You are on page 1of 1

SPG in Action

MILYUN-milyong estudyante at mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa


bansa ang magbabalik-eskuwela sa Lunes, Hunyo 6, ngunit isang linggo
bago ito, pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang taunan
nang tradisyon ng paghimok sa mga komunidad at sa iba’t ibang ahensiya
ng gobyerno para ihanda ang mga paaralan—ang Brigada Eskwela.

Simula nang ilunsad noong 2003, naging kapaki-pakinabang ang Brigada


Eskwela sa paghahanda sa mga eskuwelahan para sa muling pagpasok ng
milyun-milyong mag-aaral at estudyante matapos ang matagal na bakasyon.
Kaya naman kapag nagsimula ang Brigada Eskwela ng Mayo, isang tunay na
grupo ng mga volunteer—mga magulang, guro, estudyante, at alumnus,
miyembro ng mga grupong sibiko, at iba pa sa komunidad—ang dumadagsa
sa mga eskuwelahan upang tiyaking handa na ang lahat, at ligtas at malinis
ang babalikang paaralan ng mga bata. Isa sa mga tumutulong dito ay ang
pamunuan ng mga estudyante ang Supreme Pupil Government.
Ngayong taon, ang grupo ng mga batang ito ay masigasig na tumulong sa
mga silid-aralan upang mapabilis ang pag-lilipat ng mga kagamitan ng mga
gurong naglilipat ng gamit. Tumulong din sila na maglinis ng mga silid-
aralan. Sa ganitong paraan mas madali at mapapabilis na maihanda ng guro
ang kanilang mga silid-aralan sa darating na pasukan.
.
Isa itong napakagandang pagpapakita ng diwa ng bayanihan ng mga
Pilipino.

You might also like