You are on page 1of 2

Gawain 4 Pagsusuri sa Isang Halimbawa ng Lakbay-Sanaysay

Saliksik Wika sa Cebu

ni Leo L. Cantillang

Lakbay-Sanaysay

Maingat ang hawak ko sa maleta at maliit na bag na nakasabit sa aking katawan


habang papasok sa Airport. Kinakabahan at pinagpapawisan dahil unang paglalakbay
ko sa bahagi ng kabisayaan. Taong 2014, huling araw iyon ng Setyembre, kasama ko
ang kapwa ko mananaliksik. Sa pag-upo ko loob ng eraplano ay may isang matandang
babae ang nagtanong sa akin. “Saan ka pupunta iho?” tugon ko sa kaniya ay “Cebu po
nay!” Marami akong agam-agam sa mga oras na iyon hinggil sa mga datos na
kakailanganin ko na makuha mula sa aking isasagawang pananaliksik.
Sa pagbaba ko sa eroplano ay naalala ko ang mga yamang kultura ng Cebu
katulad ng pagkain gayundin ang mga awiting bayang kanilang pinagyayaman
hanggang sa kasalukuyan. Habang nakasakay sa taxi na aming panimulang transportasyon sa lugar na
iyon, nakita ko ang mga matataas na gusali gayundin ang mga galaw ng mga tao na
umaalinsabay sa mabilis na pagbabago ng paligid.

Sa pagtapak namin sa lugar na aming tutuluyan sa loob ng limang (5) araw ay


naamoy ko ang isang napakasarap na pagkain sa gilid ng gusali. Tinanong ko sa aking
kasama kung anong pagkain ang aking naamoy. Iyon pala ay ang sikat at
pinagmamalaki nilang langgonisa ang chorizo de cebu. Napagpasyahan na lamang
namin na iyon na lamang ang aming hapunan.
Kinaumagahan, ikalawang araw namin sa lugar ay sinimulan ang unang
hakbang sa pananaliksik, at ito ay ang pagpunta sa mga silid-aklatan sa lungsod ng
Cebu upang makahanap ng mga publikasyong nakalimbag sa wikang kanilang
ginagamit gayundin sa iba pang wikain katulad ng Filipino o Tagalog bilang lingua
franca ng ating bansa. Pinuntahan namin ang Cebu City Public Library sa G/F, Rizal
Memorial Library and Museum Bldg, Osmeña Blvd at kasunod nito ay nagtungo kami
Uniberidad ng Pilipinas.Sa pagbalik namin sa aming tinutuluyan ay nakita namin ang isang kainan na
ang kanilang specialty ay ang lechon. Ito marahil ang tampok at kilala nilang pagkain
na kilala sa buong Pilipinas. Nakapanayam naming ang may-ari at tinanong kung anong
pangunahing kabuhayan ng mga tao sa Cebu. “pangingisda at pagtatanim” ang mabilis
na tugon.Sa ikatlong araw ay may nakita ako sa isang gusali na malapit sa aming
tinutuluyan ang maikling kasaysayan ng Cebu. Isinaad sa nabasa kong impormasyon
na ito ay nasa gitnang kabisayaan na may habang 225 kilometro mula hilaga hanggang
timog at napapalibutan ng 167 na kalapit na maliit na pulo. Kilala rin pala ang lugar
na may katangian ng isang pulong troplikal gaya ng mga talampas, mga malawak na
dalampasigan. Nabatid ko rin na ito ang pinakamatandang lungsod ng ating bansa at
may higit sa tatlong milyon ang populasyon. Makalipas ng pananghalian ay nilakbay naming ang isa sa
kilalang simbahan ng lugar at ito ay ang Basilica Menor del Santo Niño de Cebu na kilala sa tawag sa Sto
Niño Basilica na itinatag noong 1565 ni Fray Andrés de Urdaneta. Naabutan namin na
ang wikaing Cebuano ang ginagamit na midyum sa pagmimisa. Isa siguro sa yaman na
maipagmamalaki ng lugar na ito ay ang pagyakap at pagbibigay preserbasyon sa
kanilang wikain. Sa pagmulat ng aking mata sa ikaapat na araw sa lugar ay nagtungo kami ng
aking kasama sa Museo Sugbo sa Cuenco Avenue. Namangha ako sa ganda ng lugar
gayundin ang kabuuang istruktura ng gusali na ibinabalik ako sa nakaraan. Isang
kamangha-manghang yamang kultural ang umaninag sa akin habang inililibot ang
paningin na nagbibigay kahulugan sa akin na tinatawag na “salamin ng ating lahi”. Sa
aking mga nabasang impormasyon sa loob ng museo talagang hindi maipaghihiwalay
ang wika at kultura ng lugar dahil ito ang magpapakilala sa hinaharap at sa mga
susunod pang henerasyon. Sa huling araw namin sa lungsod ay nag-usap kami ng aking kasamang
mananaliksik hinggil sa mga datos na aming nakalap. Hindi lamang pananaliksik ang
naging pangunahing layunin ng aming paglalakbay kundi lubusang mauunawaan ang
yaman ng kasaysayan hinggil sa wika at kultura ng Cebu.

1. Tungkol saan ang nabasang lakbay-sanaysay?


2. Ano-anong gabay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang nakita batay sa nilalaman
nito?
3. Paano inilahad ang mga elemento ng lakbay-sanaysay? Isa-isahin ang mga ito at
ipaliwanag

Gawain 5
1. Ano ang kaibahan ng lakbay-sanaysay sa iba pang akdang tuluyan?

2. Ano-ano ang mga pamamaraan at mga hakbangin sa pagsulat ng isang lakbay-


sanaysay?

3. Bakit mahalagang maunawaan ang mga gabay sa pagsulat ng isang lakbay-


sanaysay? Ano ang kaibahan nito sa iba pang uri ng sanaysay?

4. Kung ikaw ang gagawa ng isang lakbay-sanaysay, aling element nito ang higit mong
pantutuunan ng pansin? Bakit?

5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng lakbay-sanaysay?

You might also like