You are on page 1of 2

Magandang araw sa inyong lahat mga kapwa ko lasalyano,

Ako si Emmanuel D. Uy na magsisilbing inyong tour guide para sa araw na ito.


Ating lalakbayin ang napakayamang kultura ng Panitikang Asyano. Maging handa
nang mamangha sa ganda,yaman at makulay na panitkang kahit kailan ay hindi
mananakaw. Simulan na natin ang paglalakbay!

Bago tayo magsimula ay may isa akong katanungan,


“Bakit mahalaga ang paunang kaalaman sa isang kultura na mahalaga sa
komunikasyon?”

Ating nang tuklasin ang “Kultura ko, Salaysay ko”

Mga usaping panlipunang Asyano

Noong una, marami nang mga tao ang naniniwala sa mga panaginip na
nagkakatotoo. Lalo na ang mga panaginip na nakakatakot at nakakapagpabagabag,
walang sinoman sa atin na gugustuhin ito mangyari. Ngunit, noong nakaraang
taon, nanaginip ako na natanggal ang aking mga ngipin. Dahil dito, naalala ko ang
mga pamahiin na laging pinaguusapan ng mga matatanda noong unang panahon
hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, ako ay lubhang nagalala. Nang kinabukasan,
isinalaysay ko ang aking panaginip sa aking pamilya dahil sabi nila na kailangan
daw na ibahagi ito. Matapos iyon, sinabi sa akin ng aking nanay na magmumog at
kumagat sa puno upang hindi raw magkatotoo ang aking panaginip na
makahulugan. Dahil kapag daw nahulog ang ngipin mo ay nagpapahiwatig na may
mamamatay na tao. Ito’y tunay na nakakatakot at nakakakaba kaya sinunod ko ang
payo ng aking nanay. Naisip ko na pwede na nagkataon lamang ito o mga alaala ko
na nadala sa panaginip, ngunit walang mawawala kung paniniwalaan at susundin
ko ang mga pamahiin na ito. Sa huli, walang mga kababalaghan na pangyayari ang
naganap at sa mga sumunod na buwan, hindi na muli ako nagkaroon na panaginip
katulad ng napanaginipan ko noong isang taon.

Japan
Napakayaman ng panitikan sa bansang Japan. Sila ang nagturo sa atin ng Haiku at
Tanaga kung kaya’t nagkaroon tayo ng tinatawag na “Ginintuang Panahon” dahil
nagkaroon ng laya ang mga Pilipinong magsulat ng mga panitikan sa wikang
Filipino na nagpapayaman sa kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino.
Pilipinas
Bago pa man dumating ang mga kastila ay mayaman na rin sa panitikan ang ating
bansa. Sa paarang pasalin dila ay nanatiling buhay ito sa ating tradisyon. Wala pa.
man tayong mga panulat ay bukambibig na ng mga sinaunang Pilipino ang mga
yamang kaugalian na hanggang sa ngayon ay nananatili sa ating kaugalian.

Tsina
Hindi lamang sa laki ng bansang Tsina at bilang ng kanilang populasyon. Hindi rin
sila pahuhuli sa larangan ng panitikan. Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asya na may
pinakamayamang panitikan. Sinasabing sa mga pag-aaral na kung gaano na katagal
ang sibilisasyon ng mga Tsino ay ganoon na rin katagal ang kanilang panitikan.

Ang mga panitikang asyano ay nagpapakita lamang na napakayaman ng bawat


kultura. Sinasalamin nito ang mga buhay ng mga tao sa mga panahong nagdaan.
Dapat nating igalang at ipagmalaki dahil sa bawat bansa ay may kani-kaniya
tayong mga yaman na hindi kayang manakaw. Bilang isang lasalyano ay gampanin
kong payabungin at imulat sa mga kapwa ko kabataang Pilipino ang yaman ng
ating bansa. Muli ako po si Emmanual D. Uy ang inyong tour guide para sa
“Kultura ko, Salaysay ko” Maraming Salamat sa panunuod!

You might also like