AIS Ipinagdiwang Ang 125th Anniversary NG Araw NG Kalayaan

You might also like

You are on page 1of 1

AIS Ipinagdiwang ang 125th Anniversary ng Araw ng Kalayaan

Nagkaisang ipinagdiwang ng punongguro, mga guro at mag-aaral ng Annafunan Integrated


School ang 125th Araw ng Kalayaan nitong Hunyo 13, 2023 bilang pagkilala at paggunita sa lahat ng
bayaning tumulong para makamit ang kalayaan ng bansa.

Sa araw ng kalayaan, madaming mga aktibiti ang naiuulat na gawin ng mga mag-aaral at mga
guro. Bilang pag-alala sa gawaing ito, lahat ng mga kababaihang guro ay nagsuot ng Filipiniana attire,
sa lalaki naman ay Barong Tagalog o Camisa de Tsino. Pagpasok palang sa paaralan, sasalubong na
sayo ang sayaw at awit na pinangungunaan ng mga mag-aaral na nakasuot ng baro’t saya. Pag dako
ng alas siete ng umaga, nakiisa ang Annafunan Integrated School sa sabay sabay na flag raising
ceremony.

Itinuro ng mga guro kung paano nakamit ang kalayaan at histori ng Araw ng Kalayaan.
Makikita mo din ang paglagay nila ng mga Philippine flag sa kanilang mga silid-aralan. Sa mga nasa
ikalimang baitang at ikaanim, nagkaroon din sila ng Quiz bee tungkol sa Araw ng Kalayaan.

Ang Araw ng Kalayaan ay ginugunita tuwing Hunyo 12 kung saan iwinagayway ni Emilio
Aguinaldo ang bandilang Pilipinas sa Kawit, Cavite na kilala noon bilang Cavite El Viejo.

You might also like