa buhay din. Ito ay ang
kapaligiran bago ito naimpluwensyahan at sinasaklaw ng
teknolohiya,

Ayon kay Dobie na nakasaad sa aklat na


“Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan” nina Dizon,
R.B. et al., (2018), ang kalikasan ay tumutukoy sa
kapaligiran bago ito nabahiran ng teknolohiya ang
kalupaan, mga flora at fauna nito, ang mga daluyan ng
tubig, nabubuhay na nilalang, at ang ekolohiya na
nagpapaloob sa mga ito.

Ayon naman kay Herradura, R. (2016), ang kalikasan


ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring
may buhay o wala Ito ay kinabibilangan ng puno’t halaman,
at lahat ng iba't-ibang uri ng hayop mula sa malit hanggang
sa malaki.

Dagdag pa ni Herradura, R. (2016) na bahagi ng


kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o
tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may
buhay upang tuluyan pang mabuhay. Kabilang dito ang
hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay
man o wala, kapag sumusuporta sa pagpapatuloy ng
buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na
bahagi ng kalikasan.

PERLAS NG SILANGAN

Ito ang taguri sa Pilipinas, isang bansang


matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ang lokasyon nito
ay sinasabing bahagi ng Pacific Ring of Fire na sinasabing
dahilan sa pagkakaroon nito ng malaking bilang ng bundok
at bulkan at malaking deposito ng mineral. Itinuturing ito na
isa sa pinakamayayamang bansa sa buong mundo sa
usapin ng likas na yaman. Sa usaping mineral, naitala na
ikatlo sa ginto, ikaapat sa tanso, at ikalima sa nickel na
may pinakamaraming deposito ang ating bansa.

Mula kay Encarnacion, P. (2016) na nasa


"KALIKASAN, KAUNLARAN, POLITIKA - Pagsusulong ng
layuning pangkalikasan sa eleksiyon 2016", tinalakay niya
na sa usapin ng halaman, sinasabing higit-kumulang
2,000,000 uri ng halaman ang matatagpuan sa ating bansa
– marami sa mga ito ay dito lamang matatagpuan sa ating
bansa. Higit-kumulang 1,200 naman ang bilang ng mga
hayop na matatagpuan sa Pilipinas. Sinasabi rin na ang
30% ng kalupaan sa Pilipinas ay mayabong.
Ipinapahiwatig lamang nito na napakalaki ng potensiyal ng
Pilipinas sa pagpapatubo ng halamanan o di kaya nama'y
mga sakahan. Mahalaga ang kalikasan sa pagpapaunlad
ng iba't iba pang sektor sa ating lipunan; para man ito sa
industriya o agrikultura. Anomang pinsalang mangyari dito
ay tiyak na makakaapekto sa lahat ng organismo.

Isa sa Kulturang Pilipino na taglay ng mga Filipino na


nabanggit sa isang blog na Kulturang Pilipino (2015) ay
ang pagiging makakalikasan. Ang kulturang ito ay nag-ugat
pa sa ating mga ninuno, mayroon silang paniniwala na
tanging ang kalikasan ang makapagbibigay sa kanila ng
kanilang mga pangangailangan. Mahalaga ang kulturang
ito sapagkat instrumento ito upang magkaroon ng maayos
na kapaligiran ang bawat isa. Tunay nga na kaugnay na ng
buhay ng mga Filipino ang kalikasan. Marapat lamang na
malaman na maraming mga paniniwala at tradisyon ang
mga Filipino patungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Isa
na sa mga kagawian ng mga ninuno natin ang pagsamba
sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan gaya ng bituin,
araw, puno, hayop at iba pa. Ang paniniwalang ito ay
tinawag ding “Panagismo”.

Sa taglay na pagmamahal ng mga Filipino sa


kalikasan, sa tingin mo, sapat na ba ito upang mapanatili
ang gandang mayroon ito?

Sa panahon ngayon, hindi na lamang mga natural na


kalamidad ang nangyayari sa ating bansa. Pumapasok na
rin dyan at nakikibahagi ang mga suliranin na gawa mismo
ng tao. Nasaan na nga ba ang pagmamahal sa kalikasan?
Nakalimutan na ba ito kasabay ng pag-usbong ng
kaunlaran?
ANG KASALUKUYANG ESTADO NG KALIKASAN SA
PILIPINAS

Kung ano ang siyang ikinayaman ng ating bansa, ang


siya namang matinding pag-abuso ng tao rito. Ang lahat ng
likas na yaman na ito ay unti-unti nang nawawala at
nasisira. 70% ng mga bakawan ang nasira na nitong
nagdaang mga dekada (Nilad, Earth Island Institute,
PAWS, et al 2016). Ang mga bakawan ay isa sa mga
itinuturing na tahanan ng mga hayop sa dagat.
Nangangahulugan lamang ito na kasama ng pagkaubos ng
bakawan ay ang nakaambang pagkaubos rin ng mga
lamang-dagat.

Sa usapin ng kagubatan, sinasabing 93% ng orihinal


na kagubatan sa Pilipinas ang nawala na nitong huling 500
taon (IBON Foundation Inc. 2006). Noong 1934, tinatayang
57% ng bansa ang nasasakop ng kagubatan. Noong 2010,
bumaba ito sa 23% (Senate 2015). Ang kagubatan ay
mahalaga sa bawat organismo, gayon na rin sa mga
katutubo. Sa pagkasira ng mga ito, untiunti ring nauubos
ang iba't ibang uri ng hayop at halaman. Napipilitan ring
umalis ang mga katutubo sa lupain ng kanilang mga
ninuno – isang gawaing taliwas sa kanilang kultura. Isa sa
mga dahilan nito ay ang umiigting na mga aktibidad ng
sangkatauhan, partikular ang patuloy na pandarambong sa
kalikasan ng mga nagsusulong ng huwad na kaunlaran.
Ang mga likas na mga nangyayaring sakuna ay umiigting
dahil dito. Halimbawa na lamang nito ay ang isyu ng global
warming at climate change. Marami ang nagsasabing ang
pinakamalaking dahilan nito ay ang sistemang kaingin ng
ating mga katutubo at ng mga ilegal na pagpuputol ng mga
puno. Subalit, ayon sa datos ng IBON Foundation Inc.
(2006), maliit na porsiyento lamang ng kagubatan ang
nawawala sa pagkakaingin ng ating mga katutubo. Hindi
ilegal na pagpuputol ng puno ang dahilan, kung hindi ang
mga legal. Halimbawa na lamang nito ay ang mataas na
bilang ng aprubadong timber license at mining permit sa
ating bansa. Isa sa mga pribilehiyong natatamasa sa
pagkakaroon ng permiso sa pagmimina ay ang
pagkakaroon nito ng karapatang magputol ng puno sa
anomang lugar na kaniyang pagmiminahan. Sa laki ng
bilang ng permisong ibinibigay sa pagmimina na
inaaprubahan taon-taon, hindi malayong ito ang maging
dahilan ng pagkasira ng kalikasan.

Ang patuloy na pagkasira ng mga tirahan ng iba't


ibang hayop ay ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ang
sinasabing ikaapat na may pinakamataas na bilang ng
mga hayop na nanganganib nang maubos (Nilad, Earth
Island Institute, PAWS, et al 2016). Ang pagkasira ng ating
kalikasan ay ang pagkasira ng pamumuhay ng lahat
maging ng mga tao sapagkat bahagi tayo ng kalikasan at
nakadepende dito ang ating buhay.

Ayon sa aklat na may pamagat na “Ekokritisismo at


Pagpapahalaga sa Kalikasan” nina Dizon, R.B. et.al.,
(2018), nabanggit rito na ang tao at ang kalikasan ay may
ugnayan. Nakapaloob rin sa mga teoryang pinagmulan ng
wika na dahil sa kalikasan, tayo ay nagkaroon ng wikang
sinasalita. Ang tao ay gumagamit ng wika sa pang araw-
araw na buhay at ang tao na gumagamit ng wika ay may
kakayahan na pangalagaan o di kaya’y sirain o
isinasapanganib ang kalikasan.

“We are facing a global crisis today, not because of


how our ecology systems function but rather because of
our ethical system function.” – Glotfelty, (1996)

Maliwanag sa sinundang sipi na ang krisis sa lipunan


na natamasa ng tao ay dahil na rin sa hindi etikal na
pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan. Ang tao ay
nakinabang sa kalikasan ngunit hindi nito pinapahalagahan
ang kalikasan, sa halip nilalapastangan nito ang kalikasan
kaya nasira ang timbang ng ekolohiya sa mundo. Kabilang
sa mga hindi etikal na gawa ng tao ay ang pagtapon ng
basura kahit saan, pagputol ng mga puno pagsunog ng
mga gulong, cellophane at iba pa na nakakadagdag sa
polusyon.

KAHALAGAHAN NG WIKA SA KALIKASAN

Bilang mga mamamayan sa bansang Filipinas, mabuti


kaya na pairalin pa rin hanggang sa ngayon ang ganitong
kaugalian? Ano kaya ang maitutulong ng sarili nating mga
wika sa pagpapahalaga sa kalikasan?Ang wika ay parte na
nga ng buhay ng tao. Hindi kakayanin ng tao na mabuhay
na walang wikang sinasalita. Sa paksang pangkalikasan,
ating aalamin ang taglay na kahalagahan mayroon ito at
kung paano nagagamit ang wika sa pagpapaliwanag sa
paksang pangkalikasan.

1. Mahalaga ang wika sapagkat nagiging instrumento


ito upang magkaroon ng komunikasyon ang bawat
nilalang sa mundo. Ang wika ay mabisang
kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa
kanyang kapwa. Mula sa aklat na “Retorika, Wikang
Filipino at Sulating Pananaliksik” nina Rubin, L.T.,
et.al. (2003), binigyang diin dito na ang wika ay para
sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika,
naisasalin natin ang mga impormasyon mula sa isa
tungo sa isa pang tao, grupo ng mga tao na
karaniwang sinusuklian ng reaksyon ng
pinagtutungkulan.
Ang wika ay itinuturing na mahalaga sa
pagpapaliwanag ng paksang pangkalikasan
sapagkat ang tunay na pagkakaisa ay magagawa
sa pamamagitan ng wika. Kapag ang tao ay
nagkaroon ng komunikasyon, maaaring magkaroon
ng palitan ng mga mensahe patungkol sa mga
programang maaaring gawin sa pangangalaga sa
kalikasan. Taliwas naman ang mangyayari kung
walang wikang magsisilbing patnubay sa mga tao
sapagkat kapag silay nanahimik lamang, walang
wikang binulalas, ang ideya ay nasa isip lamang, at
wala siyang kakayahang maibahagi ang ideyang
pangkalikasan sa iba dahil walang wika, ang
programang pangkalikasan na ito ay maaaring hindi
maisakatuparan. Hindi lamang sa paksang
pangkalikasan, maaaring mangyari rin ito sa iba
pang paksa. Tandaan na ang wika ay kabuhol na ng
buhay ng tao, kapag may wika may komunikasyong
magaganap at tiyak may magagawang programa
para sa inang kalikasan.
2. Mahalaga ang wika dahil nagbibigay ito ng mga
kaalaman o karunungan.
Sa pamamagitan ng wika, naisasagawa ang mga
kilusang naglalayong magbigay ng kaalaman
patungkol sa kalikasan. Isa sa mga halimbawa ang
edukasyon sa kapaligiran. Ang pang-edukasyon sa
kapaligiran ay tumutukoy sa mga organisadong
pagsisikap upang turuan kung paano gumagana
ang likas na kapaligiran, at lalo na, kung paano
mapapamahalaan ng mga tao ang pag-uugali at
ekosistem upang mabuhay nang maayos. Ito ay
isang larangang multidisciplinary na nagsasama ng
mga disiplina tulad ng biology, kimika, pisika,
ekolohiya, agham sa lupa, agham sa atmospera,
matematika, at heograpiya. Ang termino ay madalas
na nagpapahiwatig ng edukasyon sa loob ng
sistema ng paaralan, mula sa pangunahing
hanggang sa post-secondary. Ang edukasyon ay
naglalayong mapabuti ang kapaligiran at
nagtataglay ng kanais-nais na anyo para sa mga
susunod na henerasyon, habang pinapaliwanag ang
mga problema sa kasalukuyang panahon ng
kapaligiran ng tao. Ang katawagang pang-
edukasyon sa kapaligiran ay malakas na napromote
at ginagamit ng International Conservation Union
para sa Nature Conservation (IUCN), UNESCO,
United Nations Environment Programme (UNEP) at
iba pa.
3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan para sa
ikabubuti ng kalikasan. Sa pamamagitan ng wika,
ang pamahalaan at kayang makabuo ng mga batas
pangkalikasan. Wika ay isinusulat, kapag walang
wikang isinusulat, walang batas na magagawa para
sa kalikasan. Matatagpuan na nakasaad Sa
“Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan” nina
Dizon, R.B. et.al., (2018) ang mga batas para sa
kalikasan. Ang mga batas pangkalikasan ay ang
mga sumusunod:
A. Denr Administrative Order No. 39 Series of
1997 Chemical Control Order For Cyanide
and Cyanide Compounds. Ito ay ipinatupad
ng DENR upang mabawasan ang
masasamang naidudulot ng hindi tamang
pagtatapon ng basura at pagtapon ng
nakalalasong kemikal sa katawan ng tao.
Batas Republika 6969 na tinatawag rin bilang
Toxic Substances and Harzardous and
Nuclear Wastes Control Act ng 1990 ang
tawag dito. Ang cyanide ay
nangangahulugang anumang kemikal na may
halong cyanide ion, CN na makikita sa
metallic cyanide at hydrogen cyanide. Ang
cyanide at cyanide compounds ay talagang
nakalalason sa katawan ng tao at sa ating
yamang tubig. Sa mga nakaraang taon ang
paggamit ng cyanide sa pangingisda ay
tumaas. Ang hindi tamang paggamit nito o
dulot ng kapabayaan ay nagbunga ng mga
aksidente at pagkasira ng ating kalikasan.
B. DENR Administrative Order No. 29 Series
1992 Itong batas na ito ay kilala bilang
pagpapatupad ng mahigpit sa batas at
regulasyon ng batas 6969 ito ay batas ng
estado upang maregulate ang pagbabawal
na maipuslit o maikalakal ang mga cyanide,
magawa ng mga ito, magbenta, magbigay,
gumamit at magtapon ng mga kemikal na
may masamang reaksyon sa katawan ng tao
o kaya naman ay sa kapaligiran para
mapagbawalan ang pagpasok, pati na rin ang
pag-alis ng kemikal na nakalalason at
magandang kalidad ng ating kapaligiran,
hindi lang ngayong henerasyon kundi
hanggang sa ating kinabukasan.
C. DENR Administrative Order No. 34 July 14,
1998 Para makapagbigay ng teknikal,
pinansyal at marketing assistance at
magandang koleksyon ang gobyerno. Ang
batas ay binuo batay sa mga layunin na:
Para magkaroon ng maayos at sistematikong
disposisyon ang maliliit na minahan sa ating
bansa. Para maregulate ang mga maliliit na
industriya ng minahan sa mga nakikita at
mapasunod para sa kanilang pag-unlad at
pagiging produktibo. At dapat ito'y ipatupad
upang maipagmalaki, madevelop,
protektahan, at balansehin ang mga maliliit
na industriya ng minahan upang magkaroon
ng maraming hanapbuhay at oportunidad.
D. DENR Administrative Order No. 96-40 Series
of 1996 December 19, 1996; Revised
Implementing Rules and Regulations of
Repiblic Act. No. 7942 Lahat ng mineral na
resources sa publiko at pribadong lupain sa
ekonomiko ng teritoryo ng Pilipinas ay
pagmamay-ari ng estado. Ito ay
responsibilidad ng estado para madevelop,
ma-utilize at pangalagaan sa pamamagitan
ng pinagsanib na pwersa ng publiko at ng
pribadong sektor upang mahubog ang
paglago ng ating bansa sa daan na
epektibong mga maayos na pangangalaga
ng ating kapaligiran.
E. DENR Administrative Order No. 2000-51
June 21, 2020. Ang batas na ito ay
nagbibigay ng proteksyon sa ating
kapaligiran.
F. DENR Administrative Order No. 2007
Establishing The Marketing and Identification
System for Threatened Wildlife Species In
Captivity And Providing guidelines There Of
Pursuant To Republic Act 9147 # Known As
The Wildlife Resources Conservation and
Protection Act of 2001 Kilala bilang
Pangangalaga at Pagproteksyon sa mga
Wild Life resources batas 2001 at ang
paghihigpit sa pagpapatupad ng batas upang
makapagbigay ng maayos na
mapagkakakilanlan sa mga threatened
wildlife species.
4. Ang wika ay tagapaghikayat o tagapagtangkilik.
Mula kay De Castro, M.P. (2012), sinabi niya sa
kanyang artikulo na may pamagat na “Tagalog
News: Programang Pangkalikasan”, nakapaloob rito
na ang pamahalaan ay patuloy na ipinapatupad ang
mga programang makakatulong sa kalikasan at
kapaligiran. Sa bawat programang isinusulong
pamahalaan, may wikang ginagamit at ang
paggamit nito ay nagiging dahilan upang
makapagtangkilik ng lubos sa mga mamamayan na
sumali at gawin rin ang mga programang
mapapangalagaan ang kalikasan. Ang wika na
ginagamit at nababasa natin sa mga panukala ng
programang isinusulong ng gobyerno ay tumutulong
sa atin upang mabuksan ang ating isipan sa
gandang dulot ng programa at kapag binasa’t
naintindihan natin ito, ang nangyayari ay nahihikayat
tayo na sumali sa mga programang ito.Halimbawa
na lamang ay ang programang ito ay ang Tree
Planting, Clean Up Drive at iba pa. Mabisa ang
paggamit ng wika upang makakuha ng maraming
tao na magtulong-tulong sa mga programang ang
tunguhin ay pangalagaan ang kalikasan
5. Wika ang susi upang magkaroon ng kamalayan ang
tao sa sitwasyong pangkalikasan. Isa sa mga
sitwasyon pangkalikasan ay ang biglang pag-usong
ng natural na kalamidad. Sa pamamagitan ng wi ka
ay nabibigyan ng kamalayan ang mga
mamamayang apektado sa isang partikular na lugar
upang makaligtas mula sa mga posibleng
kapahamakang hatid ng natural na kalamidad. Sa
pamamagitan ng wika ay nabibigyan ng kamalayan
ang mga mamamayang apektado sa isang
partikular na lugar upang makaligtas mula sa mga
posibleng kapahamakang hatid ng natural na
kalamidad. Ang mga halimbawa nito at ayon sa
artikulo ng Official Gazette (n.d) ay ang Daluyong
bagyo o ulat-panahon at babala ukol sa signal ng
bagyo, mga babala ukol sa mga aktibidad ng
bulkan, lindol, at tsunami.

KONSEPTONG PANGKALIKASAN

Ang mga sumusunod ay ang Konseptong


Pangkalikasan sa Wikang Filipino:
1. KALUSUGAN- Mula sa blog na “Kalusugan.ph” ang
Pilipinas ay biniyayaan ng mayaman at malusog na
kalupaan. Sa kalupaang ito matatagpuan ang mga
iba’t- ibang uri ng mga halaman, sa kabundukan
man o kapatagan. Marami sa mga halamang ito
pinakikinabangan ng tao sa iba’t-ibang paraan. Isa
na dito ang mga halamang gamot o herbal medicine
na marami din sa kapuluan ng Filipinas at madalas
na ginagamit sa panggagamot. Sa bawat
katawagan ng mga halamang ito ay kaugnay din
nito ang wikang Filipino. Malaki ang naitutulong ng
wika sa pagpapahalaga sa kalikasan kung saan
dahil sa wika ay nagkakaroon ng mga katawagan
ang mga halaman na ginagamit natin sa
panggagamot. Ang wika ang naging daan upang
magkaroon ng kabuluhan ang lahat ng ginawa ng
diyos katulad na lang ng mga halaman na malaki
ang naitutulong sa tao at lipunan. Ang "Sangay ng
Salita at Gramatika" ng Komisyon sa Wikang
Filipino (2020), ay isa sa magiging proyekto ng KWF
at layunin nito ang pagbuo ng Diksyonaryo ng
Halamang Gamot. Kung saan ang ninanais nito na
makapaglathala ng diksyonaryong magtatampok ng
mga halamang gamot na katutubo sa Filipinas,
kasama ang retrato, bisa ng halaman bilang gamot,
at iba pang mga katawagan sa halaman mula sa iba
pang katuutbong wika sa Filipinas. Lahok din dito
ang mga halamang gamot na ipinasok lamang
ngunit lumaganap na sa Filipinas at lahat ng
magiging lahok sa diksyonaryong ito ay ilalagay sa
isang computer database.
2. SAKUNA- Ang Pilipinas ay biniyayaan ng maraming
natural na yaman ng inang kalikasan. Ang likas na
yamang ito ang pinagkukunan ng mga bagay na
pumupuno sa ating pangangailangan at
kagustuhan. Dapat itong iproseso at pagyamanin
sapagkat matatawag lamang na pinagkukunang-
yaman ang mga bagay sa kapaligiran kapag ang
mga ito ay nagdudulot ng kapakinabangan at
tumutugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan. Ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF), Climate Change Academy of the Philippines,
Tanggapan ng Gobernador ng Albay, at Tanggapan
ng Punongbayan ng Legazpi ay nagtaguyod ng
isang seminar na may pamagat na "Sagot sa
disaster: Wika ng Seguridad ng Kaligiran" noong
Oktubre 2014 sa Hotel Venezia, Washington St.,
Lungsod Legazpi, Albay. Itinatampok sa
pambansang seminar, ang mga mungkahi at
kongkretong solusyon sa mga suliraning kaakibat ng
climate change at kaugnay ng paggamit ng wikang
Filipino at iba pang wika ng Filipinas nang
maiwasan ang panganib at sakuna. Bibigyang diin
dito ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335 ni dating
Pangulong Corazon C. Aquino na nagtatakda na
magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon,
komunikasyon at korespondensiya upang lalong
maunawaan at mapahalagahan ng sambayanang
Filipino ang mga programa, proyekto, at gawain ng
pamahalaan sa buong Filipinas. Layunin din ng
seminar na ito na ipakita ang mabisang paggamit ng
Filipino sa iba’t ibang pagharap sa mga kalamidad
at kalamidad. Ito at dinaluhan ng mga opisyal at
kinatawan ng mga barangay sa buong Filipinas at
pribadong indibidwal o institusyon na nagnanais
maging bahagi sa pagtugon sa mga usapin ng
climate change ang seminar. Makatutulong ang
seminar na ito upang mapataas ang kamalayan ng
mga Filipino sa seguridad ng kaligiran at ito ay
magiging hamon sa lahat na mag-ambag at kumilos
para tugunan ang mga suliraning pangkaligiran. Ang
Wikang Filipino ay mainam na gamitin bilang wika
sa pagbibigay kaalaman sa sakunang nangyayari sa
bansa. Ang paggamit din ng isang wika na wikang
Filipino ay mabuti sapagkat tiyak na maiintindihan
kaagad ng mga mamamayan ang mga balita
patungkol sa sakuna at mas makapaghanda.
3. EKOKRITISISMO- Nabanggit sa unang bahagi ng
aklat na "Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa
Kalikasan” nina Dizon, R.B. et.al., (2018), ang
Ekokritismo ay ang pag-usbong at pag-unlad ng
ugnayan ng mga akdang pampanitikan sa pag-aaral
ng biyolohikal na tema. Ayon sa paliwanag ni Dobie
(2012) na nabanggit pa rin sa parehong aklat, na
ang ekokritisismo ay ang pag-aaral ng panitikan at
kapaligiran mula sa interdisiplinaryong pananaw
kung saan ang lahat ng mga agham ay
pinagsamasama upang suriin ang kapaligiran at
magpapalitan ng kaisipan sa posibleng solusyon
para sa pagwawasto ng kasalukuyang
pangkapaligirang sitwasyon. Ang pagbasa at
pagsusuri tungkol sa kalikasan at kapaligiran gamit
ang wika at tekstong pampanitikan ay naghahatid sa
pagiging ekolinggwistika at ekokritiko. Ang
representasyon ng kalikasan ay nangangahulugang
pagbibigay ng halaga sa panitikan at/o sa wika sa
lapit na nakatuon sa mundo (earth-centered
approach) sa pamamagitan ng tungkulin at papel na
ginagampanan ng kalikasan sa akdang
pampanitikan. Sa larang ng ekokritisismo, ang
pagiging kritikal ng isang kritiko ay nakasalalay sa
masusi at malalim na pagbabasa sa isang akdang
pampanitikan. Ito ay magsisimula sa pamamagitan
ng pagkilala at pag-alam sa anumang isyu tungkol
sa kalikasan at kapaligiran.
4. EKOLOHIYA- Binigyang kabuluhan ni Haugen
(1972) sa libro na "Ekokritisismo at Pagpapahalaga
sa Kalikasan” nina Dizon, R.B. et.al., (2018), ang
wika raw ng ekolohiya ay ang pag-aaral sa mga
interaksyon sa pagitan ng anumang wika at
kapaligiran nito. Ang tinutukoy rito na kapaligiran ng
isang wika ay ang lipunan na gumagamit nito bilang
isa sa kanilang mga simbolo o wika. Ang wika ay
umiiral lamang sa utak ng mga gumagamit nito at
gumagana naman ayon sa ugnayan nito sa mga
gumagamit at maging sa kanyang kapaligiran ng
isang wika ay ang lipunan na gumagamit nito bilang
isa sa kanilang mga simbolo o wika. Ang halaga ng
wika sa tao ay kasingkahalaga rin ng kapaligiran sa
tao. Manipestasyon ito sa ugnayan ng wika isip at
kapaligiran sapagkat nasa impluwensya ng wika
kung paano iniisip ng tao ang kanyang mundo.
Umusbong sa ugnayan ito ang tinatawag na wika ng
ekolohiya. Nabanggit din ni Wendel, sa parehong
aklat na ang mga wika ay hindi umiiral sa kawalan.
Ito ay bunga ng matagal na paninirahan ng tang
nagsasalita sa kanila at kapaligiran kung saan
ginagamit ang mga ito. Isinaalang-alang ng
ekolohikal na diskarte sa wika ang komplikadong
koneksyion ng mga relasyon na umiiral sa pagitan
ng kapaligiran, wika at kanilang mga nagsasalita.
Naging malawak ang ugnayan ng wika at ekolohiya
nang ipaliwanag ni Einer Haugen sa kanyang
sanaysay na “The Ecology of Language” noong
1972. Sinabi niya na higit na atensyon sa ugnayan
ng wika at ekolohiya mula sa pakikipagtulungan ng
larang ng linggwistika sa larang ng antropolohiya,
sosyolohiya, agham political, at maging sa
sikolohiya. Anita, iniwan man nang madalas ito ng
mga linggwista sa mga nabanggit na larang na hindi
panglinggwistika ngunit may malakas na
linggwistikong komponent ang wika ng ekolohiya.
Ayon din sa kanya na ang ganitong pagdulog sa
wika at ekolohiya ay nagtutulak sa atin na kilalanin
ang interaktibo at mapanlikhang katangian ng wika
na nagsaalang-alang sa paano hinubog at binago
ang mga wika ng kanyang kapaligiran at vice versa.
KONKLUSYON

Ang sitwasyon ng kalikasan sa Pilipinas ay isa sa mga


pangunahing isyu sa bansa. Maraming environmental
concerns na kinakaharap ang Pilipinas, kabilang ang
deforestation, pagkasira ng mga coral reefs, soil erosion,
pollution, at kawalan ng tamang pangangalaga sa mga
natural na yaman. Mapapansin na ang Pilipinas ay
nakararanas ng matinding pag-abuso sa kanyang likas na
yaman. Ang mga bakawan at kagubatan ay patuloy na
nawawala at nasisira sa paglipas ng panahon dahil sa mga
pang-aabuso at hindi maayos na pangangalaga mula sa
tao. Epekto sa Biodiversity: Ang pagkasira ng mga
bakawan, kagubatan, at iba pang tirahan ng mga hayop ay
nagdudulot ng panganib sa biodiversity ng Pilipinas. Ang
mataas na bilang ng mga hayop na nanganganib na
maubos ay nagpapakita ng malalang epekto ng pagkasira
ng kanilang tirahan.

Malaki din ang implikasyon sa mga katutubo ang


pagkasira ng kalikasan ay hindi lamang nagdudulot ng
epekto sa mga hayop at halaman kundi pati na rin sa mga
katutubo na umaasa sa kalikasan para sa kanilang
pamumuhay at kultura. Ang pag-alis sa kanilang lupain ay
nagdudulot ng pagkawala ng kanilang identidad at
tradisyon.Kakulangan sa Pagsasakatuparan ng Batas:
Mayroong obserbasyon na ang pagkasira ng kalikasan ay
bahagi rin ng kakulangan sa pagpapatupad ng mga batas
at regulasyon, partikular sa mga patakaran hinggil sa
pagmimina at pagputol ng puno.

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng


kalikasan sa Pilipinas ay ang hindi etikal na pakikipag-
ugnayan ng tao sa kalikasan. Ang kakulangan sa
pagpapahalaga at respeto sa kalikasan ay nagdudulot ng
malubhang epekto sa buhay ng mga tao at sa buong
ekolohiya ng bansa.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nangangailangan ng


masinsinang pagsusuri at agarang pagkilos upang
mapangalagaan at mapanatili ang kalikasan nito para sa
kasalukuyan at hinaharap na henerasyon. Ang
pagsasakatuparan ng tamang batas at regulasyon,
kasama ng edukasyon at kampanya sa pagpapahalaga sa
kalikasan, ay mahalaga upang maisalba at
mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa.

WIKANG FILIPINO AT ANG KALIKASAN

PAG-ASA Weder Forkast: Mga Termino ng PAG-ASA sa


Wikang Filipino

Ang PAG-ASA ay salitang acronym ng Philippine


Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration. Ito ay isa sa mga nakalakip na ahensya ng
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) sa ilalim ng
Mga Institusyon ng Agham at Teknikal na Serbisyo ay
ipinag-uutos na "magbigay ng proteksyon laban sa mga
likas na sakuna at gamitin ang kaalaman sa siyentipiko
bilang isang mabisang instrumento upang masiguro ang
kaligtasan, kagalingan at pangekonomiyang seguridad ng
lahat ng mga tao, at para sa pagsulong ng pambansang
pag-unlad. Ang PAGASA at Komisyon ng Wikang Filipino n
pinangungunahan ng Alagad ng Sining na si Virgilio
Almario ay bumuo ng komprehensibong listahan ng mga
terminolohiyang pang-ulat panahon sa wikang Filipino at
ang aklat na ito ay pinamagatang “Patnubay sa Weder
Forkasting” na inilunsad noong ika -13 ng Hunyo taong
2016. Napagdesisyunan ng Komisyon ng Wikang Filipino
ang lumikha ng aklat pagkatapos manalasa ang Super
Typhoon Yolanda sa Visayas noong ika-8 ng Nobyembre
taong 2013. Naging kontrobersiyal ang salitang “storm
surge” sa pananalasang ito na kumitil ng mahigit 6,000
katao dahil marami sa mga naapektuhang residente ang
hindi lubos na nauunawaan ang dayuhang salita na “storm
surge”, na ang kahulugan sa wikang Filipino ay “daluyong”,
ang pagragasa ng tubig-dagat sa kalupaan dulot ng bagyo
(Mang Tani, GMA News). Inabot ng mahigit isang taon ang
pagbuo ng naasabing aklat sapagkat dumaan ito sa
mabusising proseso. Sa katunayan, nagkaroon ng mahigit
apat na konsultasyon sa pagitan ng DOST-PAGASA at
KWF upang masusing siyasatin ng mga eksperto ang mga
pakahulugan at pagsasalin sa mga terminolohiyang
meteorohikal, partikular na ang mga salitang masyadong
teknikal. Isinaliksik ng Sangay sa Pagsasalin ng komisyon
na may siyam na tagasalin ang lahat ng materyales at
kagamitan ng DOSTPAGASA tulad ng mga poster at aklat
na kailangang isalin sa wikang Filipino. Itinala ng sangay
ang mga salitang meteorohikal at isinalin, hindi lamang sa
wikang Filipino kung hindi maging sa iba’t ibang wika mula
sa mga rehiyon ng bansa tulong ng samu’t saring
diksyunaryo. Ayon kay Dr. Benjamin Mendillo, chief
translation division ng KWF, ang pangunahing layunin ng
patnubay ay padaliin ang wikang teknikal sa metrolohiya
upang madaling maunawaan ng publiko at maiwasan ang
peligro tuwing panahon ng kalamidad, at dagdag pa ni
KWF Director General na si Roberto Ańonuevo na “Sa
ganitong paraan, ang karaniwang mamamayan ay
mapataas ang kaalaman at ang pamahalaan ay hindi
mahihirapan sa pagpapalikas sa kanila sa panahon ng
disaster.” Kabilang umano ito sa paghahanda upang
maunawaan ang nagbabagong klima n gating bansa. Ang
pagtanaw ng disaster na dulot ng kalikasan o likha ng tao
ay hindi kinakailangang maging pasibo, bagkus aktibo na
ang mga mamamayan ay nauunawaan ang mabilis, ligtas
at matalinong pagharap sa gaya ng bagyo, baha, lindol,
tagtuyot at iba pa. Kapag lumaganap ang patnubay na ito,
tiyak na magbabago ang mga teksbook na lumalabas sa
merkado. Mailalahok na halimbawang aralin ang konsepto
sa bagyo o ulan na malimit na hindi natatalakay nang maigi
sa Filipino.Ayon kay Mendillo (2016)), tinatayang aabot
umano sa 300 na salita at kataga ang ilalagay sa glossary
o listahan ng mga terminolohiyang gamit sa weder forkast.

WIKANG INGLES WIKANG FILIPINO

Torrential rain Buhos na ulan

Light wind Hanging banayad

Fresh wind Hanging haginit

Gale Hanging hagunot

Strong wind Hanging malakas

Intense rain Matinding ulan

Maximum sustained wind Sukdulang hanging tuloy-


tuloy

Monsoon Pana-panahong hangin

Occasional rain Panaka-nakang ulan

Isolated rain shower Pulo-pulong ulan

Scattered rain showers Kalat-kalat na ulan


Altitude Altitud

Weather Weder

Forecast Forkast

Humidity Halumigmig

Storm surge Daluyong

Weather forecasting Weder forkasting

Ayon kay Santos (2016), maliban sa mahigit 300 na


tala ng mga salita, nakalakip din sa 73-pahinang aklat ang
ilang mahahalagang impormasyon sa panahon tulad ng
kung bakit umaapaw ang tubig sa ilog at saysay ng mga
dike, kung bakit kailangan mag-ingat tuwing kumikidlat;
impormasyon ukol sa sukat at taas ng baha; mga
pampanitikang babasahin tulad ng mga bugtong at mga
mitong may kaugnayan sa klima, maging makukulay na
infographic upang gawin itong magaang babasahin.

Iba’t ibang Katawagan sa mga Halamang-gamot ng


mga Higaunon, Talaandig, at Subanen

Sa simula pa lamang ng sibilisasyon ng mga tao ay gamit


na natin ang mga halaman bilang medisina. Unang ginamit
ang halamang gamot sa Babylonia circa 1770 BC sa code
of Hammurabi at sa ancient Egypt circa 1550 BC. Ang
relasyon sa pagitan ng tao at halaman ay napakahalaga
dahil ang mga halaman ay konektado sa bawat aspekto ng
buhay ng tao. Gaya na lamang ng walang hanggan na
pinagmumulan sa pang araw-araw na pangangailangan ng
tao: pagkain, kagamitan, kasangkapan at iba pa.
Hanggang sa 19th century ay nanatili ang paggamit ng tao
sa mga halaman bilang gamot at hanggang sa
kasalukuyan ang gamit ng mga ito ay mas kinakailangan.
Karamihan o halos lahat ng medisina sa panahon ngayon
ay mula sa mga halaman. Sa kabila ng pag-usbong ng
modernisasiyon, ang kultura at tradisyon ng panggagamot
gamit ang mga halaman sa Pilipinas ay napreserba. Kaya
ayon kay Mahmood et al. na 80% ng mga mamamayan sa
mga umuunlad na bansa ay nananatiling umaasa sa
tradisyonal na paggamit ng mga halamang gamot para sa
kanilang kalusugan. Ayon sa pag-aaral na matatagpuan sa
Asian Journal of Biological and Life Sciences, sa Pilipinas
kilala ang mga katutubo sa paggamit ng mga halamang
gamot gaya ng mga Talaandig sa Bukidnon, Higaunon sa
Iligan at mga tribong Subanen sa Zamboanga del Sur.

A. TALAANDIG- Ayon sa kanilang mga ninuno, ang


talaandig ay nagmula sa salitang “andig” na
nangangahulugang “people of the slopes”, mga
taong taga dalisdis. Isa sila sa mahigit isang daan
na pangkat etniko na makikita sa Pilipinas. Ayon sa
National commission for Culture and the Arts
(NCCA), ang mga Talaandig ay matatagpuan sa
probinsya ng Bukidnon na binubuo ng mahigit
100,000 katao. Isa ang kanilang tribo sa Pilipinas na
buhay na buhay pa ang mga paniniwala, kultura at
tradisyon sa kabila ng modernisasyon. Partikular na
makikita ang mga Talaandig sa bundok ng Kitanglad
kung saan nagmula ang kanilang kasaysayan. Kilala
sila sa Bukidnon na nananatiling gumagamit ng mga
herbal o halamang gamot kung saan dinadayo ng
mga tao dahil sa taglay nitong galing sa
panggagamot. Tinatawag na “datu” ang kanilang
tribal chief o mga matatandang may sapat na
kaalaman sa mga halaman. Samantalang
“babaylan”naman ang tawag sa kanilang
manggagamot.
B. B. HIGAONON- Sa aklat nina Dizon et al.,na
Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan, iba-
iba ang paliwanag sa pinagmulan ng salitang
Higaonon. Ayon kay Levita (1996), galing ito sa
gaon na nangangahulugang bundok. Ibig sabihin,
“taongbundok” o “taong taga-bundok”. Ayon naman
sa UNAHI Mindanao, sa tatlong mahahalagang
kataga nagmula ang pangalan ng tribo- higa
(buhay), goan (bundok), at onon (tao),
samakatuwid, taong namumuhay sa buhay na
bundok. Sa Papel ni Tangian (2010), ang higa ay
salitang binukid na nangangahulugang
“pinagkukutaan” at ang non naman Taguri sa “taong
taga-itaas”. Kung ipagdurugtong, ito ay
pinagkukutaan ng mga taong tagaitaas. Ang
pangkat na ito ay kilala sa Mindanao bilang lumad.
Kabilang ang Higaonon sa 18 na tribong ginagalang
na likas na Mindanaon. Dati silang naninirahan sa
kapatagan ngunit ayon sa kasaysayan ay napilitang
tumungo sa pusod ng kagubatan dahil sa kalupitan
ng tao at modernisasyon. Sa kasalukuyan,
pinananatili pa rin ng mga Higaonon at ng iba pang
lumads ang kanilang sariling pananaw sa paggamit
ng lupa, kapatiran, ritwal, karunungang bayan at
awiting bayan. Ang mga Higaonon ay may higit-
kumulang 400,000 ang populasyon sa kasalukuyan
sa iba-t ibang parte ng Mindanao. Gaya ng
katutubong Talaandig, sila rin ay matatagpuan sa
mga bundok partikular sa Rogongon, Iligan City sa
Mindanao.
C. SUBANEN- Ang mga Subanen ay kilala bilang
pinaka-unang nanirahan sa Mindanao at sila ay
matatagpuan sa hilaga, kanluran at katimugang
parte ng Zamboanga. Sila ay orihinal na nakatira
malapit sa mga tabing-ilog o tinatawag na “suba”
ngunit sa kalaunan ay mas pinili ng nakararami sa
kanila na tumira sa kabundukan. Ayon sa
kasaysayan nailimbag sa Zamboanga, ang mga
Subanen ay dumating 2000 taon hanggang 6000
taon galing sa Indonesia. Ang mga timuay/gukom ay
eksperto rin sa mga tradisyon n sariling tribo at
paniniwala. Karamihan sa mga Subanen na may
pinag-aralan ay nagtatrabaho sa iba’t ibang
pribadong tanggapan ng gobyerno, at karamihan sa
kanila ay wala ng interes na ipagpatuloy pa ang
kanilang kultura at paniniwala. Nababahala ang mga
nakakatandang subano na maaaring mawala o
ganap na mawala ang kanilang wika at kultura.

KONKLUSYON

Sa pangkalahatan, iba’t ibang pangkat etniko ang


naninirahan dito sa Filipinas na may pagkakatulad sa mga
halamang gamut dahil ang kanilang kaalaman sa
tradisyonal na medisina ay natural na sa kanila at
namamana mula sa kanilang mga ninuno. Ang mga tribong
ito ay may matibay na paniniwala sa mga espiritu na
pinaniniwalaang tagapagtanggol ng kalikasang, ng mga
halaman at sila rin ay naniniwala na ang mga sakit ng tao
ay nagmula sa mga supernatural beings. Gaya ng kanilang
paniniwala, nagagamot ng halamang gamut ang sakit ng
tao dahil ito ay protektado ng mga espiritu at epektibo.

Sa panahon ngayon, ang mga herbal na medisina ay


napakahalaga dahil na rin sa kamahalan ng mga
modernong medisina at pati na rin ang mga healthcare
services. Ang paggamit ng mga halamang gamut mula sa
mga katutubo ay unti-unti nang tinatanggap at nakikilala sa
buong mundo.

Makikita sa bawat talahanayan na ang mga dahon ng


halaman ang kadalasang ginagamit panlunas sa sakit ng
tao at nagpapakita lamang na pinapahalagan ng mga
katutubo ang kalikasan sa kabila ng pag-usbong ng
modernisasyon.

Ang wika ay mahalagang kasangkapan ng tao sa


paghahatid ng mensahe sa iba. Gayunpaman, ang wika ay
parte na nga ng buhay ng tao. Hindi kakayanin ng tao na
mabuhay na walang wikang sinasalita. Sinasabi na ang tao
ay gumagamit ng wika sa pang araw-araw na buhay at ang
tao na gumagamit ng wika ay may kakayahan na
pangalagaan o di kaya’y sirain o isinasapanganib ang
kalikasan. Sa pamamagitan ng wika, ang mga tao ay
nagkakaroon ng kakayahan na maipahayag ang
kahalagahan ng kalikasan, magsagawa ng mga hakbang
upang ito'y pangalagaan, at magbigay ng impormasyon
tungkol sa mga isyu at suliraning pangkapaligiran. Ang
LAGOM paggamit ng tamang wika at komunikasyon ay mahalaga
sa pagpapalaganap ng kamalayang pangkalikasan at
pagtutulak sa mga kilos upang itaguyod ang kalikasan at
pangalagaan ang mga likas na yaman para sa
kasalukuyan at hinaharap. Samantalang ang paggamit
naman ng wikang Filipino sa usaping mga pangkalikasan
ay mabisang kasangkapan upang ang lahat ng nasa bansa
na may iba't ibang sinasalita at tuluyan ngang
magkaintindihan. Kasabay ng mga katutubong wika,
mainam rin na magkaroon ng iisang wika na magbubuklod
ng tuluyan sa lahat upang bigyang halaga at alagaan ang
inang kalikasan at ito ay ang wikang Filipino na ating
wikang pambansa.

PAGSUSULIT (MULTIPLE CHOICE 10 ITEMS WITH ANSWER KEY)

1. Ayon kay ________ ang kalikasan ay tumutukoy sa


lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay
o wala. Ito ay kinabibilangan ng puno’t halaman, at
lahat ng iba’t-ibang uri ng hayop mula sa maliit
hanggang sa malaki.
a. Gleason (1961)
b. Pei (1966)
c. Herradura, R. (2016)
d. Dizon, R.B. et.al., (2018)

Sagot: c

2. Naging kagawian ng mga ninuno natin ang


pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan
gaya ng bituin, araw, puno, hayop at iba pa. Ang
paniniwalang ito ay tinawag ding_________
a. Pagsasamba
b. Panagismo
c. Ritwal
d. Pag-aalay

Sagot: b

3. Ang sumusunod ay ang mga kahalagahan ng wika


sa Pilipinas, maliban sa_______
a. Mahalaga ang wika dahil nagbibigay ito ng
mga kaalaman o karunungan.
b. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan
para sa ikabubuti ng kalikasan.
c. Wika ang susi upang magkaroon ng
kamalayan ang tao sa sitwasyong
pangkalikasan.
d. Ang wika ay tulay sa pagkakaroon ng
komunikasyon

Sagot: d

4. Ang batas na ito ay nagbibigay ng proteksyon sa


ating kapaligiran.
a. DENR Administrative Order No. 34 July 14,
1998
b. DENR Administrative Order No. 2000-51
June 21, 2020.
c. DENR Administrative Order No. 37 Series of
1998
d. Denr Administrative Order No. 39 Series of
1997

Sagot: b

5. Ito ay batas ng Department of Environment and


Natural Resources para maabot ang pantay at
balanseng sosyoekonomikong paglago at
proteksyon sa pamamagitan ng paggamit,
pagdevelop, pag-mamanage, pagbabago ng likas
na yaman ng ating bansa
a. DENR Administrative Order No. 37 Series of
1998
b. DENR Administrative Order No. 34 July 14,
1998
c. DENR Administrative Order No. 2000-51
June 21, 2020
d. DENR Administrative Order No. 29 Series
1992

Sagot: a

6. Piliin ang wastong pagkakasunod-sunod ng


Konseptong Pangkalikasan sa Wikang Filipino
a. Kalusugan-Sakuna-Ekokritisismo-ekolohiya
b. Kalusugan-sakuna-ekolohiya-ekokritisismo
c. Kalusugan-ekolohiya-sakuna-ekokritisismo
d. Kalusugan-ekokritisismo-ekolohiya-sakuna

Sagot: a

7. Ang ahensya kung saan obligasyon na matukoy ang


takbo ng panahon at magbibigay babala para sa
mga mamamayan.
a. DOST
b. PAGASA
c. DENR
d. NCIP

Sagot: b

8. Ang talaandig ay nagmula sa salitang “andig” na


nangangahulugang “__________, mga taong taga
dalisdis. Isa sila sa mahigit isang daan na pangkat
etniko na makikita sa Pilipinas.
a. People of the forest
b. People of the mountain
c. People of the slopes
d. People of the cave

Sagot: c

9. Ang mga ____ ay kilala bilang pinaka-unang


nanirahan sa Mindanao at sila ay matatagpuan sa
hilaga, kanluran at katimugang parte ng
Zamboanga.
a. Subanen
b. Higaonon
c. Talaandig
d. Tausog

Sagot: a

10. Ayon kay ______ "We are facing a global crisis


today, not because of how our ecology systems
function but rather because of our ethical system
function.”
a. Gleason (1961)
b. Encarnacion, P. (2016)
c. Glotfelty, (1996)
d. Dizon, R.B. et.al., (2018)

Sagot: c
Ang gawaing ito ay tatawaging SAGOT MO, SAGOT
KO!

Magbibigay ng mga salita ang mga tagapag-ulat na


sIyang pupunan ng bawat grupo ng mga sagot na may
kinalaman sa paksa.

Magtitipon ang mga magkakagrupo sa bawat pangkat


at sa isang buong papel ay mag tatala ng mga hinihinging
kasagutan sa bawat salitang ibinigay ng mga taga-ulat.
Ang bawat sagot ay katumbas ng isang puntos.

Ang pangkatang gawain na ito ay gagawin lamang sa


loob ng sampung minuto.

PAGLALAPAT/
PANGKATANG
Krayterya:
GAWAIN
50 pts = Kaugnayan sa paksa o tanong - kung ang daloy
ng dula ng presentasyon ng grupo ay akma sa tanong na,
“Ano ang kalikasan kung wala ang wika?”

20 pts = Kahandaan - ang bawat grupo ay may


kahandaan sa kanilang presentasyon.

20 pts = Presentasyon o kabuoang presentasyon -


kung maayos na naipakita ng bawat miyembro o
naitalagang karakter at ang daloy mismo ng presentasyon.

10 pts = Oras - bibigyan lamang ng tig 5 minuto ang bawat


grupo upang magpresenta.

100 = kabuoang iskor

CALOT, R. (n.d). Kahulugan ng Wika para kay Henry


Gleason. Nakuha mula sa
https://www.scribd.com/document/522334436/Kahulugan-
ng-Wika-para-kay-Henry-Gleason.
MGA SANGGUNIAN
MARAHUYO. (2020). Pinagsama-samang mga pasulat na
ulat sa kursong FIL 164: Wika at Panitikan ng Kalikasan at
Kapayapaan. Pahina mula 78 hanggang 116.

You might also like