You are on page 1of 3

ERNANI JOSON CUENCO: MUSIKO

Belen:
Hijo, parang palagi kong naririnig na hinihimig moa ng tugtuging iyan?
Ernani:
Opo, ninang! Sa dalas ko pong marinig ito sa bawat desposorio na aking nasaksihan ay
halos nakabisa ko na po. Tuwang tuwa po ako sa Tata Juan kapag tinutugtog niya ito sa
kaniyang silindro. Minsan naman po ay sa bandang sumasaliw sa mga mananayaw na taga doon
sa amin sa Tikay. Naiinggit nga po ako, ninang, at ewan ko parang gusto ko ring maging
musikong katulad nila.

Belen:
Taga-Tikay ka nga, bukod sa magagaling magsi-arte sa Cenaculo, magaganda ang boses
ay magagaling ring mga musiko…Gusto mob a talagang maging musiko?

Ernani:
Kung may pagkakataon lang nga po, ninang…gusto ko pong maging musiko…
Belen:
Wag kang mag-alala, patuturuan kita sa kay Bb. Jovita Tantoco sa pagtugtog ng piano.
Malapit lang naman iyon dito, sa likod lang ng simbahan iyon kaya di ka mahihirapan.
Siguradong ito na ang magiging umpisa ng iyong pangarap…

Naratibo:
Isinilang si Ernani Joson Cuenco sa nayon ng Tikay, bayan ng Malolos noong ika-10 ng
Mayo 1936, kina Felix Cuenco at Maria Joson.
Lumaki si Ernani sa nayong hitik sa sining at tradisyon. Tulad ng kaniyang mga ninuno,
naging masugid siyang tagasubaybay ng isang linggong pagtatanghal ng tanyag na Cenaculo
tuwing mahal na araw. sa bakanteng lupain na malapit sa kanilang tahanan ay gabi-gabi niyang
pinapanood ang pag-eensayo ng grupong cenaculista, tutok ang kaniyang pakikinig sa mga
punto at tono ng bawat personahe…maragsa, matapang, tagulaylay. Nararamdaman niya ang
taglay na emosyon ng bawat linyang binibigkas ng bawat personahe. Palihim ay pinapanood
niya ang akademiya ng musikong sasaliw sa pagtatanghal…ang funebre…ang pasadoble. Lahat
ng ito ay natimo sa kaniyang murang isipan at magiging bahagi ng kaniyang sining na ganap na
magpapaibig sa kaniya…Musika…

Belen
Hijo, eto ang baon mo pagpasok sa Immaculata. Pagkayari ng iyong klase ay didiretso ka
sa tahanan ng Nana Jovita, naabisuhan ko na siya, tuturuan ka niyang tumugtog ng piano.

Ernani:
Salamat po, Ninang Belen…

Naratibo:
Tuluyan na ngang nagumon sa pagkahilig sa musika si Ernani, pagkatapos ng pag-aaral sa
Malolos ay agad siyang lumuwas ng Maynila at nagpatala sa tanyag na Conservatorio ng Musika
sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Kumuha siya ng kursong Batsilyer sa Musika, pagkadalubhasa sa
piano at cello.
Ang simpleng taga-Tikay ay nag-umpisa ng tahakin ang kaniyang kapalaran…
Kakambal na nga yatang talaga ni Ernani ang musika…umaga at araw ay pagtugtog at
paglikha ng musika ang kaniyang ginagawa…naging cellist siya ng Manila Symphony Orchestra
at Filipino Youth Symphony Orchestra kung saan higit na nahasa ang kaniyang husay at galing sa
pagtugtog. Naging mahusay din siyang guro ng musika.
Ngunit, nakatadhana nga marahil talaga ang kakaibang kapalaran para kay Ernani. Ang
buhay niya ay musika…ang kaniyang himig ay mga tonong pumapalaot sa mga nakikinig, ang
kaniyang emosyon ay mararamdaman sa bawat diin, lungkot at ragsa sa bawat nota ng
kaniyang mga obra.
At tulad ng Cenaculo ng Tikay, langkap sa kaniyang mga komposisyon ang damdamin ng
bawat personahe…pag-ibig, pagkasawi, pagkabunay at tagumpay.
Kung sa cenaculo ng Tikay ay isa lang siyang paslit na manonood…ngayon siya ay siya ng
pinapanood, hinahangaan at pinapalakpakan. Ang dating entablado sa kaparangan ng Malolos
ay isang tanghalang naglalakihan, awditoryum na puno ng manonood at kalaunan ay sinehang
puno ng manonood na humahanga sa bawat pagsaliw ng kaniyang musika sa mga tampok na
pelikulang itinatanghal.
Ilang pelikulang tagalog ang sinaliwan ng musika ni Ernani, ilan ditto ay nagkamit ng
karangalan at kinilala sa pinilakang tabing. Tuluyan na ngang pumilanglang ang kapalarang
itinakda para kay Ernani. At kawangis ng ilang liriko at emosyon sa kaniyang mga komposisiyon,
siya ay umibig at nagpakasal sa kapwa-musiko, Magdalena Marcial at biniyayaan ng dalawang
anak.
Sa gitna ng tinamasang tagumpay…ang ningning ng katanyagan ay nabalam ng siya ay
dapuan ng karamdaman, Hanggang sa banig ng kamatayan ay musika ang waring kaniyang
kaagapay…awit at himno sa Inang Patrona ng Malolos kanyang inuusal hanggang bawian ng
buhay noong ika-11 ng Hulyo 1988.
Sa kaniyang pagpanaw ay nalumbay ang bayan, buong Tikay ay nagluksa sa kaniyang
pagkamatay….Ngunit sandali…pisikal na anyo lamang ni Ernani ang nawala, sapagkat liban sa
mga immortal na mga komposisyon, buhay na patotoo ang kaniyang mga anak na katulad niya
ay nagmahal sa musika.
Kontrobersiyal man ang sinasabing pagkakaloob ng parangal kay Ernani, dahil paborito
siyang tagalapat ng musika diumano ng batikang actor sa mga pelikulang ginawa nito at noon ay
nataong nanaunungkulang pangulo ng Pilipinas, Joseph Ejercito Estrada…nanaig pa rin ang
katotohanang siya ay karapatdapat kilalanin bilang si…
ERNANI JOSON CUENCO, Pambansang Alagad ng Sining sa Musika

You might also like