You are on page 1of 1

DECAMORA, STEPHEN NICOLAI A.

                                                                    2EDFIL4A
BSED Major in Filipino 

PLMAR 20th Foundation Week


Noong nakaraang linggo Pebrero 27 – Marso 2, 2023 ipinagdiriwang ang ika-
dalawang pung anibersaryo ng Pamantasan ng Lunsod ng Marikina PLMAR na may
temang, "#BenteAnyos! — Dalawang Dekada, Handog ay Pag-Asa.” Sa unang araw ng
pagdiriwang ay isinagawa ang Opening of Exhibit and Workshop, Voice Workshop,
Spoken Poetry at Basic Dance Workshop. Sa ikalawang araw, sa ating Pamantasan ay
may isingawang Nature Walk, Palihan (workshop), Ani ng Sining sa PLMar, Usapang
Artes sa PLMar. Seminar, Sining Siklab, Samot-saring Galaw, Himig at Instrumento.
Ang ikatlong araw ay nag simula sa Flag Ceremony na sinundan ng Color Fun Run at
ang pang huli ay ang Coachella.
Ang isa sa aking pinaka nagustuhang bahagi ng anibersaryo ng ating
Pamantasan ay ang tinatawag na Coachella. Ang gabing iyon ang isa sa hindi
malilimutang gabi ng aking buhay, ako ay nagtungo noong gabing iyon hindi dahil
kailangan o “required” na tinatawag ngunit nag punta ako roon upang mapahalagahan
at maparangalan ang pagdiriwang ng ating pinakamamahal na Pamantasan. Noong
gabing iyon ay aking nasaksihan ang iba’t ibang klase ng pagtugtog ng mga banda na
nagmula sa iba’t ibang departamento ng ating Pamantasan. Aking nasaksihan sa buong
gabing iyon kung gaano kahusay ang mga umakyat sa entablado at nag pakitang gilas
upang ibahagi sa atin ang kanilang kakaibang talento. Hindi maipagkakaila na ang ating
Pamantasan ay ang tahanan ng mga mahuhusay.
Ako ay natutuwa na maging bahagi ng ika-dalawang pung anibersaryo ng PLMar
sapagkat para sa akin ay isang karangalan ang maging parte ng isang prestihiyosong
selebrasyon. Matapos ang dalawang pung taon ay patuloy na ibinabahagi sa atin ng
ating Pamantasan ang kanyang buong kagandahan at kahusayan sa pang-araw-araw.
Bilang isang mag-aaral ako’y lubos na nag papasalamat sa bawat araw na aking
ipinagpapatuloy ang aking pangarap sa paaralang ito, ay lubos kong nauunawan ang
kahalagahan ng kaalaman na aking tutukalasan. Ang aking dalangin ay hindi lamang
pumasok sa aking isipan ang mga natutuhan kundi aking maisagawa bilang isang guro
sa tamang panahon.

You might also like