You are on page 1of 7

'Pitong bagay sa buhay na natutunan ko sa U.

P'

by PROF. RYAN CAYABYAB (Commencement speech given on


April 24 before the Class of 2005)

Maraming salamat po, magandang hapon po sa inyong


lahat. UP President Emerlinda Roman, former
presidents Jose Abueva and Noel Soriano, UP Diliman
Chancellor Dr. Sergio Cao, the Board of Regents, U.P.
faculty and administrative staff, co-professors from
the College of Music, classmates from UP High 1970,
fellow alumni, graduates, and friends:

Malugod kong binabati kayong mga nagsisipagtapos


ngayong taong 2005. Isang karangalan ang pagtayo ko
dito upang maghatid ng isang talumpati para sa inyo.
Huwag kayong mag-alala, maiksi lamang ang aking
sasabihin.

Kinikilala kong ako ay isang mamamayan ng UP. Unang


nasilayan ng aking mga mata ang sinag ng araw sa Area
1, UP Campus, sa may likuran ng Infirmary, kung saan
din nanirahan sina Wilfrido Ma. Guerrero, si NVM
Gonzales, si Jovita Fuentes, si Jose Maceda, at ang
mga Lansang, mga Manalang, mga Daza,
Cailao, Lesaca, Estrada at marami pang ibang mga
pioneering faculty members ng UP Diliman.

Ang nanay ko ay nagturo sa UP College of Music. Apat


kaming magkakapatid na lumaki sa sariwang hangin ng
Area 1, nanghuhuli ng tutubi at kuliglig sa araw,
kulisap naman sa gabi. Diyes ang Coca-cola, singko
ang Cosmos. Minsan sa isa o makalawang linggo, may
dumaraang truck ng DDT
(Dichlorodiphenyltrichloroethane) na nag-bubuga ng
makapal na usok pampatay ng lamok na nagdudulot ng
malaria. Lahat ng bata sa Area 1, at sa buong campus
ay sinasalubong itong truck, at kung kaya lang naming
magsiawit ng Haleluya noon ay ginawa na namin dahil
para kami lahat nasa ulap, nagtatakbuhan, hinahabol at
nilalanghap ang maputi at mabangong usok ng DDT truck.

Napakasaya namin. Walang nagsabi sa amin na hindi


lamang lamok ang pinapatay ng DDT. Ngayong malalaki
na kami at nagbibiruan ang aming egroup na Area 1,
napagkasunduan namin na dahil sa DDT na yan, bawat isa
sa amin ay may bahid ng kabaliwan, depende sa dami ng
nalanghap na DDT.

Marami kaming laro noon sa Area 1 patintero, tumbang


preso, siyato, lastiko, gagamba, luksong tinik,
step-no, habulan, taguan, teks at holen, na sa palagay
ko ay sasabihin ninyong napakalow-tech kumpara sa mga
laro ninyo nung kayo'y mga bata. Meron kaming mga
sikretong tawagan, sipol at huni. Ang dami kong nais
ikuwento tungkol sa aking pagkabata ngunit mauubos ang
ating oras.

Nag-aral ako sa UP Elementary School at sa UP High


School. Matagal na panahon ding diyes lamang ang
bayad sa IKOT. Saan pa ba ako magkokolehiyo kundi sa
UP rin. Una akong pumasok bilang accounting major sa
UP College of Business Administration. Sa kabutihang
palad, nauntog ako at na-realize ko na ako ay hindi
pala maalam sa pagbibilang ng pera.

Tinanggap ako at lumipat sa UP College of Music bilang


isang piano major. Nauntog na naman ako at natanto ko
na ako ay nagpapanggap lamang na isang Cecil Licad.
Mabuti naman at tinanggap ako ng Department of
Composition and Theory. Sa maniwala kayo't hindi,
tinapos ko itong kurso, Bachelor of Music Major in
Composition suma suma-sampong taon bago ko nakuha ang
aking diploma. Aba! Naniwala pa sila sa akin at
kinuha akong guro. Dito ko nakilala ang isa kong
estudiyanteng napakaganda na una kong naging barkada
sa kainan at kantahan, nauwi rin sa simbahan. Halos
dalawampung taon din ako nagturo sa UP College of
Music.

Wala pang tatlong taon na ako ay nagbitiw bilang isang


assistant professor; akala ko'y doon na ang katapusan
ng aking koneksyon sa UP. Hindi pala, dahil ngayon
ang aking panganay ay kasalukuyang isang university
scholar sa College of Music.

Mababaw at maikling kasaysayan lamang ito. Gayon pa


man, kasaysayan pa rin. Para sa akin, napakahalaga ng
aking nakalipas at ito ay lagi kong babalik-balikan.
Habang ako ay papalayo ng papalayo sa aking
pinanggalingan, palalim nang palalim ang mga ugat na
aking tinatanim, sinisiguro ko lamang na hindi ako
maitutumba ng kahit ano mang malakas na bagyo o
delubyo na sa buhay ko ay sasapit.

Ngayon, nakita n'yo kung bakit napaka-halaga ng UP sa


aking buhay, sana ay maging sa inyo rin. Kahit hindi
nyo na nasisilayan ang oblation, at hindi na naririnig
ang karilyon, nawa'y nasa puso at isipan lagi ang
paaralang kumupkop at nagpalawak ng isip ng bawat isa
sa inyo.

Naituro na lahat ng maituturo sa inyo ng inyong mga


guro. Alam naman natin na ang bawa't isa sa atin ay
may natatanging angking galing.

Walang halaga ito kung hindi ninyo gagamitin para sa


ikabubuti at ikauunlad ng inyong komunidad, ng inyong
pamilya at ng buong sambayanan. Itanghal ninyo ang
inyong pagiging Pilipino na nag-aral sa U.P. kahit
saan kayo mapadpad.

Meron lang akong dagdag na pabaon sa inyo para lalong


di nyo malimutan, ang UP nating mahal. Ito ang pitong
mga bagay-bagay tungkol sa buhay na natutunan ko sa
U.P.:

1. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong


patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan.

2. U.P. lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero


nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo
ng buhay mo.

3. Sa IKOT, puede kang magkamali ng baba kahit ilang


beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag
paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong
baba, naku, may sayad ka.

4. Sa U.P., lahat tayo magaling. Aminin nating lahat


na tayo'y magagaling. Ang problema dun, lahat tayo
magaling!
5. Kung sa U.P. ay sipsip ka na, siguradong paglabas
mo, sipsip ka pa rin.

6. Sa U.P., tulad sa buhay, ang babae at ang lalake,


at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang pinagkaiba sa
dunong, sa talino, sa pagmamalasakit, sa kalawakan ng
isipan, sa pag-iibigan; at kahit na rin sa kabaliwan,
sa kalokohan at sa katarantaduhan.

At ang panghuli:

7. Sa U.P. tulad sa buhay, bawal ang overstaying.

Maraming salamat po!

Mayroon pa akong isang huling pabaon, galing sa puso


ko - para rin sa mga puso ninyo, ito ang napili kong
paraan upang maisalarawan ang tema ngayong hapon:

"Angking Galing Para sa Sambayanan". Ito ay isang


awiting nilikha ko at ng aking kakaklase sa high
school na nagtapos din ng kolehiyo sa U.P., aking
musika sa titik ni Ome Candazo, sa tulong ng mga
kaibigan ko sa San Miguel Master Chorale at San Miguel
Philharmonic Orchestra na pawang mga alumni ng U.P.

'Hala? ginawang concert ang speech!'

----------------------
RYAN CAYABYAB GIVES BACK TO UP
By Ivy Lisa F. Mendoza

Last Sunday, a "true-maroon" son of the University of


the Philippines (UP) came home to the Diliman campus
to inspire the thousands of graduates as this year's
commencement speaker.

But it's not as if he left. Because he never did.

Acclaimed musician Ryan Cayabyab has and will always


be a son of UP Diliman. He spent his entire childhood
in Area 1, a neighborhood located at the campus
periphery. He never went to any other school, from
primary to college, but the UP. Afterwards, he went
on to teach at the College of Music where he met his
wife Emy, and now his firstborn is enrolled in the
same college, following in his footsteps. No doubt
then that he topped the shortlist of commencement
speakers for the Class of 2005.

"I do not like delivering speeches, I'd rather write


music obviously. But when I was offered to be the
speaker, I considered but not after giving it much
thought and consultation with friends. Not one of them
dissuaded me, everyone told me to go for it,"
Cayabayab narrates in his signature jolly tone. Known
as the inimitable Mr. C in the entertainment
industry, Cayabyab had previously turned down an
invitation to speak at a UP Integrated School
graduation ceremonies for exactly the same misgiving.

Ironically, Cayabyab never heard the commencement


speaker at his own university graduation simply
because he did not attend. "Nahihiya ako, because I
overstayed," he laughs. But now he realized the time
was here. It was time to give back to the university
that honed him to be what he is now in the best way he
could.

SHOW, NOT TELL And yet, he didn't really know what to


say. First, he didn't want it long and boring.

"It took me just one sitting and several revisions


down to the last minute before I finalized my speech.
I rehearsed it in front of my wife and she said,
nangilid daw luha niya. Puno daw ng UP, mapuso.
That's when I knew that I could already deliver it,"
Cayabayab says.

Cayabyab's speech wanted to show that he never went to


any other school except for UP. "I wanted to inspire
them and make them realize that here I am, a 100
percent Philippine trained, UP-trained musician, and I
didn't learn it from any other school, here or
abroad," Cayabyab relates.. But Mr. C was not without
surprises. All along, he was cooking up something for
this year's graduating
batch.

Longer than he worked on his speech proper, Cayabyab


spent more hours putting together a song that would
show the young graduates, and not just tell them, the
beauty of creativity and innovation, which was this
year's theme. Putting music to the poem of high school
classmate Romeo Candazo titled "Salamat sa 'Yo, UP"
originally written for their UPIS class, Cayabyab
thought it best to turn it into a song, give it a
totally pop arrangement and premiere it on graduation
day.

He commissioned friends from the San Miguel


Philharmonic Orchestra and the San Miguel Master
Chorale, most of whom came from the UP Concert Chorus
and the UP Madrigals, to perform with him.
The result was a first in the history of UP
graduations, a commencement guest who did not only
speak his heart out, but who sang his most profound
gratitude to his alma mater. The song is about
students thanking UP, and not UP telling the students
what to do.

Here is what Cayabyab (and Candazo) surprised the


Class of 2005 with:

Sa 'yo UP maraming salamat


Ikaw na aking tahanan
Mula sa aking pagkamulat
Hanggang sa aking huling hininga

Sa 'yo UP maraming salamat


Ang iyong mga aral ang aking gabay
Baon ko ito sa paglalakbay
Hanggang mapanaw ang buhay

Kami'y lumaki sa iyong pag- iingat


Natutong mag aral, natutong magsaya
Dulot mo ay init tuwing kami ay nagiginaw
Sa lahat ng panahon bigay mo'y pagasa

Sa 'yo UP maraming salamat


Ang iyong mga aral ang aking gabay
Baon ko ito sa paglalakbay
Hanggang mapanaw ang buhay

THE NEW UP SONG?


It is not surprising that faculty and alumni have
started clamoring for a copy of "Salamat sa 'yo, UP"
which, as early as now, is touted to be the new UP
song.

UP President Emerlinda Roman talked to Cayabyab and


asked him about the possibility of using the song for
the fund raising activities in line with the UP
Centennial in 2008. Targetting to raise P5 billion,
university officials will go on a sort of a road show
and travel abroad to rally alumni to support the
endeavour.

"I told her that the university may use the song in
anyway they deem best. I even suggested that we could
produce it, and ask prominent UP personalities to sing
it and record it," Cayabyab adds. With its lyrics, the
song is indeed appropriate for the alumni of the
university.

"It is also subliminally appealing to the hearts of


the alumni to give back. Music has this way of
creating an emotional attachment, and I hope this song
will do it for the alumni."

You might also like