You are on page 1of 2

Baltazar, Ace F.

BSBA 1E

 Ang kasaysayang pinagdaanan ng lipunan kinapapalooban ng mga pangyayari sa naratibong


akda ay pangunahing salik sa pagsusuri ng nobela, tula, at dula sapagkat hinuhubog ng
kasaysayan ang mga tauhan at pangyayaring pumapasok sa akda.
Ang sinasabi lang ng talata na ang mga nobela, tula, dula, at mga iba pa pang-naratibong
akda ay isa sa mga pangunahin pinagmulan ng ating kasaysayan, at sa mga naratibong
akda at manunuri makikita natin kung ano ba ang kasaysayan ng ating lipunan.
 Ang panitikan at kasaysayan ng isang lipunan ay kapuwa tagapag-ulat ng daloy ng buhay.
Dahil ang panitikan ay may wika, dito nailalahad ng mga tao sa isang lipunan kung ano
talaga ang nangyari noong panahon na yon at doon magkakaroon ng kasaysayan dahil
ang kahulugan ng kasaysayan ay mga salaysay na may saysay tungkol sa nakaraan para
sa isang grupo ng tao.
 Napakahalagang mabuklat natin ang mga pahina ng mga naitalang likhang-sining ng mga Pilipino
mula noon hanggang ngayon sapagkat isa ito sa mga makapagpapatunay sa ating mayamang
nakalipas.
Sa pusaping sining, hindi lang naman literatura ang pinag-uusapan, may mga likhang-
sining din tayo tulad ng tattoo sa mga katutubo na magsisimbulo ng kanilang mayamang
kultura.
 Sisikapin sa papel na ito na pangibabawin ang panitikan ng sinaunang Pilipino bilang Panitikang
Pilipinong batayan ng ating pagka-Pilipino o Kapilipinuhan.
Dahil ang nanitikang natin ay hindi lang iisa bagkos sa lahat ng katutubong Pilipino na
naninirahan sa bansa. Hindi lang naman panitikan Pilipino ang umiiral sa bansa dahil sa
banyagang mananakop na ipit sinisira ang ating pakakarulanlan para sa ganon ay madali
sa kanila na pasunurin tayo sa ano mang-layaw nila sa atin.
 Sinasabi ng maraming manunulat at historyador na unang sumulat ng ating kasaysayan, na ang
mga Pilipino ay mayroon nang sariling panitikan bago pa man dumating ang mga Espanyol sa
kapuluan.
Pinatunayan yan sa aming aralin na “Pagbabasa ng Kasaysayan ng Pilipinas” in English
yung subject. Sinasabi roon na may mga tagpunan mga sining na magpapatunay na
meron tayong sariling kasaysayan tulad ng manunggul jar.
 Walang mawawala sa atin sa pagtuklas at pagbuo ng pinakamararangal at inspiradong imahen
ng ating sarili (tulad ng mga inihahayag sa mga akdang pampanitikan), na siyang haligi ng
pambansang pagkakaisa.
Maganda na mag sikap tayo na pagyamanin ang ating sariling kultura sa pamamagitan
ng panitikan para maipasa natin ito sa mga susunod na henerasyon.
 Kung ninanais nating maging matatag bilang isang bansa, kailangang balikan natin ang ugat ng
ating pagkakakilanlan.
Dahil sa mga ugat na ito makikita ang tunay na kahalagahan ng panitikan Pilipino, dahil
dito nakapaloob ang mga kaugalian, kultura, at kasysayan ng mga Pilipino.
 Mahalaga ngayon ang tungkulin ng mga guro at ng mga pinuno sa mga institusyong akademiko
sa usapin ng pagsusulong ng isang panitikang pambansa.
Dahil sila ang unang pagsusulong ng panitikan pilipino, pinuno ang gagawa kung ano
dapat ang lalong payamanin, at guro naman ang magtuturo ng ano ang dapat
pagyamanin, pero dahil din dito may kakayahan din sila ilubog ang mga ayaw nilang
payamanin.
Baltazar, Ace F.
BSBA 1E

 Hindi layunin ng papel na ito na patuloy na hatiin ang ating kalinangan, na patuloy na
magkaroon ng pagkakahati maging sa ating panitikan.
Dahil maraming panitikan at pilipino dulot ng mga iba’t ibang sa tao sa ating pulo-pulong
bansa, ay pilit inag-iisa ng papel na ito ang pilipinas sa tulong na ating Pambansang wika
at mga kulturang pang-pilipino.
 Lahat ng mga akdang pampanitikan nabibilang sa ibabang hati ng Dambuhalang Pagkakahating
Pampanitikan ay may Pantayong Pananaw.
Dahil hindi lang naman iisa ang lahi sa pilipinas kaya kahit sila ay gumawa ng mga
panilikan hindi rin tutugma sa ibang panitikan sa ibang lugar may sari-sarili paring silang
pantayong pananaw.

You might also like