You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Tarlac State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
CENTER OF DEVELOPMENT
Capas Campus, Capas, Tarlac

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA


PISIKAL EDUKASYON
IKA-LIMANG BAITANG

Halaga ng Sayaw
INIHANDA NI:
Kate C. Dela Cruz
BEED 4- C

ISINUMITE KAY:
Mr. Joseph Melegrito
Adviser
I. MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. nagpapakita ng pag-unawa sa pakikilahok at pagtatasa ng pisikal na
aktibidad at pisikal na fitness,
B. nakikilahok at tinatasa ang pagganap sa mga pisikal na aktibidad. at;
C. naisasagawa ang mga iba’t ibang kasanayan sa pagsayaw.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Halaga ng Sayaw
Kagamitan: PowerPoint, Larawan
Sanggunian: Module- SDO Pasay City

III. PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Panalangin

Magsi tayo ang lahat at at tayo ay Iyuko natin ang atin ulo at tayo ay
manalangin. manalangin

Mahal na Ama,

Gabayan Mo po ako sa aking klase ngayon.


Tulungan Mo po akong maintindihan at
maunawaan ang mga aralin. Pagpalain Mo
rin po ang aking mga guro at mga kaklase.
Bigyan Mo po ako ng lakas at determinasyon
upang malampasan ang mga hamon na
darating.

Salamat po sa lahat ng biyaya. Sa Iyong


pangalan, idinadalangin ko ito.

Amen.
Amen…

Pagbati
Magandang buhay!
Mga mag-aaral: Magandang buhay!
Mabuting tao!

Pagtala ng lumiban
Inaasahang sagot: Walang sino man po ang
Maari nyo bang sabihin kung sino-sino ang lumiban sa klase ngayong araw guro.
mga lumiban ngayong araw?
B. Pagbabalik- Aral

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang


pangungusap ay wasto at MALI kung
hindi wasto.

1. Nilinis at tinanggal ng grupo nina


Jade ang mga sagabal sa lugar na
kanilang pag- eensayuhan ng
sayaw. (sinagutan ng mag aaral ang mga tanong ng
guro.)
2. Palaging nagwawarm-up at
nagcocooldown ang
magkaparehang Bill at Rea sa
tuwing sila ay nag-eensayo sa
pasasayaw.

3. Walang tigil sa pag- eensayo ang


grupo ni Raffy kahit ramdam na
nila ang sobrang pagod dahil sa
kagustuhang maperfect ang
kanilang bagong dance routine.

4. Nagkaroon ng minor injury si Mark


kaya hindi muna siya sumali sa
pagsasayaw.

5. Nararapat sundin ang


panunutunang pangkaligtasan sa
pagsasayaw.

Pagganyak

Tingnan ang larawan:

Posibleng sagot ng mag aaral:

Sila po ay nag sasayaw ng katutubong


sayaw.

“opo!”

Ano ang sasabi mo sa larawan?


(Tumayo ang lahat at nagsayaw)
Tama! Nasubukan nyo na rin bang
sumayaw?
Osige ga magsitayo ang lahat at tayo ay
sasayaw !

Inaasahang sagot:
opo
PAGLALAHAD NG PAKSA
inaasahang sagot:

Nasiyahan ba ang lahat? Ang pagsasayaw ay maganda para sa ating


katawan dahil ito ay nagbibigay ng maraming
Sa inyong palagay, maganda ba sa ating benepisyo. Ito ay nakakatulong sa pagbuo ng
katawan ang pagsasayaw? Bakit? lakas, pagiging maliksi, at pagpapabalanse
ng katawan.

“opo”
Mahusay!

Ngayon ating talakayin ang Halaga ng (Nakikinig nag mga mag-aaral.)


Sayaw!
Handa na bang makinig?

Ang sayaw ay isang ritmong paggalaw ng


katawan sa saliw ng musika. Ito rin ay isang
epektibong paraan upang malikhaing
maipakita, maipahatid, maiparamdam ang
emosyon, damdamin, at kaisipan.
Napararating din ng sayaw ang isang
makabuluhang mensahe. Bukod dito, marami
pang magagandang dulot ang pagsasayaw
para sa isang indibidwal. Nariyan ang mga
benepisyo sa kalusugan magagandang asal
at pakikipagkapwa na tinuturo nito.

MABUTING DULOT NG SAYAW

Sa pagsasayaw, nagtatanghal ang


mananayaw ng iba't-ibang galaw ng
katawan. Dahil dito, maituturing na isang
pisikal na aktibidad ang pagsasayaw.
Katunayan, kung titingnan ang Philippine
Physical Activity Pyramid, mapapansing ang
sayaw ang isa sa mga aktibidad na gawin
nang nirerekomendang tatlo hanggang
limang beses sa isang linggo. Ito ay dahil
maraming magandang maidudulot ang
pagsasayaw sa ating kalusugan.

Ilan sa mga mabuting dulot ng pagsasayaw


ay ang sumusunod:
Cardiovascular endurance

Pagpapanatili ng tamang timbang

Ang pagsasayaw ay nakatutulong din sa


balance at koordinasyon ng katawan. Mas
maiintidihan mo ang gamit ng iba’t-ibang
parte ng iyong katawan tuwing ikaw ay
sumasayaw. Nakatutulong din ito sa
pagkakaroon ng magandang postura ng
katawan.

PAGLALAPAT

Igrupo ang klase sa tatlo at lumikha ng isang


sayaw sa pamamagitan ng paggalaw ng
iyong katawan. Ipakita ang inyong likhang
sayaw sa harap ng klase

(Ang guro ay magbibigay ng sapat na oras


para sa pag eensayo ng sayaw)

PAGLALAHAT

Ano ano ang naidulot ng pagsasayaw sa


iyo?. Inaasahang sagot :

Ang pagsasayaw ay nagdulot sa akin ng


kasiyahan at tuwa habang sumasayaw ako
sa tugtog ng musika.

Ito ay nakatulong sa akin na maging mas


maliksi at mas aktibo sa aking pang-araw-
araw na buhay.

Sa pamamagitan ng pagsasayaw,
nakakapagpalakas ako ng aking katawan at
nagiging mas malusog ako.
Magaling!

TANDAAN

Ang sayaw ay isang uri ng komunikasyon at


isang epektibong paraan ng paghahayag ng .
damdamin.
Ang sayaw ay nakatutulong sa paglinang ng
kakayahang pangkatawan.
Mahalagang sundin ang mga panuntunang
pangkaligtasan upang makaiwas sa
aksidente.
IV. PAGTATAYA

(Ang kanilang aktibidad, sila ay sumayaw)

V. TAKDANG ARALIN

Gumawa ng maikling talata o gumawa ng poster na nagpapakita ng mga


benepisyo ng sayaw sa inyong buhay.

You might also like