You are on page 1of 3

GALING NG AURORA NGAYON 2023

AVP SCRIPTS
(DICADI AREA)

SINGING SOLO:

CASIGURAN - Ako si CHRISTIAN DEOCARIZA, bata pa lamang ako nakitaan na ako


ng aking mga magulang ng hilig sa pagkanta. Sila din ang naghikayat sakin na sumali sa
mga singing contest dito sa aming bayan. Mas lalo pang nahubog ang aking kasanayan ng
sumali ako sa choir sa simbahan at naging miyembro ng Performing Art Club noong ako
ay Senior High School.
Masasabi kong ang musika ay ang nagbibigay saya at kumukompleto sakin, ngunit dahil
sa pandemya parang nawalan ako ng motivation para magpatuloy at kinuwestyon ang
aking kakayahan. Muntik ko na ring talikuran ang aking mga nakahiligan, lalo na ang pag
kanta. Pero katulad nga ng mga kasiguranin na likas ang pagiging masiyahin kahit
maraming bagyong dumaan, pipilitin kong lagpasan ang mga agos ng buhay at sa
supporta na rin nga aking pamilya at kaibigan may positibong pananaw.

DILASAG – Ako si Cyndee Briones Gaborno mula sa bayang sagana sa likas na yaman.
Nagmula ako sa isang pamilyang mahilig sa musika. Isa sa mga bonding naming ay ang
pagkanta sa mga karaoke. Ang aking ina ay dating miyembro ng banda kasama ang aking
mga tito at tita kaya’t masasabi kong talagang nasal lahi naming ang pagiging musikero
at mang-aawit. Ito ang unang pagkakataon na sasali ako sa patimpalak na tulad nito. First
time man na makikipaglaban, mahiyain man na naturingan, bitbit ko ang suporta ng mga
mahal ko sa buhay na naniniwala sa aking kakayahan. Ang aming bayan ay tinaguriang
huling paraiso ng Norte ngunit hindi pahuhuli sa Galing sa pag-awit. Muli ako si Cyndee
Briones Gaborno ang Singing New Gen Palaban mula sa bayan ng Dilasag. Handang
magpamalas ng husay at galing! Agbiag ti Dilasag!

MODERN HIP-HOP:

CASIGURAN - Kami ang D FINAL CREW NEW GEN group ng Casiguran, nagsimula
kaming magsayaw taong 2017 kung saan sumali kami sa isang workshop na
pinangunahan ng Casiguran Dance Artist (CDA). Simula po noon ay nagtuloy-tuloy ng
mahasa ang talento namin sa pagsayaw. Ngayon ay natupad ang pangarap namin na
mabigyan ng karangalan na mairepresent ang minamahal naming bayan, bayan ng
Casiguran!! Sa pamamagitan ng pag sayaw napapakita naming mga kabataan ang aming
talentong humubog sa aming mga sariling kakayahan. Sa aming pagsasayaw hindi lang
pakikipag tunggali ang aming nilalaban kundi dala ang karapatang maging malayang
kabataan. Naging bahagi na ito ng patimpalak dito sa aming bayan, sa pamamagitan nito
naging libangan ito ng mga kabataan upang malayo sila sa bisyong nakakasira ng
kinabukasan. We are ready to conquer the stage and unleash the beast inside us, we have
been waiting for this year and now is the time for us to rise and reclaim our throne.
Andito na ang Casiguran D FINAL CREW NEW GEN handang ipakita ang talento sa
sinuman!! WADI LAKE KASIGURANIN BALE!!!

DILASAG - We are the PRIOR MONARCHS from the municipality of Dilasag. Let me
tell you the story of how this group was created. We came from different barangays of
Dilasag, our love for dancing is what inspired us to make our group bolder and stronger.
Hardship and sacrifices were contributed by each of us to form this group. We are here
not only to dance and win, but we are here to show our God given talent and be an
inspiration to all. Thank you to everyone who believes and supports us. Above all, thanks
be to our God. From 13 members to fight as one! We will emerge victorious! Watch and
find out! Once again, we are the PRIOR MONARCHS! Agbiag ti Dilasag!

FOLK DANCE:

DINALUNGAN – Mabuhay! Kami ang Dinalungan Employee Folkdancers. Sa aming


sayaw, buong gilas naming ipamamalas ang kultura at tradisyon ng aming mahal na
bayan. Sa pamamagitan nito, masasaksihan ninyo ang katatagan ng aming bayan dahil sa
pagkakaisa. Sapagkat para sa amin, ang lahat ng bagay ay kayang-kaya basta’t sama-
sama. Anumang pagsubok ay aming nalagpasan na may ngiti sa labi at positibong
pananaw. Kasabay ng bawat indak, ang mga katutubong kagamitan at mga bagay na
naglalarawan sa magagandang tanawin na angking yaman ng bunsong anak ng Aurora.
Tunghayan ang aming ipinagmamalaking sayaw na handog para sa Lalawigan ng Aurora.
Arangkada Dinalungan!
DILASAG - Mabuhay! Kami ang LAPARNOFO Dancers (Last Paradise of the North
Folk Dancers) na nagmula sa Pinakadulong Paraiso sa Norte ng Aurora ang “Dilasag”.
Ang bayan ng Dilasag ay nagmula sa dalawang salita na pinagsama na kung saan ang
“DI” ay katutubong wika na ang ibig sabihin ay “KASAGANAAN” at ang salitang
“LASAG” naman ay nangangahulugan ng salitang ”LAMAN”. Sapagkat ang DILASAG
ay pinagpala at sagana sa Yamang Gubat, Yamang Lupa at Yamang Dagat. Ngayong
gabi, nais naming ipakita sa pamamagitan ng aming pagtatanghal kung paano at gaano
kasaya sa aming MAHAL NA BAYAN NG DILASAG! “Sumasayaw tayo para sa galak,
sumasayaw tayo para sa mga luha, sumasayaw tayo para sa pagasa, tayo ay mga
mananayaw, lumikha tayo ng ating mga pangarap.” AGBIAG TI DILASAG!

You might also like