You are on page 1of 1

Brigada Eskwela: Sandigan

ng
matatag na paaralan at
komunidad
P atuloy pa rin ang tulong na ipinapaabot ng mga boluntaryo sa mga paaralan sa iba’t
ibang panig ng bansa sa panahon ng Brigada Eskwela na isa sa mga nagsisislbing paraan
upang magkaroon ng mas maayos at kaaya-ayang pisikal na aspeto ang pangalawang
tahanan ng mga mag-aaral sa ilalim ng tema ngayon na “Matatag na Bayan para sa
Maunlad na Paaralan”.
Tulad ng mga naisagawang Brigada Eskwela ng mga nagdaaang taon, iba’t ibang ahensiya at
institusyon, publiko at pribadong sektor, mga boluntaryo mula sa loob at labas ng mga paaralan ang
nagtitipon – tipon upang isaayos, gawing ligtas at maging handa ang mga paaralan para sa kapakanan
ng mga kabataan na sasabak sa panibagong taon ng kanilang pag-aaral.
“Wala ring humpay” ang naging tugon na tulong, donasyon at serbisyong natanggap ng Toclong
Elementary School matapos na maki-Brigada ang iba’t ibang ahensiya mula sa National at Local
Government Unit, mga pribadong sektor o business establishments, religious groups, alumni, mga
propesyunal at pribadong indibidwal, mga kaguruan at asosasyon ng mga magulang at mga mag-
aaral.
Pinatunayan lamang ng positibong pakikiisa ng mga boluntaryong naki-Brigada sa paaralan sa
paaralan na lahat ay may kapasidad na sumulong basta tulung-tulong sapagkat mula sa isang
paaralang nakapinid sa pagitan ng “tahimik” na kapaligiran, isang makabuluhang aksyon at panahong
laan para sa serbisyo at pagkakaisa ang ipinakita ng bawat volunteer upang magkaroon ng akmang
kapaligiran sa pagkatuto ang mga mag-aaral.
Sa mga ipinagkaloob na tulong ng mga volunteer nasasalamin na bawat isa ay naniniwala pa rin
sa halaga ng edukasyon na tulay upang magkaroon ng mga bagong henerasyon ng kapaki-pakinabang
at produktibong kabataan sa kani-kanilang kinabibilangang komunidad at pagpapatatag nito sa
darating na panahon.
Nagpupugay ang paaralan sa pamahalaan ng DepEd, sa lahat ng mga guro, pampublikong
opisina, pribadong kompanya at mga NGOs sa pagtulong at pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo
upang maisagawa ang Brigada Eskwela sa taong ito. Sa patuloy na pagsasagawa ng Brigada
Eskwela, hindi lamag mga paaralan sa bansa ang magkakaroon ng kaayusan maging ang kounidad
na kinabibilangan ng mga bagong henerasyon ng mamamayan na katuwang sa makabuluhang
adhikaing magkapagbigay nang maayos na EDUKASYON.

You might also like