You are on page 1of 3

KONSEPTONG PAPEL

Balangay: Balangay 4
Baitang at Seksyon: 12-5 Mutien Marie
Aspekto: Panitikan
Mga Miyembro:
Abog, Kyla Jaynelle
Beitia, Ayra Lexy P.
Boyles, Angel S.
Evangelista, Monica Aisha
Santos, Francine Nicole

I. INTRODUKSYON

Maayong adlaw sa tanan! Tayo na't dumako sa Panitikan ng Region 7.

Ano ang panitikan?


Ang panitikan ay isa sa mga pinakamahalagang sining ng ating kultura. Ito ay ang mga akda na
makakapagpahayag ng mga kwento ng tao tungkol sa emosyon, nakaraan, kasalukuyan, at marami pang
iba.

Ano nga ba ang mga bumubuo sa panitikan ng Rehiyon VII?


Hayaan niyo kaming ipaliwanag sa inyo ang ilang halimbawa ng mga panitikan na
mula dito:

1. “TIGMO” O BUGTONG na sa wikang Ingles ay tinatawag na “riddle”.


Halimbawa: Dili mutindog, kon dili mabusog. (Hindi tatayo, ‘pag hindi nabubusog.)
Sagot: sako

2. “SANGLITANAN” O SALAWIKAIN

3. “DIWATA” O KASABIHAN
Halimbawa: An siyahan nga ani manuma o sa, pagbunhaw san idda, kinanghalan igpa-uwak. (Ang unang
ani ay inaararo o sa paggising mo, kailangan mong tumilaok.)
Pagsasalin: ang unang ani ay sakahan o pangingisda

4. “AMBAHAN” O BIYAO O AWITING BAYAN


Narito ang iba’t ibang uri ng awiting bayan ng mga taga-Cebu:

Saloma: awit ng mandaragat, Hila, holo, hia: awit panggawaain, Kandu: awit epiko, Kanogon: awit ng
namatayan, Tiran: awit sa debate o pagtatalo, Balitao: awit ng pag-ibig
5. Mga alamat gaya na lamang ng "Ang Alamat ng Chocolate Hills" at "Ang Usok ng Hari-Sa-Bukid"

6. Mga maikling kwento

7. “GUMALAYSAY” ang tawag ng mga Cebuano sa sanaysay. Ito ay nauukol sa mga paliwanag tungkol
sa pulitika, kasaysayan, kultura,at lugar.

Ang pangunahing pokus ng panitikan sa region 7 ay ang pagpapakilala ng kanilang mga ipinagmamalaking
lugar at kultura sa mga tao.

II. PARAAN O PROSESO

Maaring magkaroon ng pagsusuri ang buong klase upang mapag-usapan ang binigay na konsepto.
Matapos suriin at isaisip ang konsepto, maaaring tumalaga ng mga pangkat upang maisaayos ang iba’t
ibang mga gawain. Ang bawat pangkat ay magtatala ng mga gawain upang maisagawa ang bawat gawain.

Maari din mag-“research” ang mga mag-aaral upang makahanap ng tugmang mga impormasyon ukol sa
gawaing naibigay. Mayroong mga gawaing pang-indibidwal at maaaring tumulong ang iba pa upang
maitanghal ito ng mas mabusisi. Kasama sa mga taglay na gawain ang lenggwahe na gagamitin, mga
alamat o pinanggalingan ng mga kaalaman, at iba pa.

III. IBA PANG KONSIDERASYON

Ang mga mag-aaral ng Baitang 11 ay inaasahan na mayroong isa o dalawang magtatanghal. Ang
itatanghal nilang awitin ay naglalayon na maipakita ang sining ng kultura ng Rehiyon 7. Sa pamamagitan
ng kanilang pagtatanghal ay maipapakita nila ang kanilang pagsuporta at pagpapahalaga sa panitikan ng
napiling rehiyon.

IV. KONKLUSYON

Sa papel na aming isinulat, makikita ang kahalagahan ng panitikan sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng iba't
ibang uri ng panitikan tulad ng tula, maikling kwento, at dulang pampelikula, natatanggap ng mga
mamamayan ng lugar ang pagpapahayag ng kanilang mga damdamin, karanasan, at mga isyung
panlipunan.

Ang panitikan ay isang salamin ng kultura at identidad ng isang lugar. Ito ay binubuo ng mga aral na
mayroong kaugnayan sa paniniwala at mga pag aaral sa mga historya noon. Sa pamamagitan ng
pag-aaral at pagpapahalaga sa mga panitikan, nagbibigay na rin tayo ng pagpapahalaga at suporta sa mga
nakapaloob sa ating kultura at identidad bilang mga Pilipino, at mas lalo pa natin maintindihan ang mga
taong nabubuhay dito at ang kanilang mga karanasan.
Sa darating na buwan ng wika, bilang mga tagapagdaloy ng proyekto ng Baitang 11, layunin nating
maiparating sa ating manonood ang pagpapahalaga sa panitikan. Sa pamamagitan ng mga halimbawa at
impormasyong naipresenta sa papel na ito, inaasahan natin na magkaroon sila ng mas malalim na
pag-unawa at pagpapahalaga sa kahalagahan ng panitikang lokal.

V. MGA GAWAING DAPAT ISAAYOS

● Mayroong isa o dalawang mag-aaral na mapipili upang magtanghal ng isang awiting bayan.
● Kabisaduhin ang kanta hanggang sa koro na parte.
● Pag-uusapan ng bawat grupo ng mga aspekto ang magiging daloy ng programa ng House
Grenoble.
● Ang pag-awit ng mga napiling mag-aaral ay itatanghal bago o pagkatapos ng pagpresenta ng mga
pagkain.

You might also like