You are on page 1of 2

Brigada Eskwela idinaos sa panahon ng pandemya, FEBIHS nakiisa.

Nakisama ang Francisco E. Barzaga Integrated High School sa Brigada


Eskwela 2020 na siyang isinasagawa taun-taon upang pagsama-samahin ang mga
stakeholder ng edukasyon na lumahok at mag-ambag ng kanilang oras, pagsisikap, at
mapagkukunan upang maihanda ang mga pasilidad ng pampublikong paaralan para sa
pagbubukas ng taon ng paaralan sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Ginoong Glen Paul Abawan, Brigada Eskwela Coordinator, “Bagamat
mahirap ang ating nararanasan na sitwasyon sa mga panahong ito dulot ng Covid-19,
ang mga paaralan katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon ay puspos pa rin ang pag-
asa na maihatid ang nararapat na serbisyo para sa lahat ng mga mag-aaral na Pilipino.”

Ang Schools Division of Dasmariñas ay naglunsad ng programang


“Discovering Heroes” sa ilalim ng Brigada Eskwela at Adopt-A-School Program na
siyang iba sa nakasanayang brigadahan sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ang
pagtitipon upang maiwasan ang paglobo ng kaso ng Covid-19.

“Ang bawat paaralan ay mananatiling tahanan ng pagmamahal at sandigan ng


mga kabataang Pilipino. Lahat ng paraan ay aming ginagawa katuwang ng mga
nasabing programa (BrigadaEskwela at Adopt-A-School) ng Departamento ng
Edukasyon upang maipabatid din ang mga mensaheng #WalangIwanan
#TuloyAngEdukasyon,” sabi ni G. Abawan.

Nakiisa rin ang paaralan sa Division Virtual Kick-Off ng Brigada Eskwela 2020
katuwang ng Departamento ng Edukasyon sa pagpapanatili ng bayanihan tungo sa
kalidad na edukasyon para sa mga kabataan na may temang, “Pagpapanatili ng
Bayanihan tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa mga Kabataan.”
“Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa virtual kick-off ng bawat SDO (Schools
Division Office) sa tulong ng internet ay naipadama ng bawat paaralan, guro at mga
stakeholders at school partners ang isang puspos na pagsisikap at espiritu ng
bayanihan. #WalangIwanan,” dagdag ni G. Abawan.

Idinagdag din ni G, Abawan na maraming hamon ang kinakaharap ng bawat


paaraln upang maisagawa ang taunang Brigada Eskwela at makikita na maging ang
nakagawiang bayanihan at pukpokan taun-taon ay nasa proses rin ng pagbabago dulot
ng krisis na pinagdaraanan.

Ilan sa mga hamon na ito ay ang paghahanap ng partners/donors para sa mga


pangunahing pangangailangan ng mga guro at mga mag-aaral para sa Bagong
Kadawyan sa konteksto ng edukasyon, pagbuo ng matibay na koneksyon at relasyon
virtually, at ang epekto ng krisis sa lahat.

“Malaking papel ang ginagampanan ng social media upang patuloy na


maipabatid ang tunay na diwa at espiritu ng Bayanihan,” ani ni G. Abawan.

Puspos din ang pagsusumikap ng paaralan para makausap ang mga barangay
na maaaring makapagbigay ng tulong para sa pagpapatuloy ng edukasyon sa
kabataan.

“Sa pamamagitan ng opisyal na pahina sa facebook ay patuloy lamang ang


pagdiskubre sa mga natatanging bayani na bukas-palad at may puso sa pagtulong para
sa muling pagpapasigla ng edukasyon at pangarap ng mga kabataang Pilipino,” dagdag
pa nito.

Sa pamamagitan ng iba’t-ibang social media platforms tulad na lamang ng


facebook ay kumukonekta ang paaralan sa mga magulang at estudyante katuwang ng
mga barangay upang mabilis na maipahatid ng malinaw at kumprehensibong
impormasyon na inilalabas ng paaralan.

You might also like