You are on page 1of 6

MASS DEMO FILIPINO A@B

TOTHAPI BAND IN SJCC


LANDSCAPING COMPETITION
NARATIBONG PASALAYSAY

Sa pagsisimula namin sa paparating na Linggo ng Foundation 2024 na may temang "SJCC @31: Elevating
Exceptional Heights," na magaganap sa Pebrero 18-25, 2024, sa San Jose Community College,
tinutugunan din namin ang iba't ibang mahahalagang bagay at alalahanin, karamihan lalo na ang MASS
DEMO COMPETITION. Noong ika 18- ng pebrero ang Foundation day ay pinagdiriwang ito sa paaralan at
lahat ng estudyante ay nagkakaroon ng ibat ibang talento sa pagsasayaw at bumubuo ng dalawang block
upang magsama at maganda tignan kapag marami Ang myembro saaming block B ay nakasama namin
ang Filipino Block A sa paghahanda upang magpraktis ng isasayaw nagkakaisa namin kami at sabay sabay
sa pagsasayaw meron man na pagkakataon na mali mali kami at di sunod sunod ngunit nagagawa pa rin
namin ang aming makakaya upang ipakita ang aming galing sa pagsayaw marami kaming sumayaw sa
halos kada block kaya simula sa una hanggang sa huli ay nakita namin ang ibang magsasayaw at lahat
naman magagaling hanggang sa kami na ang sasayaw ay mayroong kaba ngunit iniisip na lang namin na
magiging masaya kami at mag enjoy kaya hanggang sa natapos na kami at ang lahat na magsayaw at nag
anunsyo na kami ay nakapasok sa ranko ika pito sa pwesto karamihan na sumayaw kami ay masaya dahil
nakatanngap kami ng gatimpala hindi man malinis ang aming sayaw ay nagkaisa naming kami upang
maging maganda sa lahat ng manonood.

Noong ika -20 ng pebrero ay nagkaroon ng pakikiisa ang bawat mag aral dito ay bawat sulok sa paaralan
ay makikita ang mga ginagawa nila kaya pagpasok mo pa lamang sa paaralan ng sjcc ay makikita mo ang
mga bawat pinta na nagsisimbolo sa mga nararanasan ng mga mag aaral at magaganda ang bawat isa sa
kanilang ginawa at matiwasay sa mata makikita ang maganda at ayus ng mga garden at mayroon din
itong disenyo sa bawat sulok kaya ito ay mas lalong gumanda at kahanga hanga sa lahat ng mag aaral na
nakakita rito kaya mayroon apat na competition ito ay ang D’EXISTENTIALISTS , JOSENIAN’S IN THE
WONDERLAND,JOSENIAN’S BEAUTY IN DIVERSITY AND MOIST GARDEN ito ang mga pagkakaisa ng mga
mag aaral na ginawa nila upang ipakita ang kanilang ginawa kaya napakahusay ng kanilang ginawa at
maganda ito ay mas lalong nagbibigay atensyon sa lahat ng mga mag aaral sa ginawa ng mga kasali sa
paligsahan upang Manalo at lahat naman ay maganda at ramdam ang panalo sa husay nila gumawa at
pinakita ang kanilang talent kaya dapat natin pahalagahan at mapansin ang bawat talento ng mga mag
aaral dahil sila ay maging inspirasyon sa iba at marami ang mas lalong mabigyan ng pagkakataon na
ipakita rin nila ang kanilang talento sa anuman na nagpapasaya at komportable sa kanila kaya dapat
natin itong suportahan upang sila ay maging masaya sa kanilang ginagawa.

Tinatapos ng SJCC ang isang linggong pagdiriwang ng anibersaryo ng pundasyon nito sa isang
Victory Party, kasama ang mga espesyal na panauhin, The Bicolano Rising Band, Tothapi, ngayong
gabi noong ika- 25 ng pebrero nagkaroon ng kasiyahan sa pagtatapos ng kaganapan ng foundation
day kaya lahat ng mag aaral ay nakiisa sa kasiyahan at bago magsimula ang pagkanta ng tothapi band
ay mayroon muna hinanda ang sjcc band upang mayroong excitement ang mga manonood kaya ako
ay nakiisa sa kaganapan at marami ang mga estudyante nadumalo at nakita ko ang ganda ng pag
aayus ng mga tao sa event at ng makapasok na ako sa paaralan ay masaya ako dahil nakanood din
ako ng band at kasama ko mga kaibigan ko na nagsasaya kaya lubos an gaming kasiyahan sa
panonood dahil lahat ay nagsasabay sa kanta at nakikisayaw na rin lalo na alam nila ang kanta kaya
nakisayaw na rin ako para magsaya sa gabi sa sobrang dami ng mag aaral ay sa pinaka likod kami
naka pwesto at nagsasaya na kahit malayo ay nakakasabay naman kami sa kanta hanggang sa ilabas
na ang isang banda na inimbitahan upang magkanta ay naging masaya kami at panabik nabik ang
kanilang ginawa dahil ang husay nila kumanta at masarap pakinggan lalo na nagsisipagtalunan ang
mga tao sa sobrang saya ng pinakitang galing at husay ng band na ito kaya marami ang sumaya at di
na sayang ang pagpunta dahil di mo dama ang pagod sa sobrang kasiyahan kaya maraming kinanta
ang banda na ito at pagkatapos ay kahit gabihin na ay umuwi kaming masaya kaya sobrang saya ng
gabi dahil sa banda na nagpasaya sa mga mag aaral na nanood sa kanila sa banda.
SAN JOSE COMMUNITY COLLEGE
SAN JOSE MALILIPOT ALBAY
2023-2024

MC LIT 103
(MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO)

IPINASA NI:MAY BASILLA BSED FILIPINO 2B


IPINASA KAY: MR. NELSON BRAGAIS

You might also like