You are on page 1of 4

Speech Fest

Unang araw ng 74th Founding Anniversary ng Alitagtag College INC. ay ang


Speech Fest, Kung saan ang mga mag – aaral ay tumula, nag ulat ng balita.
Parehong may tagalog at ingles ang Speech Fest. Marami ang naiyak na lumahok
dahil sa tula nilang binigkas at marami rin ang nalungkot at naiyak dahil sa tula
nilang binigkas. Kasali din ang Aming kaklase na si Mikylla Mercado, na tumula
ng tagalog. Pag ka tapos ng Tumula ng mga mag-aaral sila nmn ay nag Nag ulat
ng balita tungkol sa ibat ibang ganap katulad nalamang ng Foundation week ng
AC Inc., at ang kalilipas na bagyong Paeng. Pag ka tapos ng mga mag-aaral sa
kanilang mga tula at pag uulat ng balita kami ay umuwi na at nag handa para sa
kinabukasan na event.

Debate
Pangalawang araw ng 74th Founding Anniversary ng Alitagtag College INC. Ang
Junior Highschool ay nag debate tungkol sa Remidial classes tuwing bakasyon.
Nahihirapan ang Affirmative side ng JHS sa pag defense at pag sagot ng tanong
ng Negative side, Habang naman ang Negative side ay napaka husay sa kanilang
defense at pag sagot na ibinabato ng affirmative side sa kanila. Pag ka tapos
nilang mag debate sila ay binigyan na mga sertipiko para sa kanilang premyo.

Thanksgiving Mass
Ang Alitagtag college ay pumunta sa Simbahan ng Alitagtag para mag Simba
para makapag pasalamat sa ika 74th Founding Anniversary ng Alitagtag College
INC. Pag ka tapos naming mag samba kami ay bumalik sa loob ng paaralan para
manood ng pagbigay ng parangal sa mga sumali sa speech fest, digital
competition, at sports, at Esports game.

Dribbling Competion
Nag pakitang gilas ang mga lumahok sa Dribbiling completion sa kanilang mga
tricks at mga pasayaw sayaw na galaw habbang nag dridrible ng bola. Mayroon
ding isang man lalahok na naka piring ang mga mata at hindi man lang niya
nabitawan ang dalawang bola na hawak niya mayroon ding mga babaeng mga
lumahok na nag pakitang gilas at ipinakita na di lang mga lalaki ang maalam
mag basketball. Pag tapos ng dribbling competition sila ay binigyan na ng
kanilang parangal.

Floral Offering
Ang buong paaralan Teacher o studyante ay nag papasalamat kay Dr. Rufino
Recto Banta. Ang mga mag aaral ay nanood habang ang mga Teacher ay nagbigay
ng kanilang thankful speech habang nag dala ng kandila at mga bulaklak. Ang mga
manlalahok din ng Mr. and Ms. AC ay nagbigay din kanilang speech at nag dala ng
rosas para pasalamatan ang Founder ng Alitagtag College INC. Pag katapos ng
offering kami ay pinabalik sa paaralan para sa Raffle na inihanda ng School
Administration.

Cultural Fest
Ang mga Manlalahok ay sumali sa Song, Guitar competition, Contemporary, Folk Dance,
Modern and Hip Hop Dance. Ang mga sumali sa Song competition ay ipinakita na kaya din
nilang kumanta ng mataas ang birit at magandang nilang boses. Ang Guitar competition
naman ay madaming napakilig sa tangging gilas nila sa pag tugtog ng gitara may malungkot
na kanta at nakakakilig ang kanilang mga tinugtog. Ang contemporary naman ay ipinakita nila
na kaya nilang ipahayag ang meaning ng kanta nilang sinayawan. Folk Dance ay kanilang
ipinakita na kahit modernong panahon na ay hindi pa din nila makakalimutan ang ating
Kultura ipinakita nila ito sa kanilang pag sayaw ng mga Cultural dances. Ipinakita naman ng
mga Dancer ng Modern at Hip Hop ang kanilang mga galing sa pag sayaw sa mga modernong
kanta. Pag katapos nilang mag perform sila ay nabigyan ng mga parangal.

Pinoy Games
Kaming mag aaral ay pinalaro ng Pahabaan ng boses o hininga, Hep Hep Hooray,
Hulaan ng kanta. Madami ang Nakilahok at madami din ang nag tritrip lamang
sa pahabaan ng hininga. Ang Hep Hep Hooray ay ang pinaka nakakatuwang
palaro dahil kailangan tuwid ang iyong mga kamay pag mag Hohooray at
malakas ang iyong pag bigkas ng nag Hep Hep. Ang hulaan ng kanta ay hindi
gaanong kasaya dahil kakaunti lamang ang nakakalam ng sagot sa title ng kanta.
Marami ang nadismaya dahil ang ibang palaro ay hindi itinuloy katulad nalang
ng Bring me.

Mr. & Ms. AC 2022.

Ang pinaka aantay na event sa 74th Founding Anniversary ng Alitagtag College.


Ang event ay nag simula sa kanilang pag papakila at pagpapakita ng kanilang
pag rampa at pag sabi ng mga kasabihan para sa Communication skills. Pag
katapos nilang mag pa kilala inirampa naman nila ang kanilang mga sports wear
mayroong mga nasayaw, Pamamana, Badminton, Karate, Tennis at Pagbubuhat.
Pag katapos nilang irampa ang kanilang mga Sports wear inilakad naman nila
ang kanilang nag gagandahang Formal wear na may naka Barong, Tuxedo, Long
gown. Pag katapos nilang ilakad ang Formal wear ay mayroong kumanta habang
Sabay sabay ilakad ng mga lalaki ang kanilang mga babaeng partner. Pag
katapos ng kanta silang lahat ay binigyan ng mga parangal para s Mr and Ms.
Popularity, Mr and Ms. Photogenic, Mr and Ms. Congeniality, 2nd runner up, 1st
runner up, at ang Mr and Ms. AC 2022.

You might also like