Ano Nga Ba Ang Panitikan

You might also like

You are on page 1of 1

Danica B.

Galos

BET FSM 4D

Panitikan, kapag ito ay ating naririnig nagkakaroon tayo ng ideya na ang panitikan ang representasyon
ng mga Pilipino.At ginagamit upang maihayag ang isang akademikong kaalaman, ngunit ang panitikan ay
hindi lamang sumasalamin sa pang akademikong akda ito ay naipapahayag sa pamamagitan ng isang
obra tulad ng tula, dula, sanaysay, anekdota at maraming iba pa. Na nagamit mula noon at naisalin ng
ating mga ninuno na hanggang ngayon dala dala natin at nagsilbing pamana sa ating kultura.Noong
panahon na malaya ang Pilipinas ang ating mga ninuno ay mayroon ng sistema ng pagsusulat gamit ang
mga baybayin(alibata).Na kung saan isinulat nila ang kanilang paniniwala sa mga Diyos at Diyosa na
kanilang isinasamba, mga babala pang pamanahon at komunikasyon.At dumako naman tayo sa panahon
na sinakop ng Kastila.Ako ay taliwas sa mga gawa ng mga dayuhan noong panahon.Dahil
ang ,karunungan na at edukasyon noon ay limitado hindi lahat ng Pilipino ay marunong magbasa at
magsulat o di kaya naman ang mga kalalakihan noon ay may prebilihiyo sa lahat ng bagay at meroong
restriksyon pagdating sa mga kababaihan.Dahil sa sistemang ito maraming kilalang bayani at tinaguriang
may akda na kinikilala magpa hanggang ngayon sa kanilang ipinamalas na abilidad sa panunulat ng
literaturang akda tulad na lang ni Dr. Jose Rizal , Dr.Rizal ay nakipag aklas sa pamamagitan ng kanyang
nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo di man itak o dahas ang kanyang ginamit pinatunayan
nya sa pamamagitan ng tinta at papel ay maipapahayag ang saloobin at hinaing ng madla.At sa paraang
ito ni Dr. Rizal maraming manunulat ng libro, tula , pang sining na dula ang mga bagay na ito ay
naipamana sa edukasyon Filipino ng ating mga mag aaral na lubos naipayaman at ipinausbong ng mga
makabagong teknolohiya tulad ng wattpad , maraming kabataan at matatanda ginagamit ito para
maglibang at pampalipas oras sa mga paborito nilang kwento na nilathala ng may akda.Spoken poetry
ito ay kinagigiliwan pakinggan ng mga bagets ngayon lalo na sa mga personalidad na umaasam na
magkaroon ng relasyon o kaya making at makidalamhati sa sugatang mga puso.Di lang ito ngunit marami
pang bagay ang nagagamit ang panitikan di man pansin ng mga millenials sa henerasyon na ito ating
ipagpasalamat na hindi parin nawawala ang pamana ng ating lahi.Samakatuwid ang mga dating sining na
ito ay gabay sa ating buhay at ito man ay nalipasan ng panahon, nadadagdagan naman ng bagong saliw
na ideya.

You might also like