You are on page 1of 14

CHARIZ

Don Honorio Ventura State University


Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
Departamento ng Manggagawang Panlipunan

CHARIZ

Isang dalumat na salita na papel bilang bahagi ng pagtugon sa mga gawaing


kinakailangan sa pagtatamo ng kursong dalumat sa FIlipino

Nina:

Dionisio, Julieanne

Escoto, Kyla

Estanislao, Erika

Evaristo, Mary Joy

Gozum, Kurt

Guarin, Rina

Guzman, Abigael

Jebulan, Aldrian

Lozano, Bryan Christian

Mabilangan, Maria
CHARIZ

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang bahaging pagtugon sa pangangailangan ng Antas Terserya za Batsilyer ng


Agham sa Social Work Ang pananaliksik ng papel na ito ay pinamagatang "Chariz" na
inihanda nina Julieanne Dionisio, Kyla Escoto, Erika Estanislao, Mary Joy Evaristo,
Kurt Gozum, Rina Guarin, Abigael Guzman, Aldrian Jebulan, Bryan Christian
Lozano, Maria Mabilangan ay nasuri at itinatagubiling tanggapin at pag tibayin sa
pagsalitang pagsusulit

Tinatangap at pinagtibay bilang bahagi ng mga pangangailangan sa Antas ng Terserya


ng Agham Panlipunan at Pilosopiya.

DAHON NG PASASALAMAT
CHARIZ

Walang hanggan ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong sa amin upang
mapag tagumpayan at maging epektibo ang aming ginawang pananaliksik.

Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa pagbibigay ng kalakasan, maayos na puso’t


kaalaman para maisaayos at mabigyan ng kahalagahan ang pananaliksik na ito upang
mag silbing gabay, hindi lamang para sa pansarili bagkus mabigyan ng kahalagahan
para sa lahat hindi namin ito magagawa at matatapos kungwala ang kanyang
patnubay.

At sa aming mga magulang, guro at kaibigan na walang sawang sumusuporta sa


aming pangangailangan at oras na binigay sa amin upang magawa ang aming
pananaliksik at ginabayan kami sa aming pananaliksik at binigyan kami ng mga ideya
upang mas mapadali ang aming pananaliksik.

Paghahandog

Ang pag-aaral na ito ay taos puso naming inihahandog sa lahat at higit sa mga naging
bahagi ng pag-aaral na ito. Inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa
kanilang magulang na sumuporta, nag-alaga, magmahal at patuloy na nagbibigay ng
motibasyon sa mga mananaliksik upang tapusin ang pag-aaral at gawin ang lahat ng
kanilang makakaya.

Buong kalooban ding inihahandog ito ng mga mananaliksik sa kanilang guro na si


John Renzon Limpin na walang sawang gumabay, umantabay, at nag paalala upang
maging maayos ang kalalabasan ng pag-aaral. Malugod ding inihahandog ito sa mga
susunod na mananaliksik upang magsilbing gabay o basihan sa kanilang gagawing
pananaliksik. Sana ay nakatulong ang mga impormasyon at resulta na nakalap upang
madagdagan pa lalo ang kanilang kaalaman.

Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng lakas, panutbay, kakayahan at walang


hanggang biyaya upang maayos na matapos ang pag-aaral. At sa lahat ng kabilang sa
pangkat na ito na nagbuhos ng oras at pagod upang ang pag-aaral na ito ay
maisakatuparan nang matiwasay
CHARIZ

TALAAN NG NILALAMAN
Pabalat.…………………………………………………………………………………i
Dahon ng Pagpapatibay.……………………………………………………………... ii
Pasasalamat.…………………………………………………………………………..iii
Paghahandog………………………………………………………………………….iv
Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………………….v

Chariz
Panimula ………………………………………………………………………1
Etimolohiya ng mga Salita …….……………………………………………...2
Sarilaysay ……………………………………………………………………..3
Pagsasalin at Pandadagdag ng mga Kahulugan ………………………………4
Pag-aangkop o Rekontekstwalisasyon ………………………………………..5
Kasaysayan bilang Salaysay na may Saysay………………………….………6
Pantayong Pananaw………...…………………………………………………7
Pilipinolohiya………………………………………………………………….8
Sangandiwa……………………………………………………………………9
CHARIZ
PANIMULA
Wika

Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtuturo ng wika na lumilihis na nakagawiang


pagtuturo na may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang dulog ay
nagpapatingkad sa ugnayan ng wika at kulturang Filipino. May iba’t ibang aspekto
ang ugnayang ito ngunit itinatampok ang pagtingin sa wika bilang “daluyan” o
“sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi humihinto ang pananaw na ito sa
enumerasyon lamang ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang
sagisag-kulturang Filipino, at sa halip, laging iginigiit na ang kultura ay dinamiko,
kolektibo, at may ginagalawang konteksto (Zafra, 2016). Malinaw na ang wika ay
isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob
na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap
niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at
maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan,
maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika
sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay
kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang
pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga
damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.

Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan pero ang
pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas,
Philippine Daily Inquirer
2016). Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa panahon
ngayon ang pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga
propesyong may kinalaman dito. Ayon kay (Mangyao, 2016) ang wika ay
dynamic
o patuloy na nagbabago sa katagalan ng panahon ito ang nagiging sanhi ng
pagkalimot o hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang
modernisasyon sa nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o
pag usbong ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas
(Reyes, 2016).

Reference:
https://www.academia.edu/39807149
https://scholar.google.com.ph/scholar?
hl=en&as_sdt=0,5&as_vis=1&qsp=2&q=wika+filipino&qst=ib#d=gs_qabs&t=16536
28864730&u=%23p%3DwFpnNKekGJ4J
CHARIZ

CHARIZ
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Dalumat

Ang dalumat ay Isang salita na bago sa pandinig sa bagong


henerasyon. Isang salita na mayroong malawak at iba`t ibang
kahulugan. Ang salitang pagdalumat ay mula sa salitang ugat na dalumat na
kinakabitan ng panlaping pag, na ang ibig sabihin ay susi, masinop, kritikal, at
analitikal. Ito ay
Ang kakayahan na mag-isip ng malalim. Naglalaman ng ibang pag-unawa sa mga
payak na paksa o partikular na sitwasyon ng tao. Ang DALUMAT-SALITA ay ang
makabuluhang paggamit ng wika. Nagsisimula ito sa pinakaugat na kahulugan ng
salita at madalas nagbubunga ng iba't ibang kahulugan. Pagdadalumat- salitang tungo
sa pagteteoryang Filipino. sang mahirap at mabusising gawaing akademiko, ang
pagbibigay ng sariling pagkakahulugan sa isang salita na naglalayong bigyan ng
makabuluhang gamit na naaayon sa napapanahong
sitwasyon o umiiral na kultura ng isang lugar. (Quijano, Ma. Lourdes. et.al ) Ang
dalumat ay pagkakaroon ng kakayahang mag isip ng malalim. Hindi ito basta basta
simpleng mga salita, pangangatwiran o pag iisip na madalas na ginagamit ng mga tao.
Kadalasan ito ay ang pagsasaad ng ibang kahulugan sa mga simpleng salitang paksa o
partikular na sitwasyon ng isang tao. Ito rin ay nangangailangan ng matindi at
malalim na pag iisip at kinakailangan ng imahinasyon upang maintindihan ang
salitang dalumat. Tulad na lamang sa pagsagot ng tanong na ito, kinakailangan mong
lawakan ang iyong imahinasyon na mag isip na mag isip kung ano ang tunay na
kahulugan ng salitang dalumat. Ang dalumat ay salita rin ang pag gamit ng wika sa
mataas na antas. Ito ay ang pag teorya na may kabataan sa masusi, kritikal at kritikal
na pag gamit ng salita na umaayon sa ideya o konsepto na malalim na kadahilanan o
uri ng pag gamit nito. Nagsisimula ito sa ugat na dahilan o kahulugan ng isang salita
at madalas nag ugat o nagbubunga ito ng iba't ibang sangay na kahulugan ng salita.
Ito ang pagtatangkang teoretikal, alinsunod sa paglikha ng bagong salita at
katuturan nito. Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas
ng
pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng
mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa
malalimang pag-uuri’t paggamit nito. Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan
ng salitang ugat at ang varyasyon ng mga pagbabanghay ng salita na nagluluwal
ng sanga-sangang kahulugan (Nuncio at Morales-Nuncio 2004: 167). Humihiwalay sa
lexical o diksyunaryong kahulugan lamang ang salita at nililirip ito sa antas ng
interpretasyon.

https://www.coursehero.com/file/88010370/DALUMATFILdocx/
https://www.studocu.com/ph/document/sti-college/marketing-management/dalumat-
ng-sa-filipino/20729436
CHARIZ

CHARIZ

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Pagdadalumat

Ang salitang pagdadalumat ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na dalumat. Ang


salitang ito ay malalim na tagalog at bihirang gamitin sa araw araw na
pakikipagkomunikasyon. Ito ay tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga
konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay bagay sa lipunan. Isa rin
itong maagwat na prosesong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim
at mapanuring pagbasa, pagsulat, atpananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng
bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Ayon kay (Nuncio, 2018), pagdalumat ang
tawag sa proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa mga lantay o ipinahiwatig ng isang
salita. Dagdag pa niya, madalas ginagamit lamang ang mga ito para makabuo ng
matino’t makahulugang pahayag o ekspresyon para makipag-usap.

Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya


batay sa masusi, masinop, kritikal, at analitikal na paggamit ng mga salitang
kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri't
paggamit nito (Nuncio, 2018). Napakahalaga ng wika sa paggawa ng dalumat dahil
ito ang nagsisilbing tulay upang makipag komunikasyon sa ibang tao. Kung hindi
tama ang paggamit ng wika sa pagdadalumat ay maaari itong humantong sa hindi
pagkakaunawaan at pagkakaroon ng maling impormasyon.

https://kritikasatabitabi.wordpress.com/2009/12/06/pagdalumat-salita-tungo-sa-
pagteteoryang-filipino/
https://www.academia.edu/43202186/PAGDADALUMAT
CHARIZ

CHARIZ

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Batayang Teoretikal
Ang batayang teoretikal o theoretical framework sa pagsasaliksik ay isang gabay na
syang kumakatawan at nagpapatatag sa isang pagaaral. Nakapaloob dito ang teorya na
ginamit sa pananaliksik at pinapaliwanag din dito kung bakit nakapailalim sa isang
partikular na teorya ang isang pag-aaral. Dito rin nakapaloob ang mga depinisyon ng
mga konsepto, proseso at mga terminong kaugnay ng batayang teoretikal. Nakapaloob
din dito ang malinaw na basehan sa pagpapakahulugan sa kahalagahan ng pag-aaral--
kung bakit mahalaga ang research ayon sa binasehang teorya. Ito ay para magbigay
kahulugan o depinisyon sa mga konseptong ginamit sa pananaliksik busisiin at
tingnan ang kaugnayan ng mga teorta at kung kailang ang pagsamasama nito sa iisang
conceptual framework pagpapaliwanag sa mga gustong aralin ng pananaliksik at mga
assumptions nito.

Ang teoretikal na balangkasay ang pagsasama ng mgaantecedents, mga


nakaraangpagsisiyasat atpagsasaalang-alang sateoretiko kung saannakabatay ang
isang proyektong pananaliksik, pagsusuri,hypothesis o eksperimento, na pinapayagan
ang interpretasyon ng mga resultaat pagbuo ng mga konklusyon.Ang teoretikal na
balangkas,
na tinatawag ding frame ngsanggunian, ay ang teoretikal,konteksto o ligal na
suportang mga konsepto na ginamit upang magdulot ng problema sa pagsisiyasat. Sa
pagsasama-sama ng impormasyon na ito, ang
isang pagtatangka ay ginawa din upang ipakita ang kontribusyon ng nobela na
dadalhin ng proyekto ng
pananaliksik sa kani-kanilang lugar ng kaalaman.

Teoryang Eureka! - Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na
ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang
ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis
CHARIZ
na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga
bagay-bagay (Boeree, 2013).

Teoryang Biblikal
Ang teoryang ito ay nagmula sa banal na kasulatan, ang Bibliya. Sinasabi sa bibliya
na noong unang panahon ay iisa lamang ang wika, at ang lahat ng tao ay
nagkakaintindihan. Ang mga tao ay sama-samang naglalakbay hanggang sa marating
nila ang kapatagan sa Shinar. Nagpasya silang doon manirahan at napasyang magtayo
ng isang tore na aabot hangang langit. Ninais nilang higitan ang sino man at ninais na
maging kapantay ang Diyos. Nagalit ang Diyos at sinira ang nasabing tore na sa
kinalaunan ay tinawag na Tore ng Babel. Kaugnay ng pagsira niya sa tore ay
nagpasya siyang guluhin ang wika ng mga tao. Dito nag-ugat ang pagkakaroon ng
magkakaibang lengguwahe.

Sa teoryang biblikal, pinaniniwalaang nagkaroon ng iba’t-ibang wika ang mga tao


bilang kaparusahan sa paghahangad nilang maghari dito sa daigdig.

Teoryang Innative
ito ang teoryang nagsasabi na ang pagkatuto ng wika ng bata ay batay sakanyang
angking likas na kakayahan.Noam Chomsky, ipinaliwanag niya na ang kakayahan sa
pagkatuto ng wika ay kasama na mulapagkasilang na umuunlad sa pakikinig-
interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyan hugis ang kaniyang
sosyo kultural.

https://www.pinoynewbie.com/teorya-pinagmulan-ng-
wika
/https://www.academia.edu/39401847/Mga_Teoryang_ng_Pinagmulan_ng_Wika
https://www.coursehero.com/file/p7s33ku/Eureka-Sadyang-inimbento-ang-wika-
ayon-sa-teoryang-ito-Maaari-raw-na-ang-ating/

https://tl.encyclopedia -titanica.com/significado-de
https://otak.tips/ano-ang-batayang-teoretikal-sa-pananaliksik.html
CHARIZ

Emilohiya

Ang salitang CHARIZ ay isang slang na salita at pinasikat ng salitang ng tiktoker at


"vlogger na si Ruzzel Ramos Juanillo" o mas kilalang "Burdagul" Naging sikat at
patuloy na ginagamit ng mga tao dahil tayong mga Pilipino ay kilala bilang
masayahin at mapagbirong tao kaya ang salitang ito ay naging sikat sa atin dahil likas
sa atin ang pagiging mapagbiro. Ang chariz ito'y isang salita na nangangahulungan
joke or sa Ingles "Just Kidding". Na kung saan madalas itong ginagamit pag may
halong pagkakatuwahan Ang pinaguusapan. Ito din ay Maaari kang maging kasing-
brutal na tapat at dramatiko hangga't gusto mo; ang kailangan mo lang gawin ay
magdagdag ng "chariz" sa dulo upang gawin itong medyo Hindi nakakasakit. At
namayani ito dahil naging mas madalas na gamit ng mga kabataan ang salitang ito
kapag nag bibiruan o kaswal na nag uusap. kadalasan ginagamit din ito upang mag
labas ng saloobin sa isang tao ngunit binibigyan diin nila o nilalagyan ng salitang
CHARIZ
CHARIZ upang hindi masaktan ang damdamin ng taong pinatutungkulan at maging
mukhang pabiro nalamang ang kanilang binigay na opinyon sa taong iyon.

https://www.rappler.com/life-and-style/arts-culture/slang-words-we-learned-2021/

CHARIZ

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Lipunan

Ang salitang “ Chariz” ay karaniwang ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang


araw-araw na buhay. Ang salitang ito ay pinauso ng mga LGBTQ+ members at
ginaya na ng karamihan. Nag simula ito sa salitang “Charot” naging “Chena” at
bandang huli ay naging “Chariz”, halos lahat ng ito ay maririning mo sa mga kabataan
CHARIZ
ngayon kaya lumaganap ito lalo. Madalas nila itong gamitin sa kanilang mga social
media outlets upang makipag komunikasyon sa kanilang mga kaibigan at iba pang
tao. Isa ang “Chariz” sa mga bagong salita na sikat at palaging binabanggit ng mga
kabataan sa panahon ngayon. Kapag ang isang grupo ng mga magkakaibigan ang
nagsama-sama upang magkwentuhan ay paniguradong maririnig mo ang salitang
“Chariz” sa kanilang usapan. Ang “Chariz” ay karaniwang nangangahulugang
"nagbibiro lang," isang madaling gamiting salita na maaari mong ilagay sa dulo ng
anumang pangungusap upang mabawi ang anumang kaseryosohan. Maaari kang
maging tapat o sarkastiko hangga't gusto mo; ang kailangan mo lang gawin ay
magdagdag ng "Chariz" sa dulo. Kadalasan ding ginagamit ito kapag may halong
katatawanan ang isang usapan at ginagamit din ito upang mag labas ng saloobin sa
isang tao ngunit binibigyan diin nila o nilalagyan ng salitang “Chariz” upang hindi
masaktan ang damdamin ng taong pinatutungkulan at maging mukhang pabiro na
lamang ang kanilang binigay na opinyon sa taong iyon. Napakalaki ng epekto ng
salitang “Chariz” dahil hindi lamang ito simpleng salita na nangangahulungang “biro
lamang”, bagkus ito ay nagiging instrumento o daan upang mas maging matalik ang
samahan ng mga magkakaibigan. Itong salitang ‘to ay hindi na masasabing bago-bago
pa dahil ito ay nagagamit na ng nakararami dahil sa impluwensiya ng social media, at
ito'y madaling natutunan gamitin ng mga nakararami lalo na ang mga kabataan.

CHARIZ

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kultura
CHARIZ
Ang salitang chariz ay nagpapakita ng kultura ng mga Pilipino sa pagiging
masayahin. Tuwing sila ay nagpapatawa ginagamit nila ang salitang ito sa
kadahilanang sa pabirong paraan sila nagbibigay ng kasiyahan. Nakagawian na ng
mga Pilipino gamitin ang salitang ito sa pagbibigay ng saya sa mga kapwa nila
Pilipino. Makikita sa salitang ito ang kulturang pagiging palatawa ng mga Pilipino sa
kahit ano naman suliranin o problema hindi natitinag ang kanilang kasiyahan.
Lumalabas Ang pagka-kultura Ng salitang chariz pag ito ay kadalasan binibigkas Ng
mga Pinoy Ng buong-buo na sinasaisip ito Ng Isang tao na may dinadala itong saya at
patawang kausap
CHARIZ

CHARIZ

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kaisipan

Ang mga pilipino ay mahilig maki iso sa mga bagong nagaganap sa ating lipunan
kapag narinig nila Ang Isang salita ay tiyak na gagamitan na nila ito Tulad na lamang
Ng salitang "chariz” na pinauso Ng Isang TikTok influencer karamihan sa mga
ginagamit Ng salitang ito ay Ang mga kabataan kapag sila ay nakikipag biruan sa
ibang tao o sa kanilang kaibigan.

"Chariz" ay ang pinakabagong pag-ulit ng "charot," isang terminong dapat nating


isaalang-alang ngayon bilang beteranong slang. Karaniwang nangangahulugang
"nagbibiro lang," isang madaling gamiting salita na maaari mong isampal sa dulo ng
anumang pangungusap upang mabawi ang anumang kaseryosohan. Maaari kang
maging kasing-brutal na tapat at dramatiko hangga't gusto mo; ang kailangan mo lang
gawin ay magdagdag ng "chariz" sa dulo upang gawin itong medyo mas self-effacing.
(Kung iyon man ay isang magandang bagay o isang masamang bagay.

karamihan sa mga gumagamit nito ay ang mga kabataan dahil na rin sa impluwensiya
ng social media. sa paglipas ng panahon napakarami ng makabagong mga salita na
ating natututunan at unti-unti na din nababago ang ating wika.

You might also like