You are on page 1of 5

2.

Ano ang persepsyon ng ibang pangkat sa inyong katutubong wika at paano ito
nakaapekto sa inyong sarili at maging sa pamumuhay?

Tema: Kilanlan ng wika tungo sa pagbabago nito

Intro:

Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura ang katutubong wika. Nagbibigay ng

kakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Nakapaloob ang mga

wikang ito sa tinatawag na Language Family o mga wikang magkakaugnay at may

iisang pinag-ugatan. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsanga-sanga sa iba pang

wikang ginagamit sa iba’t ibang bahaging daigdig. Sa pangkat etnolinggwistik ay may

pagkakapareho ng kultura at paniniwala. Ang isang bansa o lugar ay kadalasang

binubuo ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko. Tulad ng bagobo tagabawa na kahit

iba-iba ang lugar na pinanggalingan ay nananatili ang pagreserba ng katutubong wika.

Hindi maiiwasan na magkakaroon ng pagbabago sa buhay dahil sa impluwensiya sa

kapaligiran, na kahit malimit na magamit ang unang wika ay bakas pa rin ang salamin

ng katotohanan na ito ay susong wika.

Nagpuyo mi sa Astorga, Davao del Sur

Dugay dugay napud

Nanghawa mi didto kay pait ang panginabuhi. 1T4-6

Ang paglipat ng lugar ay hindi sa kadahilanang limutin ang katutubong wika

kundi takasan at lisanin ang pait ng buhay at harapin ang pagbabago ng pamumuhay.

Ang pagbabago ng pamumuhay ay maaari ding makaapekto ang sitwasyong pangwika


nito dahil sa paligid o sa komunidad na ginagalawan nito. Sinusuportahan din ito sa

pahayag ng ika-2 impormante.

sa Catigan, Toril mi nagpuyo

sukad gepanganak ko

kay naminyo ko maong nihawa ko didto. 2 T4-6

Ang ikalawang impormante ay nananatili ang tatas ng pagsasalita ng katutubong

wika sapagkat napadpad ito sa kasalukuyang lugar nang mag-asawa. Maaaring

mabago ang tono at diin ng pagsasalita dahil sa kasalukuyang tinitirhan bagama’t ang

pag-unawa at paggalang sa susong wika ay napapahalagahan. Tugon rin sa sinabi ng

ikatlong impormante gaya nang una at ikalawa.

sa kapatagan, Davao del Sur

since birth, estimated 65 years old

tungod sa edukasyon

Hindi maitatangging wika ang isa sa mga natatanging dahilan kung bakit tayong

mga Pilipino maging ang ating bansa ay may sariling pagkakakilanlan. Ayon kay Marisol

Mapula kanyang inihayag na ang kaalaman sa wika ay mabisang lunas sa epidemiyang

kamangmangan na nararanasan ng iilan. Tayo ay mapalad dahil sa pamanang

kasarinlan na handog ng nakaraan at kasabay nito ang pagkakaroon natin ng sariling

wika. Naniniwala akong mahalaga ang wikang Filipino at panitikan sa pagpapalalim,


malikhain at mapaglayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan sa anumang

larangan, ang pagbibigay halaga sa ating wika ay isang napakalaking prebilihiyo sa

pagpapalawig ng mga teorya at ang tunay na silbi nito sa pamantasan, bansa at sa

buhay ng bawat indibidwal.

Ang wika ay lenggwahe ng isang lipon ng mga indibidwal sa lipunan na

ginagamit upang magkaunawaan at makapagpapahayag na mayroong code na

sinusunod. Ang pagkakaiba ng code ay batay sa gamit at layunin ng paggamit nito. Ang

mga gumagamit ng wika ay may kalayaang pumili ng ekspresyon na aangkop sa

kanilang panlasa at ninanais, subalit kailangan rin naman na ito ay naaayon sa

pinagkakaisahang kumbensyon ng komunidad o kultura. (Cruz, 2004). Sa pag-aaral na

ginawa ni Atienza (2007), mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang antas ng wika

nang sa gayo’y mabigyan niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at

pook at maging sa okasyong dinadaluhan. Ang wika ay nahahati sa kategoryang pormal

at impormal. Ang pormal ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at

ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Ang impormal

naman ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas gamitin sa

pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

Sa pag-aaral din ni Austero (1999), ang pagbabago ng wika ay normal. Dahil sa

pagbabagong nagaganap sa mundo, ang dating malaking mundo ay iisang komunidad

ng bansang dala ng globalisasyon. Ang wikang nilikha sa panig o bahaging iyon ng

mundo ay nadadala at naitataboy sa maraming bansa. Ang pagbabago sa Lexicon,

ispeling at pagbabagong bihis ng mga salita ay tumutugon sa kung ano ang

kasalukuyang panahon sa makabagong pag-aaral, walang sinasabing kaantasan ang


wika. Nagkakaiba lamang ito sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit ng mga taong

nagsasalita, depende sa sitwasyon ng pag-uusap, kultura ng taong kausap, pook na

pinangyarihan ng pag-uusap at paksa ng pag-uusap. Sanhi ito ng pagiging superior ng

wika sa kultura ng mga taong gumagamit nito.

Mahalaga na ang katutubong wika ay huwag kalimutan dahil naging mulat tayo

sa katotohanan na siyang nagbibigay buhay ng bawat isa. Bagama’t, sinasabing

nagbabago at dinamiko ang wika, Alinsunod kay Sauco (1998). Nagbabago ito kasabay

ng pagbabago ng panahon at pandaigdig na pagbabago. Ang wika ay mahalagang

bahagi sa pagsulong ng kabihasnan sa alinmang panig ng daigdig. May sariling

kakayahan ng wika o kultura ng isang bansa. Ang sining, panitikan, karunungan,

kaugalian, kinagagawian, at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura.

Sa wikang kanilang nalilinang masasalamin ang kanilang adhikain, pangarap, saloobin,

damdamin, kaalaman, pilosopiya, paniniwala, moralidad, at karanasan. Kung gayon,

ang wika at kultura ng mga mamamayan ay magkaugnay at hindi maaaring

paghiwalayin. Ayon kay Agcaoli, halaw kay Guanzon (2006) na dinamiko ang wika.

Hindi ito maaaring magbago, bunga ng pagiging malikhain ng tao, nakakalikha sila

ngmga bagong salita. Dahil sa inobasyon o mga pagbabago ng mga pangyayari at

karanasan, nagbabago nito pati ang kaisipan at maging pananalita ng mga tao.

Maaaring magbago ang tunog at balarila ng isang wika. Napapalitan at nararagdagan

ang mga salita.

Sa pag-aaral ni Perigrino (2002), sa paggamit ng ibang wika, hindi maiiwasan

magkaroon ng ilang pagkakamali o linggwistikong interferens sa tono, pagbuo ng mga

salita o grammar dahil nariyan ang impluwensiya ng una o katutubong wika.


Mapapansin ito sa mga Bisaya, Bikolano, Ilonggo na nagsasalita ng wikang Filipino,

may pagkakaiba ang kanilang tuldik, tunog at balarila.

You might also like