Mateo, Ron Oliver - REPLEKSYON

You might also like

You are on page 1of 1

Ron Oliver F.

Mateo
1EDFIL2B

PLMAR FACULTY CONCERT “INSAYAWIT”


Ika-31 ng Enero taong 2023, idinaos ng Pamantasan ang isang programang para sa lahat
ng mga tao, ang concert ay itinakda sa lugar ng Marikina teatro na pinangunahan at pinuno ng
maraming mag aaral ng Pamantasan, mapa ito man ay nasa senior high school o kolehiyo, hindi
man taga Marikina at mga taga Marikina, dito pinamalas ng mga nag gagalingang mga
estudyante at guro ang nasabing concert. Halos mag gagabi na ng makapasok kame sa nasabing
lugar, sa sobrang daming tao ay naurong ang oras na nakatakda sa aming seksyon o pangkat, ika-
5 at kalahati ng hapon ng kami ay makatungtong sa loob at naghintay para mapuno ang nasabing
lugar.

Saktong ika-6 ng gabi ng pinasimulan ito ng isang taimtim na panalangin, pagkatapos ay


maghiyawan ang mga estudyante bilang hudyat na ang programa ay nagsisimula na, nag bigay
ng masigabong palakpakan ng ipakita ang kasaysayan ng Pamantasan, isang napaka
makabuluhang istorya na malinaw parin sa aking isipan, sinundan ito ng mga kantahan at
sayawan ng mga guro at estudyante, iba’t ibang emosyon ang dumanak sa aking katawan,
nagsigawan sa tuwa at galak, kasabikan sa mga magpeperform, pinakitang gilas ng mga guro ang
pag-awit sa mga awiting pang 90’s, awiting matatawag ding mga klasiko ng nakaraan, labis ang
tuwa ko ng alam ko ang mga awitin ng mga nag pakitanggilas, nakisabay ako sa mga kantahan
sapagkat ito ay nakakaengganyo, isa, dalawa, tatlo, di ko na alam kung ilang mga tao ang
umapak sa entablado, ang alam ko lang ay nasisiyahan ako sa mga talento ng mga nasa
entablado.

Ilang oras ang lumipas at hindi ko na napansin na matatapos na ang programa, sa


madaling sabi ay nabitin ako sa probrama, sapagkat alam kong matagal pa ang susunod dito,
ngunit bago matapos ang probrama, binigyan kami ng pagkakataon upang masaksihan ang isang
mang-aawit ng aming henerasyon, ito ay si Monty Macalino ng mayonnaise, inawit nya ang
isang awit na tumatak sa puso ng mga Pilipino na isinulat ni Ely Buendia ang Huling El Bimbo
ng Ehead, ito naman ay sinundan ng awiting Jopay na isinulat ng mismong mang-aawit, natapos
ang concert ng nagalak na ako’y nakapunta at nasulit ko ang akin 100 piso, nais ko ulit itong
masaksihan sa mga susunod na taon, sapagkat alam kong sa mga susunod na taon ay aabot ako sa
hangganan ng taon ko sa kolehiyo, nais ko na masulit ang nalalabi kong oras sa paaralan,
hangang dito na lamang ang aking repleksyon. Salamat.

You might also like