You are on page 1of 1

Singer:

Realyn David:

Sa pagbubukas ng bagong yugto ng aking buhay, bilang isang may bahay at ina mas lalong lumakas ang
aking loob dahil sa aking mga inspirasyon, ang laban ko ngayon ay hindi lang para sa aking sarili kundi
para sa aking pamilya, at para sa aming bayan, ang Baler. Ako, si Realyn David 28, ang raketerang divang
ina ng Baler!

Hiphop:

ASA Young Gunz:

Bawat kumpas ng kamay at bawat ikot ng katawan, ang koneksyon namin sa isa’t isa ay hindi
mapapantayan. Dahil sa suporta ng aming mga pamilya lalong tumibay ang aming samahan. Ang
ipapamalas naming galing ay isang pagpapakita na ang mga kabataan ng Baler ay may disiplina, tibay ng
loob at tunay na talento. Kami ang ASA young gunz!

Folk Dance:

Makulay at makabuluhang kasaysayan ang makikita sa aming bayan, sa paglipas ng panahon amin parin
itong pinapangalagaan. Kasabay ng hampas ng bawat alon sumasabay din kami sa makabagong
panahon, hindi para mabura ang nakalipas, bagkus maging karagdagang parte ng ating kultura. Kami po
ang mga empleyado ng LGU Baler, ipapamalas ang totoong galing ng mga Balerenyos!

You might also like