You are on page 1of 1

Name: Mary Joyce Dela Cruz BS in Applied Mathathematics

“Kaugnayan ng Wika sa Pananaw-mundo, Kultura at Identidad”

Ayon sa mga naibigay nababasahin sa modyul, ang wika ay maaaring makaapekto sa paraan ng
pag-iisip ng isang tao. Sa pag-aaral na isinagawa ni Prop. Athanasopoulos ng Lancaster University
ikinumpara niya ang mga nagsasalita ng magkaibang wika partikular na ang Ingles at German. Ayon sa
kanya, mayroon kapansin-pansin na pagkakaiba sa pagpapaliwanag gamit ang dalawang wika. Sa mga
nagsasalita ng wikang German mas binibigyan ng pukos ang pagbanggit ng mga karagdagang detalye na
makakatulong sa mas malalim na pag-unawa upang maiparating ng buo ang pinag-uusapang paksa.
Mahihinuha dito na ang pananaw mundo ng mga German ay ‘holistic’ sapagkat sa kanilang wika kailangan
makapagbibigay sila ng buong ideya at layunin gamit ito. Sa kabilang banda naman, ang mga taong
nagsasalita ng wikang Ingles ay hindi gaano madetalye sa paglalarawan at binibigyan diin lamang ang
galaw at pangyayari ng pinag-uusapan. Lahat ito ay resulta ng ugnayan ng wika at pananaw mundo.
Samakatuwid, bunga ng iba’t ibang katangian at estraktura ng wika may samu’t saring paraan kung paano
maipaparating ang mga mensahe at nagkakaapekto ito sa pananaw o kaugalian ng isang tao sa kanyang
kapaligiran.
Ang kultura ng isang bansa o ng mga taong nabibilang sa isang grupo ay masasalamin sa wika.
Ang pilipinas ay isang bansang may napakaraming wika kaya hindi maiiwasan ang mga kaunting
pagkakaiba sa paggamit nito. Inilarawan ni Galileo Zafra na ang wika bilang “sisidlan” o “daluyan” ng
kultura. Ang pinakamahalagang pakinabang ng wika sa kultura ng bansa ay sa mga produkto, praktika, tao,
pamayanan, pananaw na bumubuo ng kultura. Ayon sa isunulat ni Zafra, ang wika ay nasa lahat ng aspeto
ng kultura kung saan ang mga miyembro ng kultura ay lumilikha at gumagamit ng wika para tukuyin at
iorganisa ang mga produkto, pangkulturang gawain, at para bigyan katawagan ang mga nakapailalim na
pangkulturang pananaw. Nagpapakita ito na upang maintindihan ng lubusan ang kultura ng isang grupo
dapat isaalang-alang din ang pasusuri sa wikang ginagamit nila.
Ang wikang ginagamit ay maaaring maging isang instrumento upang malaman at maunawaan ang
pinagmulan at pagkatao ng isang indibidwal. Wika ang maghihiwalay at magsisilbing kakilanlan ng isang
bansa o grupo ng tao at hindi maitatanggi na sa iba’t ibang wika may kanya-kanyang batayan at konsepto
kung paano magagamit ito ng epektibo at naaayon sa napagkasunduang kondisyon ng mga taong
nagsasalita nito. Kung kaya’t malalaman ang ilang katangian ng taong nagsasalita batay lamang sa
ginagamit na wika nito. Ito ay dahil may pagkakaiba ang wikang ginagamit maaating batay ito sa uri o antas
ng pamumuhay, lugar na pinagmulan, kasarian, uri ng trabaho o propesyon at edukasyong natamo. Gamit
ang wika malalaman ang lugar na pinagmulan ng isang tao o kaya ang kanyang etnisidad.
Ayon kay Jones (2004) ang etnisidad at lahi ng mga tao ay maaari ring makaapekto sa paggamit
ng wika at paglalarawan sa wika. Ang mga salita kagaya ng “haligi ng tahanan”, “ilaw ng tahanan”, at
“maybahay” ay mga salitang nagbibigay kakilanlan ayon sa kasarian. Ang wika ay nagbibigay din ng
munting impormasyon kung anong henerasyon o edad nabibilang ang isang tao. Sa kabilang banda may
mga salita noon na hindi na ginagamit ngayon. Ito’y dulot ng patuloy na pag-usbong wika sa Pilipinas.
Nakakalumo man aminin na unti-unti nang napapalitan ang mga tradisyonal o orihinal na wikang ginagamit
noon ng mga makabago at inibentong bagong salita ngayon dapat parin tayong magpunyagi sapagkat ito’y
nagpapakita na ang wikang Filipino ay patuloy na umuunlad at nagkakaroon ng bagong identidad ayon sa
pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon.
Sa pagtatapos, mahihinuha sa aralin na ito, na ang wika ay hindi lamang simpleng kombinasyon
ng mga simbolo at salita na ginagamit ng mga tao upang makipagkomunikasyon ngunit isa rin itong
napakamakapangyarihan salik na dapat pagtuonan ng pansin kapag nais na maunawaan ang pananaw-
mundo, kultura at identidad ng isang bansa o grupo ng tao.

You might also like