You are on page 1of 2

Ika-20 ng Setyembre, 2012 Bb. Flor D. Marco Xy-za Angelica Zenith C.

Cabaero BSPT-1a Filipino 101: Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Ang Pista ng Peafrancia 2012


Taon-taon sa tuwing sasapit ang unang lingo ng Setyembre, nagaganap ang pista ng patron ng Bicolandia, ang pista ng Nuestra Seora de Peafrancia . Ang pistang ito ay pinaghahandaan pagtuntong pa lamang ng unang araw ng Setyembre kung saan nagaganap ang mga makukulay na pagtatanghal at ibat-ibang mga patimpalak na siya namang dinadaluhan ng milyun-milyong deboto na nagmula pa sa ibat-ibang panig ng mundo. Ang makulay na pistang ito ay tradisyunal na sinisimulan ng pagprusisyon sa poon ni Inang Nuestra Seora de Peafrancia mula sa pinaglalagakan nito sa Basilica Minore patungo sa Naga Metropolitan Cathedral, ang prusisyong ito ay tinatawag na Traslasyon. ang simbahan kung saan napagkaugalian nang pagdausan ng mga misa at nobena sa ngalan ni Inang Peafrancia at isang lugar din kung saan medaling madadalaw ang kaniyang poon ng mga deboto. Ang matagumpay na paglalagak ng imahe ng Peafrancia ang nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng mga mga okasyong nagsisilbing taunang atraksyon sa mga nandarayuhan sa Bicol at pati na rin sa milyun milyong debotong nananalig pagsapit ng pista. Nagsisimula ang unang araw ng makulay na selebrasyon na may kaugnayan sa Pista sa paglalaban laban ng ibatibang paaralan sa buong Bicol sa kanilang husay sa pagmanipula at pagtugtog ng Tambol at Kudyapi. Sa pangalawang arawcnaman ay ang Civic parade at ang pagpaparada ng naglalakihan

at nag-gagandahang mga Karosa. Sa pangatlong araw naman ay ang Military Parade na nilalahukan din ng iba-t ibang mga paaralan sa buong Bicolandia. Sa pagsapit ng ikaapat na araw ay ang makulay at masiglang Voyadores Festival kung saan naglalaban laban sa isang patimpalak ang mga kalahok na nagmula sa mga paaralan ng Bicol sa pagsasayaw ng depiksyon o historya ng pagkakapunta ng imahen ni Inang Peafrancia sa pangangalaga ng Bicol. Hudyat naman ng pagtatapos ng pista ang pagsisimula ng Fluvial procession kung saan ibinabalik ang imahen ng poon sa Basilica Minore sa pamamagitan ng pagprusisyon sa Bicol River ng imahe ni Ina habang nakasakay ito sa pagoda, habang naman ito ay ihinahatid ng mga voyadores na gumagabay ditto patungong Basilica Minore. Makulay at masaya ang ilang araw na ito kung saan nakapaloob ang pista ng itinuturing na ina ng Bicolandia, ngunit huwag sana nating limutin ang totoong kakanyahan ng pagdadaos ng pistang ito, maliban sa pagsasaya at pakikilahok sa ibat-ibang mga pangyayari sa pista, naway makuha nating mas paigtingin at mas palakasin an gating pananampalataya sa ating Diyos na lumikha, at naway matuto tayong magpasalamat sa Maykapal sa pagpapahiram satin ng kaniyang ina upang tayo ay patnubayan at gabayan sa ating pamumuhay, sapagkat ang mga gawaing ito ay ating maipapakita an gating pasasalamat at pagpapakumbaba.

You might also like