You are on page 1of 7

OUTPUT SA PANUNURING PANITIKAN

IPINASA NI
GOMAMELA A. SERENIO
IPINASA KAY
Bb. BEJIE SINARILLOS

TALAMBUHAY NG MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO


ALEJANDRO G. ABADILLA  (March 10, 1906 – August 26, 1969)
Tinaguriang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog,” si Alejandro G. Abadilla o mas
kilala sa kanyang palayaw na “AGA,” ay isinilang sa bayan ng Rosario, Cavite. Lumaki
sa simpleng pamilya, nang makatapos sa sekondarya o mataas na paaralan ay
nagtungo si Alejandro sa Amerika upang mag-hanapbuhay at masuportahan ang
pamilya. Doon ay nagsilbi siya sa isang limbagan sa Washington. Nag-trabaho rin siya
para sa mga sikat na pahayagan noon tulad ng Philippine Digest at Philippines-
American Review. Matapos ang ilang taon, si AGA ay umuwi muli ng Pilipinas at
kanyang ipinagpatuloy ang naudlot na pag-aaral. Taong 1934 nang siya ay makatapos
sa kursong Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi malinaw kung kailan
nagsimula ang hilig ni Alejandro sa pagsusulat ngunit sa mga karanasan niya sa
kanyang mga naging trabaho at maging na rin ang kanyang kurso noong kolehiyo ay
walang duda na siya ay magiging isang makata. Kilala siya sa kanyang modernong
pananaw sa panitikan noong kanyang kapanahunan. Siya ang nagpasimuno sa
paggamit ng malayang taludturan, diin sa metro, at paggamit ng labis na romantisismo.
Itinatag rin ni AGA ang Kapisanang Balagtas, isang organisasyon na isinulong ang
malaya at mas malawak pa na paggamit sa wikang Tagalog lalong-lalo na pagdating sa
literatura. Lanya ring inilunsad ang Kapisanang Panitikan na tinipon ang lahat ng mga
batang manunulat.
Ang tulang pinamagatang “Ako ang Daigdig” ang isa sa mga pinakatanyag sa mga
lathalain ni Alejandro. Ito ang natatanging tula na nagbigay-daan sa modernong
panulaan dahil sa kakaibang ideya na hatid nito. Nilalahad ng tula ang perspektibo ng
kolonyalismo ng mga bansang Espana at Amerika sa ating bansa. Hindi lamang
limitado sa mga tula ang kanyang mga akda, mayroon rin siyang mga maikling nobela.
Noon 1966, natamo niya ang Republic Cultural Heritage Award dahil sa kanyang
kontribusyon sa literaturang Filipino. Namatay siya tatlong taon makalipas.
TEODORO AGONCILLO  (November 9, 1912 – January 14, 1985)

 isang Pilipinong historyador at manunulat na kilala sa kanyang mga mahahalagang


kontribusyon sa pagsulat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagsulat siya ng
mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol dito. Nagsulat din siya ng mga tula at sanaysay
na naglalaman ng mga nasyonalistang pananaw sa kasaysayan. Siya ay tinuturing
bilang ”ama ng makabansang pananaw sa pagsulat ng kasaysayan.  Ang kanyang mga
magulang ay sina Pedro Medina Agoncillo tubong Taal, Batangas at Feliza Zaraspe
Adan tubong Lemery, Batangas. Teodoro ang tunay niyang pangalan ngunit kilala sa
katawagang "Teddy" o "Ago" ng mga kaibigan. Lumaki siya sa Intramuros, Maynila.
Nakapagtapos si Agoncillo ng kanyang doctorate degree (Ph. B.M.A.) noong 1934
at Philosophy (1935) sa Unibersidad ng Pilipinas. Naghanapbuhay siya sa pagiging
isang kinatawan ng lingguwistika sa Surian ng Wikang Pambansa at naging isang
tagapagturo sa Pamantasan ng Malayong Silangan at Pamantasang Manuel L.
Quezon. Noong 1956, inilathala niya ang kanyang matagumpay na akda na
pinamagatang "Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan".
Nakatanggap siya ng mga pagkilala para sa librong ito, pati na rin ang ilang mga
pagpuna mula sa mga historyador na mas konserbatibo ang pananaw dahil nabahala
sila sa mga paksang kaakibat ang pagiging nasyonalista. Noong 1958, naimbitahan si
Agoncillo na sumali sa Kagawaran ng Kasaysayan ng kanyang inang-diwa, ang
Unibersidad ng Pilipinas. Naging pinuno siya ng Kagawaran ng Kasaysayan mula 1963
hanggang 1969 at nanatili siya sa unibersidad hanggang sa kanyang pagretiro noong
1977. Matapos magretiro mula sa UP, nagturo si Agoncillo ng kasaysayang Pilipino
bilang isang dalaw na propesor sa International Christian University sa Mitaka, Tokyo,
Hapon, sa loob ng isang taon mula 1977 hanggang 1978. Ang dating Pangulo ng
Pilipinas na si Diosdado Macapagal ay pinangalanan si Agoncillo bilang kasapi ng
Pambansang Makasaysayang Instituto noong 1963. Nagsilbi siya sa hanggang sa
kanyang kamatayan noong 1985. Si Agoncillo ay pinuno ng Kagawaran ng Kasaysayan
sa Unibersidad ng Pilipinas kasabay ng panahon ng kanyang pinsan, si Heneral
Abelardo Andal, na nagsilbing Komandante (Tagapangulo) ng Reserve Officers
'Training Corps sa parehong pamantasan. Si Agoncillo ay kabilang sa ilang mga
akademikong nakakamit ng antas sa pagiging isang propesor ng unibersidad, isang
pang-akademikong antas na ibinibigay lamang sa mga mahuhusay na kasapi ng
kagawaran na may labis na kaalaman sa higit sa isa sa mga tradisyunal na aspektong
akademiya (Agham at Teknolohiya; Agham Panlipunan; at Sining at Humanidadidad)
sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nagawaran din siya ng Doctors of Letters, Honoris
Causa ng Pamantasan ng Gitnang Pilipinas, taong 1969. Siya ay hinirang bilang isa sa
"Ten Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior Chamber of the Philippines noong
1963 at bilang "Distinguished Scholar of the University of the Philippines" noong 1968.
Nagkamit si Teodoro Agoncillo ng iba pang mga parangal tulad ng Republic Cultural
Award (1967), UNESCO Prize for Best Essay (1969), at ang Diwa ng Lahi (1982)—ang
pinakamataas na parangal na iginagawad ng Lungsod Maynila. [1] Tinanghal
siyang Pambansang Alagad ng Agham ng Pilipinas noong 1985 para sa kanyang
kilalang mga kontribusyon sa larangan ng kasaysayan ni dating Pangulong Ferdinand
Marcos, ilang buwan matapos ang kanyang pagpanaw.

VIRGILIO S. ALMARIO

kilala sa kanyang sagisag panulat na, RIO ALMA, ay isang manunulat, kritiko ng mga
literatura, editor, cultural manager, at guro. Siya ay kasalukuyang Pambansang Alagad
ng Sining sa Pilipinas. Si Rio Alma, anak nina Ricardo Almario at Feliciana Senadren,
ay 69 yrs. old, ipinanganak noong March 9, 1944 at lumaki sa San Miguel, Bulacan.
Asawa sya ni Emelina B. Soriano at may tatlong anak na sina Asa Victoria, Ani Rosa at
Agno Virgilio.

       Nagtapos si Rio ng elementarya noong 1955 sa Camias Elementary School, at


sekundarya naman sa San miguel High School noong 1959. Nagtapos naman ng
kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1963 na may Bachelor Degree sa Political
Science. Kinalaunan, sya ay naging kandidato para sa M.A para sa Edukasyon sa
University of the East. Nakamit naman nya ang kanyang M.A sa Filipino noong 1974
sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagsimula ang buhay niya bilang makata noong kumuha
siya ng ilang yunit sa kursong edukasyon sa University of the East noong 1963.
Katulong sina Rogelio G. Mangahas at Lamberto E. Antonio, itinatag nila ang
ikalawang matagumpay na kilusan sa Panulaang Filipino. Noong 1967, kaniyang
inilathala ang una niyang koleksiyon ng tula, Ang Makinasyon at ilang Tula na sinundan
ng sampu pang koleksiyon na kabilang sa Mga Piling Tula1968-1985 na nasa dalawang
wika. Lahat ng kaniyang mga antolohiyang tula ay kinolekta ng U.P. Press noong 1990
at inilathala bilang dalawang bolyum na pinamagatang "Una Kong Milenyum."
       Ang ilan sa kaniyang mga nagawang kritisismo ay inilathala sa Dawn,pahayagan
ng University of East na na lumalabas linggo-linggo. Natigil siya sa pagtuturo noong
idineklara ng pangulong Ferdinand E. Marcos ang "Batas Militar.". Siya ay ikinasal kay
Emelina B. Soriano sa hapon ng araw ng bagong taon noong 1973. Nagsaliksik siya ng
mga proyekto na nauukol sa kasaysayan ng panitikan at mga tradisyon ng Kasaysayan
ng panitikan sa Filipinas habang siya ay pinagbawalan ng militar. Dahil dito, nakagawa
siya ng mga kritika tulad ng Taludtod at Talinghaga(1965;1991), Balagtasismo Versus
Modernismo (1984), Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta, Ossorio, Herrera,
atbp. (1992), at Panitikan ng Rebolusyon (1896) (1993).  Ang kaniyang mga kritikal na
gawa ay umiikot sa mahahalagang pag-aaral ukol sa isyu ng pambansang wika. Ang
ilan dito ay natipon sa aklat na "Filipino ng mga Filipino"(1993) at"Tradisyon at Wikang
Filipino"(1998). Siya ang umakda ng "Patnubay sa Masinop na Pagsulat" (1981) at ang
nag-edit ng diksiyonaryo sa Filipino habang siya ay direktor ng U.P. Sentro ng Wika
noong 1996.
      Upang lalong mapalawak ang karanasan sa panitikan at makapagbigay ng
pinakamahusay na halimbawa ng panitikan sa mga mambabasa at mag-aaral na
Filipino, pumasok siya sa pagsasalin at pag-eedit. Naisalin niya ang pinakamahusay na
kontemporaneong tula mula sa iba't ibang bansa.

             Siya ay nagkamit ng Best Translation of Rizal as novels (Noli Me


Tangere at El Filibusterismo) mula kay Sen. Blas Ople at ng Manila Critics Circle.
Inayos din niya ang mga koleksiyon nina Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos,
Alfrredo Navarro Salanga, Pedro Dandan at ilang aklat sa Ekolohiya at panitikang
pambata. Nakatanggap din siya ng parangal mula sa iba't ibang prestihiyosong
institusyon tulad ng Palanca Awards, Makata ng Taon ng Komisyon ng Wikang
Filipino, Ten Outstanding Young Men Award for literature (TOYM), at SEAWrite
Award mula sa Bangkok, Thailand.
ROGELIO MANGAHAS  (9 Mayo 1939–4 Hulyo 2018)
isang makata, mananalaysay, editor, guro, at tagasalin.
Nagtapos ng Bachelor of Arts in Filipino si Mangahas noong 1965 sa University of the
East (UE), kung saan niya nakilala ang mga kapanahunan makata na sina Virgilio S.
Almario at Lamberto E. Antonio. Pinasok niya ang iba’t ibang trabaho tulad ng pagiging
security guard habang nag-aaral. Nang makapagtapos, naging propesor siya sa UE
hanggang 1972, nang maideklara ang Batas Militar. Naging guro sa wika at panitikan
din siya sa De La Salle University at St. Scholastica’s College.
Si Mangahas ay ikinasal kay Fe Buenaventura Mangahas, isang historyahdor, guro, at
manunulat. Si Mangahas ay namuhunan at namatnugot ng
antolohiyang Manlilikha (1967) na unang nagpakilala sa tatlong modernistang makata
sa Filipino. Nailimbag ang kaniyang mga tula sa mga antolohiyang Mga Duguang
Plakard at iba pang Tula (1971) at Gagamba sa Uhay (2006).
Marami ring parangal ang nakamit ni Mangahas, kabilang dito ang mula sa Talaang
Ginto: Makata ng Taon, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad
Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at iba pa. Si
Mangahas ay isinilang Cabiao, Nueva Ecija noong 9 Mayo 1939. Siya ay nagmula sa
pamilyang kasapi ng Hukbalahap na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at kalaunan ay kinalaban ang pamahalaan.
Noong ideklara ang Batas Militar noong 1972, isa siya mga bumatikos at nagprotesta
laban sa pamumuno ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Noong 1973, naaresto si Mangahas at nakulong sa loob ng dalawang taon. Maging ang
kaniyang asawa ay nakulong din kasama niya ngunit sa maikling panahon lamang. Sa
kaniyang pagkakakulong at sa panahon ng Batas Militar niya nalikha ang mga tulang
“Villanelle sa Iyong Pagdalaw” (1973), “Mga Ibon sa Hawlang Bakal” (1977) and
“Tagulaylay ng Isang Insurekto” (1977).
Si Mangahas ay namatay noong 4 Hulyo 2018 sa edad na 79.
.FREDERICO LICSI, JR

You might also like