You are on page 1of 2

Replektibong Reaksyon sa Educators' Week

Masasabi kong matagumpay na natapos ang Educators' Week noong nakaraang martes
miyerkules at huwebes. Sa unang araw ng Educators' Week ay nagkaroon kami ng oryentasyon
na isinagawa sa Emma Center. Lahat kaming mga educators ay nagtitipon-tipon upang
mapakinggan ang makabuluhang sasabihin ng speaker namin na si Gng. Lelani Dapat. Maganda
at mahusay ang naging speaker namin sa araw na iyon sapagkat marami akong natutunan galing
sa kanya. Binigyan niya kami ng mga paraan kung paano magtagumpay sa buhay at kung anu-
ano ang mga dapat gawin bilang mga estudyante. Napakagandang pakinggan ang storya niya sa
buhay sapagkat ipinakita niya talaga sa amin na hindi hadlang ang kahirapan upang maabot ang
kanyang pangarap. Nakakatindig balahibo ang kanyang mga karanasan noong siya ay nag aaral
pa lamang hanggang sa siya ay makapagtapos. Ibinahagi rin niya sa amin ang kanyang
motibasyon at inspirasyon sa buhay upang makapagtapos sa kanyang pag-aaral. Maliban sa
kahirapan ay naging motibasyon din niya ang jollibee. Nakakatuwang isipin ngunit totoo ang
kanyang sinabi na gusto niya talagang makapagtapos ng kolehiyo at mgkaroon ng trabaho para
araw-araw ay makakakain na sya ng jollibee.Ang kanyang mga motibasyon sa buhay ang siyang
nagdala sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Sa mga sumunod na mga araw ay nagkaroon naman ng ibat ibang paligsahan na kung saan
huhubog at lilinang sa mga kakayahang pisikal ng mga mag-aaral. Mayroong laro ng lahi tulad ng
volleyball at basketball na ginanap sa basket court, Patintero naman na ginanap sa CTE
Groundfloor, chess at iba pa. Lahat ng mga blocks sa departamento ng edukasyon ay
inaanyayahang sumali sa mga larong ito. Tatlo sa aming kaklase ang sumali sa volleyball girls at
isa naman sa chess. Bilang pagsuporta sa aming mga kaklaseng sumasali sa mga laro ay
pinanood namin sila sa kanilang laro habang sumisigaw at humihayaw sa tuwing ngkakaroon sila
ng puntos. Masasabi ko na sa mga larong ito ay naipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang
tinatagong galing, husay at kakayahan sa larangan ng sports. Naging masaya at matagumpay
naman ang nasabing mga paligsahan. Sa kabilang banda naman ay nagkaroon din ng paligsahan
sa ganda at talino na mayroon ang mga binibini at mga ginoo ng Cebu Normal University. Mr.
and Ms. CTE ang tawag sa paligsahang ito. Dito naipapakita ng mga mag-aaral na hindi lang pala
ganda ang mayroon sila kundi pati na rin utak o talino. Itinaghal ang paligsahang ito sa ILS Stage
stage ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapanood dito sapagkat gabi na ito
nang simulan at mayroon din akong mga bagay na dapat tapusin sa mga oras na iyon. Higit pa
rito, nagkaroon din ng acquintance party ang unibersidad sa lahat ng departamento ng
edukasyon na ginanap sa Centennial Stage. Dito naipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga
magagandang hubog ng katawan na binabagayan nila sa kanilang mararangyang kasuotan. Sa
mga oras na iyon ay naging maganda at kahali-halina ang mga mag-aaral sapagkat isa itong
okasyon kaya nararapat lamang na maging kaaya-aya silang tingnan. Sa pamamagitan ng
acquintance party ay naipapahayag din ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili. Mahalaga
itong pangyayari sa buhay ng isang estudyante dahil dito ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na
makihalubilo sa ibang tao. Dito rin natutunan ng mga mag-aaral kung paano makisalamuha at
makipagkaibigan sa iba.

You might also like