You are on page 1of 5

Emcee’s script para sa pagdiriwang ng Bonifacio at Legacy Day

Mico: Magandang buhay! Mga Ginoo at Binibini!

Ngayon ay natipon tayo sa isang programa kung saan,

matutuklasan at matutunghayan natin ang mga inihandang

presentasyon ng bawat seksyon.

Aleya: Ngunit bago ang lahat maaari ba naming malaman

kung ayos lang ang kalagayan ng mga Le Marians? Maaari

bang pindutin niyo yung heart emoji?

Mico: Yan, mabuti naman. Handa na ba kayo?

audience response

Aleya: Nawa'y handa na nga kayong masaksihan ang

iba't-ibang likha ng bawat isa

Julia: Kung gayon, Sisimulan natin ang programa sa Pambungad

na Panalangin na Doxology na inihanda ng piling mag-aaral ng

aming seksyon, baitang 10. At susundan ito ng Tableau at

Pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Magsitayo na po

tayong lahat.

Aleya: Maaari na po tayong maupo.


Mico: Panoorin at pakinggan natin ang hinandang Welcome

Remarks ni Kryzchle Steffany Samuel, Ang Bise Presidente

ng baitang sampu, atin siyang bigyan ng masigabong palakpakan!

Julia: Maraming salamat Bb. Samuel. Ngayon ay pakinggan naman

natin ang Presidente ng baitang 10 para sa kanyang Pambungad na

Pananalita, John Moises Villanueva!, Atin siyang bigyan ng

masigabong palakpakan

Julia: Maraming Salamat G. John Moises Villanueva, para sa

iyong pagbukas ng ating programa.

Aleya: Sa pagdating Ng Buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang

natin ang Bonifacio at Legacy Day, ngunit dahil sa pamdemya

hindi na tayo nagkakaroon ng pagtitipon-tipon tulad noon, ngunit

nananatili pa rin itong nakatatak sa ating puso at isipan upang

mabalik tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating mga itinuturing na BAYANI.

Mico: TAMA!

Julia: MAHUSAY!

Julia: Ang ating programa ay may temang "PAG-ALALA AT PAGPUPUGAY

SA ATING MGA BAYANI" kung saan ating pinararangalan ang kanilang

kahusayan at katalinuhan sa ating bansa at sa ating paaralan.


Mico: Kaya naman ngayon, ihanda natin ang ating mga sarili

dahil masasaksihan na natin ang mga hinanda niyong presentasyon.

Panoorin natin ang Interpretative dance na hinanda ng grade 12.

julia: grade 11

Mico: ngayon naman ang grade 10

julia: grade 9

Mico: saksihan naman natin ang grade 8 capricorn

Aleya: Hindi lang Bonifacio Day ang ating pinagdiriwang ngayong

araw kundi ang Legacy Day, kung saan inaalala natin ang historya

ng ating paaralan. Sino nga ba ang rason kung bakit nagkaroon ng

pangalawang tahanan ang mga Le Marians, sino-sino ang mga tao sa

likod ng tagumpay ng paaralan natin-

Julia: mga tao na may ginintuang puso, matulungin, matalino at

mapagmahal. Mr. Aguedo Castino, Dr. Aurora Castro at Ms. Leonila

Marquez, sila ay iilan lang sa mga taong na malaki ang tulong sa

ating paaralan

Mico: Ngayon ay saksihan natin ang inihandang flower at candle offering


ng mga Lemarians para sa pagalala sa kanila at susundan ito ng tribute

messages

Julia: Ok pakinggan naman natin ang ating principal na si Dr. Beth

M.Gaton para sa kanyang message

Aleya: Maraming salamat po ma'am Beth. At eto naman si Prof. Dr.

Corazon D. Salcedo para sa kanyang words of wisdom.

Mico: Salamat po sa mga matatalinghaga niyong salita ma’am Beth at

ma’am Salcedo.

Mico: Le Marians, nakapanood na ba kayo ng Flag dance? gusto

niyo bang makapanood nito? Siya sige ito ang intermission number

ng grade 10 ampere, nawa ay ma-enjoy niyo.

after ng intermission number

Julia: Eto na mga Le Marians, awarding na! Handa na ba kayong

malaman kung sino ang mga nanalo? Sige, pangungunahan ni ma’am

Salcedo ang awarding. Ma’am mukang excited at ready na po ang mga

Le Marians na marinig kung sino ng aba ang mga nanalo.

after awarding

Aleya: Pakinggan natin si Mico Miguel Anglo, cultural affairs

representative ng baitang 10, para sa closing remarks at susundan

ito ng closing prayer na hinanda ng piling mag-aaral ng grade 10-Ampere.


Isang kasiyahan na kasama kayong lahat ngayon, nais
kong pasalamatan ang lahat sainyo, lemarians, alumni,
at mga magulang na nakikibahagi at nakisaya sa
programa natin. Salamat sa lahat para sa iyong
pasensya, pang-unawa at pakikisama. Taos-puso kong
pinasasalamatan ang iyong atensyon na ibinigay
ngayon, lalo na sa aming mga tagapagsalita na
maalalahanin na tumulong sa amin upang matapos
itong kasiya-siyang kaganapan salamat maam dianara
maam irma dr beth at prof dr Salcedo. Sa oras na ito,
nais kong pasalamatan ang aking mga kasamahan para
sa trabaho na inyong ginugol upang ipagpatuloy ang
ganitong uri ng programa, and that brings us to the end
salamat sa inyong lahat!

You might also like