You are on page 1of 5

MANUEL S.

ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC


Candelaria, Quezon Philippines

CENTENO, RALPH LAWRENCE M. PANITIKANG FILIPINO

BSTM- III MRS. ROCELL DAKIS

Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Patunayang ang Pilipinas ay mayaman na sa panitikan bago dumating ang mga


Kastila.

SAGOT:

Hindi maitatanggi na ang Pilipinas ay mayaman na sa Panitakan


bago pa tayo sakupin ng mga kastila dahil mayroon nang sining at
panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Dito nga napag-uusapan ang
unang panulat ng ating mga ninuno, ito ang sinasabi o tinatawag natin na
baybayin. Ngunit isa ito sa mga pinasunog ng mga kastila kaya nawalan
sila ng katibayan na mahirap ng hanapin ng mga Arkeologo ang mga
unang panulat ng mga Pilipino dahil sa pagpapasunog ng mga kastila.
Kaya karamihan sa nagawa ng ating mga ninuno bago pa dumating ang
mga prayle ay nawala at napalitan ito ng karamihan na nagmula na sa
panahon na ng mga kastila. Ganon pa man bago pa dumating ang mga
kastila meron na tayong mga panitikan na nabuo kagaya na lamang ng
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, awiting bayan at marami
pang iba dito mapapatunayan na ang ating bansa bago pa man dumating
ang kastila ay mayaman na sa panitikan.

2. Ano-ano ang kahalagahan ng mga karunungang-bayan, bugtong, sawikain,


salawikain sa pag- aaral ng kulturang Filipino?

SAGOT:

Maraming dahilan kung bakit nga ba mahalaga ang pag-aaral ng


panitikan kagaya na lamang ng mga karunungang bayan, bugtong,
sawikain, salawikain sap ag aaral ng kulturang Filipino. Bilang isang
Pilipino, unang kalahagahan ng pag-aaral nito ay naipakikilala natin and
ating pagka-Pilipino at naibabahagi ang yaman ng isip at ang angking
talion ng ating lahing pinagmulan. Bahagi nito ay para matanto natin ang
ating mga kakulangan sa pagsusulat ng panitikan at makapag sanay at
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC
Candelaria, Quezon Philippines

mapanatili ang nakagawian at ang kaalaman ng bawat isa. Isa pang salik
na kahalagahan ay upang mas makilala at magamit natin ang ating
kakayahan sa pagsusulat at magsikap na ito’y mas payabungin at
mapaunlad, kagaya ko na lamang bilang isang mag-aaral ako ay aminado
na hindi parin ako ganon kabihasa sa pag gawa ng mga sulatin patungkol
sa panitikan ngunit ako ay handang hasain pa ang aking sarili upang sa
ganon ay maging isa akong mabuting halimbawa sa karamihan at
mapanatili ang kahalagahan nito sa kulutura ng Pilipino. At lalo’t higit sa
lahat bilang tayo’y mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling bansa.

3. Bakit ang mga matatandang panitikang Pilipino ay napagyaman hanggang


ngayon kahit ang mga itoy hindi nasusulat?

SAGOT:

Sa aking palagay ang pangunahing rason dito kung bakit parin


napapanatili at mas lalo pang napapayaman at napapalawak ang
panitikang Pilipino dahil ito ay naisasalin o naituturo ng ating mga guro o
mga nakakatanda satin. Naniniwala ako na napakahalaga ng panitikang
Pilipino sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya at
mapagpalayang kakayahan ng mga mag aaral at mamamayan kaya hindi
natin maiitanggi na kailanman hindi natin pwede alisin ang pag-aaral ng
ganitong paksa. Ika nga ng ating mga ninuno ang panitikan ay nagiging
sandata sa pagtaguyod ng katotohanan at katuwiran lalo na sa panahon
ng kasinungalingan sa ating lipunan. Kaya bilang isang Pilipino ako ay
naninindigan na ang Panitikang Pilipino ay dapat lang mas payabungin at
ituro ito sa mga susunod pang henerasyon huwag natin isawalang bahala
lahat ng mga kasaysayan na naipamalas at naituro satin ng mga ating
ninuno sapagkat ito ang sumasalamin sa kultura at pagkato natin bilang
isang Pilipino.
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC
Candelaria, Quezon Philippines

4. Magbigay ng isang alamat o epiko (Luzon, Bisayas o Mindanao). Kunin ang


pinakabuod nito. llagay din ang pangunahing tauhan sa kwento at sa huli, ilagay
ng leksyon na mapupulot sa kwento.

“Alamat ng Ulan”
Akda ni: Riza R. Tormis
Isinaayos sa tulong ni: Christian Mercado

Noong unang panahon, may isang dyosa na nakatira sa kalangitan, Dyosa


Clariza ang kanyang panalan. Madalas itong bumaba sa lupa upang masilayan ang
kagandahan ng karagatan, hilig niya ang maupo sa malaking bato sa gilid ng dagat.
Isangaraw, nasilayan siya ng isang makisig at matipunong manlalayag, napansin siya
nitong kumakanta habang hawak-hawak ang buhok niya. Agad naman siyang nilapitan
nito at magalang na nagpakilala. “Magandang araw sa iyo, magandang dilag, ako nga
pala si Jac, maaari ko din bang malaman ang iyong pangalan?”. Napatitig ang dyosa sa
kanya at sumagot na may halong takot ang tono ng boses “ah, ehh .. Clariza ang
pangalan ko”, “Ikinalulugod kong makilala ka” sagot naman ni Jac habang
ngumingiti.Hindi nagtagal ay mas nagkakilala pa silang dalawa, nalaman ni Jac na
dyosa si Clariza ngunit hindi ito nagging dahilan upang magkamabutihan sila. Naging
magaan ang loob nila sa isa’t isa at naging matalik na magkaibigan sila. Sabay nilang
pinagmamasdan ang alon ng dagat, madalas na naglalaro ng mga buhangin,
naghahabulan at kung minsan sa gabi ay sabay nilang pinagmamasdan ang buwan at
mga nagniningning na bituin. Araw-araw nila itong ginagawa at bakas ang kasiyahan
sa kanilang mga mukha.Dahil sa dalas nang kanilang pagkikita, hindi nila namalayang
nahulog na sila sa isa’t isa at hindi naglaon ay nagmahalan ng buong tapat.Dumating
ang araw na kinakailangan nang umalis ng manlalayag upang magtrabaho ngunit
nangako ito na babalik siya pagkatapos ng isang taon sa lugar kung saan sila unang
nagkita at madalas na magtagpo. Bago paman makaalis si Jac ay niyakap siya nang
Dyosa ng mahigpit na mahigpit sabay sabing “kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at
sigurado akong mababasa ka ng luha ko”.

Maraming taon na ang nagdaan ngunit ang dyosa ay hindi na muling binalikan
ng kanyang sinisintang manlalayag. Labis -labis ang kanyang pag-aalala kaya naisipan
niya itong hanapin. Datapwa’t sa kanyang paghahanap ay nakita niyang may kasamang
ibang babae si Jac, sabay silang nagsisimba at namamasyal sa plaza. Nalaman niyang
umiibig ang kanyang sinisinta sa kapwa niya tao. Hindi maikakaila na labis na nasaktan
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC
Candelaria, Quezon Philippines

si Dyosa Clariza sa kanyang mga nakita sapagkat si Jac ay minahal at pinagkatiwalaan


talaga niya, ngunit sa kabila ng sakit na kanyang nadarama ay nangibabaw parin ang
tunay na pagmamahal sa sinisinta kaya naman hindi na niya ito ginambala pa at
hinayaan nalang na sumaya sa piling ng iba.Sa kanyang pagpaparaya, bumalik siya sa
kalangitan at doon inilabas lahat ng sama ng loob, lungkot at pighati na nararamdaman.
Nagdulot ito ng paglabas ng napakaraming luha sa kanyang mga magagandang mata,
naipon sa ulap at naging tubig. Hindi naglaon ay bumagsak ito sa lupa, at sa pagbagsak
ng tubig mula sa ulap ay nabasa ngang tunay si Jac dahil dito naalala niya ang huling
tugon sa kanya ni Dyosa Clariza na dati niyang sinisinta“kapag hindi ka bumalik, iiyak
ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko”.Mula noon ay tinawag niya itong ULAN
na ang ibig sabihin ay “Luhang nagmula sa ULAP”.

TAUHAN:

DYOSA CLARIZA – isang dyosa na nakatira sa kalangitan

Jac - isang makisig at matipunong manlalayag

LEKSYON:

Kahit pa gaano ka sakit para sa atin ang isang sitwasyon huwag natin ipagkakait
ang kasiyahan para sa isang tao, isa ito sa mga natutunan ko na leksyon sa alamat na
ito. Maraming bagay sa buhay natin na hindi natin inaasahan kagaya ng isang tagpong
hindi inaasahan na magkakakakilala sila Dyosa Clariza at Jac at kahit sa maiksing
panahon naramdaman nila ang tunay na pagmamahal. Sa kwentong ito ako ay lubos na
humahanga kay Dyosa Clariza sa pagiging mapagparaya sa kabila ng pangako na
binitawan sa kanya ni jac, mas pinili ni Dyosa Clariza na makita ang kaniyang mahal na
maging masaya kaysa guluhin pa siya. Tuluyan niyang pinakawalan ang mga
pinagsamahan nila nang ganon na lamang kadali. Hinangaan ko rin siya sa kanyang
katapangan na harapin ang sakit dahil hindi ganon kadali tanggapin ang maiwan sa ere.
Walang masama magtiwala parte ito ng pundasyon ng pagmamahalan ngunit minsan
kailangan natin alamin na kelangan natin ng mahabang panahon sa lahat hindi lahat
pwedeng idaan sa mabilis na proseso, kilalanin mong mabuti ang tao bago ka
magtiwala dahil napaka hirap umasa na sa kaniyang pag-alis at pagbalik ay ikaw parin
ang dahilan ng kaniyang mga masasayang ngiti. Iba talaga ang nagagawa ng
pagmamahal ika nga nila makita mo lang masaya ang iyong kasintahan na masaya,
masaya ka na rin para sa kanila. Si Dyosa Clariza ay isang kahanga hangang babae
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC
Candelaria, Quezon Philippines

dahil ipinamalas niya ang kaniyang katapangan kahit ipanaranas sa kaniya ang puot at
kamalasan sa pag-ibig mas nangibabaw parin ang kaniyang kabutihan.

You might also like