You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE-QUEZON CITY
BALINGASA ELEMENTARY SCHOOL
79 Harmony St. Brgy. Balingasa, Quezon City

Pandistritong Palihan sa Pagtuturong Panliterasi sa Asignaturang


Filipino at MTB-MLE
Hulyo 19, 2021

Name
Ulat ng Sanaysay Pasalaysay sa Pampaaralang Palihan sa Pagtuturo ng
Assignaturang Filipino at MTB-MLE
Hulyo 19, 2021

Tatlong bahagi ang seminar na ito – ang lecture para sa mga guro mula sa iba’t ibang eskwelahan
hinggil sa cultural heritage, ang paglulunsad ng aklat-tula ng mga makata ng Angono at lalawigan ng
Rizal, at ang kwentuhan/interakson ng mga makata/artists ng Angono sa mga makata/artist mula sa
Maynila at Quezon City.
Naging mga panauhing tagapagsalita sina Nemesio ‘Nemi’ Miranda Jr., Richard R. Gappi, Prof.
Ligaya Tiamson-Rubin, Sir Albert delos Santos, Philip Anorico, Prof. Ferdinand Jarin, Mark Angeles
at Glen Sales.

Halos umabot sa 70 ang mga dumalo. Kabilang dito ang 30 guro mula sa 12 eskwelahan, at ang iba
pa ay mga manunulat, artists at cultural workers.

Alas-9:30 ng umaga nagsimula ang seminar. Unang nagsalita si Angono artist Nemesio ‘Nemi’
Miranda Jr. Nagbigay siya ng bating pagtanggap sa mga kalahok sa seminar. Pagkatapos nito ay
ikwinento niya ang diwa ng Angono bilang ‘Pambansang Kapital ng mga Sining.’ Iniugnay niya ito
kung paano nakakatulong sa art tourism at creative industry ng bayan. Pinuri din G. Miranda ang
lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon dahil sa seminar sa cultural heritage na
naglalayong i-institutionalize ang pananaliksik, pag-iingat, at promosyon ng tradisyon, kultura,
sining at kasaysayan ng bayan.

Sumunod na nagsalita ay ang inyong lingkod, G. Richard R. Gappi, ang Information Officer I ng
munisipyo at tagapangasiwa ng secretariat ng Angono Municipal Cultural Heritage Committee.
Ibinigay ni G. Gappi ang overview at daloy ng seminar. Binanggit niya ang pagkabuo ng nasabing
komite – sa pamamagitan ng executive order ni Mayor Gerry Calderon – at ang layunin at gagawin
nito.

Sa kanya namang lecture, binanggit ni UP emeritus professor Ligaya Tiamson-Rubin na nasisiyahan


siya na mga kapwa guro niya ang dumalo sa seminar. Binaybay ni Ma’am Rubin ang kasaysayan ng
panitikan sa Angono. Binigyang diin niya na ang panitikan ay ‘pagsusulat at pagdodokumento’ sa
sining, tradisyon, kasaysayan, kultura, at kasalukuyang kinalalagyan at sitwasyon ng bayan. Dagdag
pa niya, ang ‘pagdodokumento’ na ito ay kailangang maipasa sa bata at bagong henerasyon upang
mabuhay at magpatuloy, kung kaya hamon niya sa mga guro, ito ang dapat ituro at ipagawa sa mga
mag-aaral.

Sumunod namang nagsalita si Sir Albert delos Santos at paksa niya ang kasaysayan ng Musika at
mga banda sa Angono. Nag-lecture din siya sa mga guro kung paano epektibo at masayang ituturo sa
klase ang Musika. Ayon kay Sir Albert, mayroon nang walong ( marching bands sa Angono.
Mayroon na rin sa Angono na mga wind ensemble tulad ng Angono Chamber Orchestra, Angono
Wind Ensemble, APHS Wind Ensemble at Angono Methodist Wind Ensemble.

Paksa naman ng lecture ni G. Philip Anorico ang kasaysayan ng sining biswal sa Angono. Si G.
Anorico ay nagtapos at nag-aral ng Master of Arts sa UP Diliman, dating supervisor ng Human
Resource Office ng ABE College sa Cainta, makata, at kasapi ng Anggono Tres-Siete (3/7) Poetry
Society at Neo-Angono Artists Collective. Binaybay ni G. Anorico ang mga artworks at artists sa
Angono mula sa Angono Petroglyphs, sina Juan Senson at Pedro Piñon noong panahon ng mga
Kastila, sina Carlos ‘Botong’ Francisco at Moises Villaluz noong unang hati ng 20th century, at ang
iba’t ibang artist groups tulad ng Angono Ateliers Association, Angono Artists Association, Neo-
Angono Artists Collective, S-16, at Kickstart Art group.

Pagkatapos ng lecture ni G. Anorico ay nagkaroon ng lunch break.

Ala-1:30 naman nagsimula ang session sa hapon. Naging tagapagsalita dito si Prof. Ferdinand Jarin
ng Philippine Normal University. Si Professor Jarin na katatapos lang ng kanyang Master of Arts ay
may anim nang gawang aklat ng sanaysay at maikling kwento, na ang isa dito ay ginawaran ng
National Book Award. Tinalakay ni Professor Jarin ang tungkol sa sanaysay o essay at ang
Constructivist Theory na pagkuha ng kaalaman para sa mga bata, at kung paanong ang sanaysay ay
maaaring materyal na makakatulong sa pagtuturo sa loob ng klase. Itinuro din ni Professor Jarin ang
mga elemento ng Sanaysay at kung paano ito isulat.

Sumunod na nagsalita si G. Mark Angeles, isang multi-awarded na makata at writer mula sa


Polytechnic University of the Philippines. Hinimay niya ang mga elemento kung paano gumawa ng
Maikling Kwento, at kung paano ito susuriin at gagamitin bilang materyal panturo ng mga guro sa
loob ng klase.

Ang huling tagapagsalita ay si G. Glen Sales, makata, artist at guro sa Taytay United Methodist
School. Tula ang kanyang paksa, ang mga elemento nito, at kung paano ito ituturo nang masaya at
epektibo sa loob ng klase.

Pagkatapos ng seminar ay nagkaroon ng paglulunsad ng aklat-tulang MGA APAK SA DAGAT, ang


ikalawang aklat ng Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society na tampok ang mga tula ni Bb. Elliz
Marie E. Alog. Ang mga unang kopya ng aklat – bilang token – ay tinanggap ng mga guro mula sa
iba’t ibang eskwelahan sa Angono para sa kani-kanilang silid-aklatan. Tumanggap din ang mga guro
ng kanilang Katibayan ng Paglahok.

Pagkatapos ng paglulunsad aklat ay nag-interaksyon ang mga makata, artists at cultural workers ng
Angono sa kanilang counterpart na mga taga-Maynila at Quezon City. Naging usapan ang tungkol sa
mga proyekto at kasaysayan ng grupo, ang creative at artistic process, at ang programang pangsining
at pangkultura ng mga artist groups, at ng pamahalaang bayan ng Angono, partikular ang pagkabuo
ng Angono Municipal Cultural Heritage Committee, na anila’y magandang hakbang sa pagtitipon at
pagpapayabong ng sining, tradisyon, kultura at kasaysayan ng bayan.
*****

You might also like